CHAPTER 18

273 12 4
                                    

"Sigurado ka bang maayos pakiramdam mo? I can skip work today, sasamahan kita pumunta sa doctor."

Nakaayos na ako at handa na siyang ihatid sa kanila para makapunta na sa University pero bigla siyang nakaramdam ng hilo at pagsusuka. Inisip ko na baka sa kinain namin kagabi, sabi pa naman niya nagsasawa na siya sa prawn.

"Dalhin na kita, hindi ako matatahimik."

Hinampas niya ang kamay ko na hahawakan sana ang tiyan niya. Kanina pa kasi siya nagrereklamo na masakit daw. I'll just put a light pressure, ginagawa 'yon ni ate noon kapag nireregla siya.

"Ako na ang dadaan mamaya."

"Sasama—

Napabuntong hinga ako nang samaan niya ako ng tingin. I guess I would worry for the whole day. Baka mas gusto niya kasi na kasama ang boyfriend niya kasi syempre first month anniversary nila.

"Don't have sex later. Masakit tiyan mo. Baka bigla ka mautot mapahiya ka pa," bilin ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Kinurot niya ako sa braso. "Oo na, hindi na muna. Buong gabi ka siguro nanalangin na sumakit tiyan ko ngayon."

I bite the back of my cheek to restraint my smile. Yes, I am worried but relieved at the same time. May dahilan para hindi matuloy ang mga balak niya. I will delay it as long as possible.

"Alis na! Makita ka pa ni mommy malaman pa na sa 'yo ako natulog."

I've been checking her the whole day. Una ay masaya pa ang replies niya sa akin at nanunukso pa— pero nang hapon na biglang naging malamig ang replies niya hanggang sa hindi na siya sumasagot kahit tinatawagan ko na.

Kinulit ko siya at pinaalala na dapat samahan niya akong bumili ng damit pero para siyang naglaho at hindi na talaga nagparamdam.

Kinabahan ako. Is she doing the deed with her boyfriend? Hindi na siya nagpaawat? Fuck it. I can vividly imagine her reaching her orgasm.

"Abraham, pupunta ka mamaya? Finalize na natin ang scripts para sa defense bukas."

Tinanguan ko lang si Josh. Kanina pa niya ako kinukulit na sumama na sa kanila pero sabi ko hahabol lang ako. Kailangan ko munang makita si Cayenne para mapanatag ako.

"Abraham seryoso. Baka hindi tayo makapasa kapag hindi ka pupunta. Kilala ka ng panelist, baka ikaw gigisahin—

"Narinig kita. Pupunta ako tsaka hindi ako bobo. Nagbabasa ako. Tsaka ako naman gumawa halos kalahati. Kaya ko, huwag kang makulit."

Namutla ang itsura niya. Natakot siya sa akin, binabago ko na ang imahe ko pero kahit anong gawin ko iba na ang pagkakakilala nila sa akin. Hinayaan ko na siya, bahala siyang masamain ang inakto ko.

May humarang pa sa akin na naging babae ko noon sa parking area pero tinaboy ko rin. I saw how she got shocked that for the first time tumanggi ako sa saglit na pagpapaligaya. I am so worried that I drive so fast— beat so many red lights.

Dumaan ako sa apartment ko. May gamit na naiwan si Cayenne kaya iyon ang ginawa kong dahilan para mapuntahan siya sa kanila nang walang nag-iisip na palagi kaming magkasama.

"Wala si ate Cay. Tumawag siya kanina, sabi niya magkasama sila ni Ate Milan."

Si Nutmeg ang humarap sa akin. Nagulat pa siya nang pababain siya ng katulong dahil nasa receiving nila ako. Wala pa ang mga magulang nila at ganoon din si Cayenne.

"Are you sure she's with Milan?"

"Oo, iyon sabi niya sa call. Sabi niya sabihin ko nalang kay mommy. Bakit may importante ka pa po bang sasabihin sa kanya kuya?"

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon