CHAPTER 6

370 17 3
                                    

I am starting to question Cayenne's timing. She's always at the wrong place at the wrong time, ibig ko lang sabihin ay kung nasaan ako at may kabasag-ulo nagkakataon din na nandoon siya. I am wondering if she also caught me doing drugs, wala rin kasi siyang sinasabi, basta nalang pagkatapos niya akong abutan ng tubig pagkatapos ng pakikipag-away ko ay umaalis na rin naman siya.

"Sinusundan mo ba ako?" hindi ko na napigilang magtanong nang sa muli ay pagkatapos kong makipagbasag ulo sumulpot siya at nagbigay ng tubig.

Ngumiti siya. Palagi nalang siyang ganito, hindi ba siya nangangalay? "Nagkataon lang kuya Abe. Paano ba naman ikaw, sa dami-dami ng pwedeng lugar dito pa. Eh ayan lang ang klase ko oh." Tinuro niya ang kitchen laboratory na nasa tapat namin.

"Cayenne," singhap ko ng pangalan niya. "I know tita Kirsten doesn't appreciate you being friends with me. Kaya kung pwede lang, stop showing some concern to me. Ayaw ko ng gulo."

Her radiant smile leave her face. She became serious for a second but smile again. Hindi yata siya mabubuhay kung hindi nakangiti.

"Kuya walang sinasabi si Mommy. He likes you kaya, kayong lahat nina Kuya Adi at Kuya Apollo."

Napakamot ako sa kilay ko. The thing I hate about myself is that I don't know how to forget things. Ayaw ko man sabihin ay sinumbatan ko na siya. "The last time I drive you home kinagalitan ka niya. She's also displeased seeing me. Ayaw sa akin ng mommy mo, Cayenne." Nagsisi ako ng kaonti matapos sabihin iyon. It was all true but I sounded wrong— hysterical.

Tumawa siya ng malakas na ikinalito ko. Hinampas pa niya ako sa braso." Kuya naman eh, parang tanga 'to. Napakasensitive." She laugh even louder.

"I'm not joking, Cayenne. Stay away with me. Yes, I am a troublemaker but the last thing I want is to trouble you. Malilintikan ako kay daddy."

Tumigil siya sa pagtawa. Inabot niya ang gilid ng labi ko dahilan para mapangiwi ako. I didn't realize I was hit there and had a small cut.

"Sensitive mo," kumento niya.

"I am serious."

"Kuya Abe—" salita niya na ikinapipi ko. May kakaiba akong napisil sa loob ko. "Mom isn't displeased with you. Sa akin siya napabusangot. Yes, pinagalitan niya ako that day pero lalong hindi dahil sa 'yo. She said I should be neat and clean because I am working on the kitchen. Para raw kasi akong nanlilimahid, kung ako raw ang chef at costumer siya kung makita niya ako na ganoon she will not gonna eat what I served. In matter of fact nga pinuri ka pa, pasalamat daw ako at may magandang loob ka na isabay ako pauwi, kung hindi raw ay nakakahiya na pakalat-kalat ako sa ganoong itsura."

I don't act like a boy, but my face betrayed me. I couldn't help but puckered my lips and look away. She's right, I am sensitive. Kahit hindi para sa akin sinasalo ko. I feel so shitty about myself just standing in front of her after thinking badly about how her mother thinks of me.

"Halika na nga. Gagamutin nalang natin 'yang sugat mo. Kawawa ka lalo kapag nakita' yan ni Uncle Sam."

I drive her home again after that at hindi kagaya noong nakaraan when tita Kirsten offer me a snack ay kumain ako. Ilang beses akong natawa sa kakaibang relationship nina Cayenne at Nutmeg sa mommy nila.

My mother is one precious woman, I treasure her with my life. I wouldn't even think disrespecting her. But she's too serious, too strict, too meddling. But luckily not to me, hinahayaan niya lang ako sa kalokohan ko kapag siya ang nakakahuli. She will clean up after my mess. I don't know whether to be thankful of that or resentful.

I purposely startled Cayenne with blowing an air on her face out of nowhere and I wasn't disappointed with her reaction. Napatalon siya sabay hampas sa akin na may namimilog pang mga mata. Natatawa kong sinasalag ang bawat hampas niya. "Hey enough."

I take a step back before her personalized rolling pin hit my face. Napadaan ako sa kitchen laboratory ng building nila at nahagip ko siyang nag-iisa kaya pumasok na ako.

"Kuya Abe naman eh. Nanggugulat ka!" singhal niya na may kasamang sampal na naman sa braso ko.

"Ano bang ginagawa mo? It's already 9 in the evening and no one's here already, bakit ka pa nandito?"

Ngumuso siya. "I mess up kanina sa practical exam namin, pinaglinis tuloy ako ng professor namin." Tinuro niya ang tambak na hugasin sa metal sink ng laboratory.

Hinubad ko ang backpack tsaka nilapag sa malinis na mesa. "Let me help you tapos sabay na tayong umuwi."

Luigi texted me na pinapatawag ako ni Mick sa frat house pero wala akong ganang mag-inom ngayon, ilang araw na rin akong walang drug session. Parang kusang nagsawa ang katawan ko sa mga ganoong gawain.

"What's your plan after college, Kuya Abe?"

Saglit akong napatigil sa paghuhugas ng walang katapusang cake tins sa tanong niya. I'll be graduating in a year, wala akong plano talaga, wala rin naman kasing nagtanong. Maybe they all expect me to be dependent with my trust fund.

"I don't know yet. Kung ano lang."

"Why don't you talk with Uncle Iros, pwede ka sa team ni Milan. Naghahanap yata sila ng new mechanic. Mabilis sa trabaho. You are qualified naman."

"I don't think that type of work is for me. I don't like fixing cars o kahit anong bagay, I'm just good with riding it."

"Bakit naman? Sayang naman, ang hirap ng degree program mo tapos sasayangin mo lang? Bakit ka pa kumuha ng mechanical engineering kung hindi pala para sa 'yo ang mga ganoong klase ng trabaho?"

Tinago ko ang pagbuntong hinga sa pagpunas ng pawis na namuo sa leeg ko. Dati kasi inisip ko lang kung anong program ba ang may dating sa mga babae.

"Don't ask me questions like that because honestly I don't also know what had gotten in me to take a very difficult program." I said excluding the fact that I did choose the program to please women.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung bakit culinary ang kinuha ko?"

I chuckled softly. Inayos ko na sa lagayan ang baking tools tsaka ko siya hinarap. Tapos na rin siya sa ginagawa niya. Like me she also lean sideways on the metal sink, her arms are also crossed on her chest with a silly smile on her face.

"Your parents are both chef, Cayenne. Your family is in food business. Do I really have to ask you why?"

She playfully roll her eyes. "Hindi manlang ako pinagbigyan na gumawa-gawa ng dramatic na kwento." Umayos siya ng tayo. Tinanggal ang suot na apron tsaka siniksik sa bacpack niya.

I couldn't stop myself from smiling with her acting like a spoiled baby, padabog pa akong tinalikuran at kahit nasa loob pa ako ng kitchen laboratory ay pinatay na kaagad ang ilaw.

"Fine," I said surrendering when we are already on the way home. "Bakit ka nagculinary?"

I saw on the rearview how she roll her eyes again. "Huwag na. Nakalimutan ko na kwento ko."

"I know you didn't forget. Sige na, kwento na."

Akala ko magpapakipot pa at magpapalambing pero ngumisi siya. Tinanggal pa ang seatbelt at naupo patagilid, paharap sa akin. She started with her made up story na akala mo aping-aping at galing sa mahirap na pamilya. She's story telling like a very imaginative writer pero sa hula ko ay napanuod niya siguro sa kinakaadikan niyang korean drama.

"I can't really take you seriously, ang dami mong alam," kumento ko matapos niyang tapusin ang kwento sa namatay niyang aso na mahilig sa cake kaya iyon daw ang inspiration niya.

"Totoo naman kuya. I'm sad because I lost a dog, naalala ko siya everytime I bake."

I shake my head in disbelief with how believable her acting is. Kung ibang tao lang ako paniguradong maaawa ako sa kanya. Kinabig ko na ang manubela pagilid sa tabi ng gate nila para makababa na siya.

"I wanted to believe you Cay, pero 'di ba wala ka namang naging aso? You're allergic to it."

Mariin kaming nagkatinginan at paglipas ng ilang segundo ay tila may naalala siya. "Ay, Oo nga pala no?" Natawa siya sa sariling kalokohan at ganoon din ako.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon