CHAPTER 39

310 10 33
                                    

Cayenne keep on asking me what is going on but I can't answer her— not because I don't want to but I don't know how to start.

Wala pang isang araw nang makipagkita si Mick at Edward sa akin. Pinaalam nila sa akin ang bagong pinapagawa ng Camorra. They want me to kill my next opponent inside the octagon— I refuse to. Gusto ko ng kumawala sa kanila. I thought I still have time, balak ko ng humingi ng tulong pero mukhang desperado silang huwag akong bigyan ng pagkakataon.

"Abraham, Yaya Nora's bleeding. May bad guys, I saw them. They're wearing lion mask like Scar on Lion King," umiiyak si Stefano habang nagsusumbong sa akin.

Ginagamot ng mommy niya ang sugat ni Yaya Nora sa balikat kaya sa akin siya nakakalong.

"Bakit nila binato house natin? Did we do something bad sa kanila?"

Nagkatinginan kami ni Cayenne. Tumingin siya sa pinto na parang sinasabing mag-usap kami sa labas. Binuhat ko si Stefano at pinaupo sa higaan.

"May titignan lang ako, Stefano. Be a brave boy, don't cry na," salita ko tsaka lumabas na. Maya-maya pa ay sumunod sa akin si Cayenne, hinila niya ako papasok sa kwarto ni Stefano.

"Do you know them? Abraham, I swear to God kapag nadamay si Stefano sa kalokohan mo hindi kita mapapatawad."

I can't put her in panic. I need to clean everything silently, that will keep her safe if I will die. Kapag may sinabi ako sa kanya hindi matatapos sa akin lahat, they will also come after her.

"Tumawag na ako ng pulis. They will investigate the scene."

"You don't know them?" May pagdududa sa tanong niya.

"No, I don't know them."

Hinila ko siya para yakapin. "Next time don't go running after me. Let me protect our family, Cay. Kahit mamatay ako huwag kang susunod. Stefano needs atleast one parent and that should be you."

Naramdaman ko ang pagyakap niya rin sa akin at pagpilig ng ulo niya sa dibdib ko. "He needs two parent. Huwag kang tatakbo palabas ng walang paliwanag kasi kahit anong sabihin mo hahabulin kita. I don't want Stefano to lose you, hindi ko kayang makita ang anak natin na masaktan dahil namatay ka sa katangahan."

Sa kabila ng pangamba ko napangiti ako. She addresses Stefano as our son— not only hers but ours.

"Natakot ba kita kanina?" sinuklay-suklay ko ang buhok niya. I don't want to let go from the hug, she's perfect in my arms like she's my missing puzzle piece.

"Hindi. Natangahan ako sa 'yo. Bakit mo ginawa 'yon?"

Kinurot niya ako sa tagiliran. Kahit hindi niya sabihin alam kong kinabahan siya. Hindi naman siguro siya mamumutla kanina kung wala lang.

"Bakit may baril ka?"

Tinulak niya ako pero hindi ko hinayaan na makaalis siya. Kapag sinalubong niya ang tingin ko paniguradong hindi na ako makakapagsinungaling pa.

"Protection lang."

"Para saan?"

"Sa lahat. Marami ng masamang tao ngayon."

"Masama ka rin namang tao."

Nanahimik ako. Masamang tao talaga ako at hindi ako magdadalawang isip na may patayin kung para sa kanila ni Stefano.

"I texted Nutty." Muli niya akong tinulak kaya binitiwan ko na siya. "She's coming with mom and dad. Nutty knows you're visiting Stefano pero sina Mommy walang idea. And I want it to stay that way."

I already get where she's coming. Tumango nalang ako. Mas mabuti na rin ito, mapapanatag ako na nasa mabuti silang dalawa at may kailangan din naman akong puntahan na hindi na muna dapat niyang malaman pa.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon