Tw: mature audience
Kanina pa ako hindi mapakali— pagkatapos ng hapunan ilang beses akong nasuka sa kaba. Nagsisi ako na hindi ko hinalikan si Cayenne kanina. Pumasok sa isip ko na baka hindi ako makatakas ng buhay sa lugar na 'to.
Kinapa ko ang susi ng motor na tinago ko sa loob ng boxer ko. Nag-alala ako na baka may random inspection na naman at mahuli pa ako.
Kulang nalang hatakin ko ang oras para dumating na ang madaling araw— mabagal na nga ang oras panay pa kwento si Peter at parang ayaw pa matulog.
"Kung ayaw mo matulog magpatulog ka naman!"
Lihim akong napangiti nang pinuna na ng kasama namin ang kaingayan ni Peter. Nagtalo pa silang dalawa pero nauwi rin naman sa katahimikan.
Nang lumakas na ang hilik nilang dalawa ay tumayo na ako— napaatras ako nang may sumulpot na gwardya. Hinanda ko ang sarili ko sa pwedeng alibi kung bakit gising pa ako at nakatayo malapit sa pinto pero sa halip na magtanong ay binuksan niya ang selda.
"Tao ako ni Elias."
Sa sinabi niyang iyon ay mabilis akong kumilos at sumunod sa kanya. Walang kahirap-hirap naming narating ang pader sa likod na bahagi ng Bilibid.
Tiningala ko ang pader habang siya naglalagay ng lubid para gamitin sa pag-akyat. Sinubukan niya muna kung matibay bago niya iabot sa akin ang dulo.
Sinusubukan kong akyatin ang pader nang makarinig kami ng sunod na putok.
"Tangina, bilisan mo!" sigaw niya sa akin nang tumunog ang alarm na hudyat na may nakatakas. Pinag-igihan ko na makaakyat ng mas mabilis— para akong nakikipaghabolan kay kamatayan.
Kakatapak pa lang ng paa ko sa lupa nang lumundag din pasunod ang tauhan ni Elias. He was trained for things like this, hindi na ako nagulat pa.
"Kailangan nating maghiwalay," kalmado pero may pagmamadali sa boses niya. Inabot niya sa akin ang isang baril niya, kinuha ko iyon at tinago sa likuran ng pantalon ko.
Sabay kaming napayuko nang may bala na lumipad papunta sa gawi namin.
"Doon ang motor na iniwan ni Elias para sa 'yo. Huwag kang dumaan sa main highway, pagkatapos ng ilang kilometro ay iwan mo ang motor at maglakad ka lang palayo. Magtago ka muna ng ilang araw—" may dinukot na naman siya sa bulsa niya, cellphone at binigay sa akin. "Tatawag si Elias kung maayos na ang lahat."
Hindi na niya hinintay pa na makasagot ako. Tumakbo siya sa kabilang dereksyon, napatakbo na rin ako. Dinig ko ang sigaw at putok ng bala na nakasunod sa akin. Nakikita ko na ang motor nang may dumaplis na bala sa braso ko— hindi ko iyon ininda at nagpatuloy hanggang sa makasakay ako sa motor.
Ilang sasakyan ang humahabol sa likuran ko at pinapaulanan ako ng bala— dinaan ko ang motor sa masukal na daan hanggang sa nailigaw ko na sila.
Pagod ang katawan ko pero hindi ako tumigil sa paglalakad at pagtakbo— na may madaanan akong bahay at nakasampay na damit sa labas ay palihim akong kumuha at nagpalit. Tinalian ko ang sugat sa braso ko para hindi tumagas ang dugo. Kaya ko pa namang indahin ang sakit.
Wala akong dala maliban sa cellphone— wala akong mapuntahan pero naisip ko si Cayenne. Sinong mag-iisip na sa kanya ako pupunta? Kahit pamilya ko hindi iisipin 'yon dahil alam nilang hindi ko sila kayang ipahamak ni Stefano.
Sumakay ako sa bus na nadaanan ako. Umupo ako sa pinakadulong likuran— nanalangin ako na sana mabilis ang byahe at hindi na ako abutan ng liwanag sa labas.
Bumaba ako sa labas ng village nila ng hindi nagbabayad, sinigurado ko munang walang nakasunod sa akin. Tinalon ko ang pader kesa ang dumaan sa guard house. Sa likod bahay ako dumaan, sa may kusina— madaling araw na pero narinig ko pa na nag-uusap si Cayenne at Nora sa sala, pinag-uusapan nila si Stefano na mukhang buong araw binigyan ng sakit ng ulo ang nanay niya.
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...