"Cayenne, who is it? Who's the guy on your dreams?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. Namumula ang mukha niyang napaiwas sa akin. "M—my boyfriend."
There's something on my head that is shouting na nagsisinungaling siya. But I know my judgement is fucked up at this moment. Gusto ko lang kasing paniwalaan na ako ang nasa panaginip niya— na naalala niya ang gabing iyon, na nagustohan din niya at wala siyang pagsisisi.
Pero sino bang niloko ko? Umiyak na nga siya ng ilang beses— sising sisi at minura na rin ang sarili niya.
Pinilit niya akong lumabas ng kotse at kahit isang minuto lang ay harapin ang boyfriend niya pero kahit nakurot na ako at nahampas hindi niya ako nagawang mapasama sa kanya.
Wala akong mapuntahan pagkatapos ko siyang maihatid. Nakakalungkot umuwi ng mag-isa. Nasanay na akong kasama siya sa hapunan, pagkatapos ko naman siyang ihatid palagi nakakatulog na kaagad ako. Pero ngayon maaga pa— mataas pa ang sikat ng araw.
I am fighting my urges to drown myself with alcohol. Malabo na magpasundo pa siya sa akin at magpahatid sa kanila dahil kasama naman na niya ang boyfriend niya pero nagbakasakali ako na baka ako ang gusto niyang maghatid sa kanya.
Inantok na ako kakahintay kung tatawag siya pero mukhang enjoy na enjoy siya kasama ang iba. Panay ang buntong hinga ko habang pabalik sa apartment. I am lost. I don't know where to begin anymore. Ginagawa ko naman lahat, binabago ko ang sarili ko. I haven't had a drop of alcohol for days already. I was off drugs too. Kahit paninigarilyo binabawasan ko na but it feels like whatever I do it wouldn't be enough.
I am losing her. She's not falling for me. She's falling for someone else.
Mas napapadalas ang labas nila ng boyfriend niya, kinakain na rin ng internship ang oras ko. Gusto ko na minsan magwala at sumuko pero kailangan kong ayusin ang buhay ko kung gusto ko siyang mapasaakin.
"Isang bagsak mo pa ng gamit papalayasin na kita sa shop ko."
Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Nakapamewang si Tito Iros at nakatingin sa akin. Sa porma niya mukhang galing siya sa meeting, sabi ni Tito Art kanina may importanteng kakausapin si Tito Iros, bagong car brand na naman kasi ang gusto ng kumuha sa kanila para gumawa ng makina ng kotse.
I will pray everyday na sana matapos muna ang internship ko sa kanila bago ma-close ang deal. Marami na ngang trabaho ngayon ano pa kaya kapag nadagdagan pa. Maliban kay Tito Art wala na rin naman akong magkasundo pa rito dahil sa ako lang mag-isa ang intern nila, tinanggap lang ako kasi nakiusap si Mommy kay Auntie Paris.
"Kanina pa 'yan nagdadabog," panunulsol pa ni Tito Art na kakalabas lang sa production.
"Anong problema mo, Abraham?" Tila concern na tanong ni Tito Iros.
Adi is lucky to have this people as his in-laws. Oo, nakakatakot si tito Iros but I never seen him hurt his kids o kahit magsalita ng masakit sa mga ito. He is all loving to his wife, not that dad isn't but dad has too many lies hidden from mom. Tito Iros was one of the genuine husband I know. So loyal, honest— under kung under. It would be a stomp on my pride kung maging kagaya niya ako but I will consider — for Cayenne, for her peace.
"Wala po tito."
Nilagay ko na sa toolbox lahat ng tools na hindi ko naman ginagamit na. Patapos na ang araw ko. Dadalawin ko si Cayenne sa kanila. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. I miss her, and the food she cooks.
"Si Adiel palaging nasa bahay at mukhang may problema rin sila ni Milan. Ikaw ba ang problema mo tungkol din sa girlfriend mo?"
Napatikhim ako. How can I tell him na ako ang problema sa lahat? Na kahit ang problema ng anak niya sa kapatid ko kasalanan ko rin?
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomanceAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...