CAYENNE
Natulala ako sa basag na baso sa lapag na nasagi ko. Kanina pa ako kinakabahan sa kung ano na ang nangyayari kina Abraham pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Anak, hindi ka natulog?"
Gumalaw lang ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Yakap niya ang sarili at mukhang kakagising lang.
"M—mommy—
Nag-aalala siyang lumapit sa akin. Muntik pa niyang maapakan ang bubog. Napatakip siya sa bibig niya sabay tingin sa akin.
"M—mommy si Abraham—
Napakapit ako sa gilid ng island counter. Umikot bigla ang paningin ko. Hindi na tama ang kaba ko.
"We will call them. Let's check with your dad baka—
"Babe!"
Napalingon kami sa boses ni daddy na papalapit sa amin. Inintay namin na pumasok siya. Nang makita niya ako ay nag-alangan siya pero lumapit pa rin.
Bitbit niya ang laptop niya at naririnig ko si Kuya Apollo. Mabilis akong umikot at humarap din sa laptop na nilapag na ni daddy sa counter.
"Rey, nawala sila sa connection. Should we do the plan B?" Si Uncle Seb ang nagsalita. Siya ang nakaupo sa harap ng monitor, naririnig ko lang na nagtatalo si Kuya Liam at Kuya Apollo.
"How about Des?"
Umiling si Uncle Seb. "Wala rin. Nawala rin sila sa grid. There signal was either turned off or jammed."
"Si Uncle Izrael? How's he?" si mommy ang nagtanong.
"Huling mensahe niya magkasama pa sila ni Abraham—" tumungo ang tingin ni Uncle sa akin. "We need to execute Plan B. We're losing time."
Nagkatinginan si Mommy at daddy, nag-uusap sila sa harapan ko pero wala akong maintindihan. Nakay Abraham ang utak ko. Bakit ba kasi siya sumama? He's not trained to do things like this. Buhay pa ba siya? Babalik pa?
"We need to call Anika first," suhestiyon ni daddy. "Kailangan niyang malaman ang kalagayan doon. She'll decide if we proceed with Plan B. Pamilya nila ang nandoon at mga tauhan."
Nawala si Uncle Seb sa monitor. Kinuha ni mommy ang cellphone niya at tinawagan si Tita Anika. When mom told her about everything she didn't cry— tinawag niya lang din si Kuya Adi at nag-usap sila.
"It's only five hours. May araw na ba doon? It's too early. Maghintay kaya muna tayo ng ilan pang oras? If we connect with the authority the head in Italy will also discover about the operation." Si Kuya Adi na habang kausap kami ay kausap din si Kuya Apollo.
"Sam said twenty four hours mark—
"Mommy, I can't wait that long!" dinig kong sigaw ni ate Isabela. Pabalik-balik ang lakad niya sa likuran ni Kuya Adi, hawak niya ang cellphone niya at mukhang sinusukang tawagan si Kuya Elias. "My husband is not answering! Wala bang matawagan na reinforcement sa tauhan natin?! Bakit kasi hinayaan mo mommy na ituloy ni daddy to!"
"Isabela calm down! Apollo is doing everything to contact them back."
"He's not doing enough! Hindi sumasagot si Elias! My husband never miss to answer my call!"
BINABASA MO ANG
Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)
RomantizmAbraham Saide break every bit of what Cayenne had- he betrayed her adoration, their friendship and her trust. After years of keeping it only to himself the truth is finally out. Abraham is the real father of Cayenne's son. Will there be enough rea...