CHAPTER 10

356 17 3
                                    

I pursed my lips when I saw the excitement on Cayenne's eyes. Dinala ko siya sa Pampanga, not to be a speculator but to experience how it feels being free. Illegal street car racing is one of those things that gives me the feeling of being at the top of everything, gusto ko ring iparamdam sa kanya iyon.

I pedal the gas to drive faster. She's sitting on the shotgun, eyes twinkling. Bahagya akong natawa nang mapasinghap siya sa biglaang pagbaba ko ng bintana sa tabi niya.

"Put your head outside, Cayenne."

Nag-alangan pa siya nang una pero sumunod din naman kalaunan. Hinarang ko ang isa kong kamay sa bewang niya kahit na nakasuot naman na ang seatbelt sa kanya.

I can't let her fall and hurt herself.

"Shout something!"

"What?!"

Nagsisigawan kami, hindi masyadong magkaringgan dahil sa bilis ng takbo ko at hanging pumapasok sa loob ng sasakyan. Nakalabas pa rin ang ulo niya pero sa akin na nakagawi ang tingin niya.

"Things that frustrates you! Things that makes you happy! Anything Cayenne! Shout it to the wind!"

"Lord, thank you for my mom and dad! Ate Paprika and Nutty! Also my bestfriend Milan!" I laugh softly. I expected to hear something that makes her mad, frustrate or sad. But like she always is, it's all positivity.  Pinasok na niya ulit ang ulo niya. Kinuha ko na rin ang kamay ko na kanina lang ay nakaprotekta sa katawan niya.

"Abraham—

Napahigpit ang hawak ko sa manubela. Mula sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ay nagminor na ako, lumagpas na ang dalawang sasakyan na kanina lang ay nasa likuran lang namin at naiwan.

"Abraham Saide—

Mariin akong napapikit sa pagsambit niya ng pangalan ko. She always calls me Kuya Abe or just Kuya, ngayon lang siya nangahas na sambitin ang pangalan ko talaga. I am so flustered that my brain forgot all its function to think straight. Tuluyan kong pinahinto ang kotse pero hindi ako makatingin sa kanya. Dumako ang kamay niya sa braso ko. Nilingon ko ang mukha niya ng mabilis, sa sobrang bilis ay hindi ko nabasa ang expression ng mukha niya. Tinuon ko ang tingin sa kamay niyang nasa braso ko.

Sa paghaplos niya doon ay kamuntik na akong kapusin sa paghinga. Kinain kami ng katahimikan na narinig ko pa ang pagtanggal niya ng seatbelt. Inipon ko lahat ng pagtitimpi meron ako para lang hindi kami umabot sa bagay na hindi nararapat matapos niya akong halikan sa pisngi. I counted inside my head, and I was certain that it lasted for only five seconds, but for me it was like years.

"Cayenne—" I face her so careful not to touch even the slightest of her skin. "Anong ginawa mo?"

"I kissed you." I know but why? "Sobrang saya ko ngayon. Thank you talaga Kuya Abe, napakabait mo sa akin."

I lost millions for losing the race, but it doesn't matter. Isang hingi ko lang naman kay Kuya Leo ay nagbibigay na siya kaagad, hindi pa naman nahuhuli ni mommy at wala ring alam si Kuya sa pinanggagamitan ko.

They asked me to have a round two race pero umayaw na ako, ayaw na rin kasi ni Cayenne. Nasusuka na siya sa bilis ng maneho ko. She belittle my skills, ang sabi niya ay mabilis ako pero hindi maingat kagaya ni Milan. Natawa lang ako. Kinompara ba naman ako sa bestfriend niya samantalang professional racer 'yon.

We are quitely sitting at the back of my pick-up, legs hanging on the edge while eating the homemade burrito she packed for both of us. Napansin ko ang dumi sa gilid ng labi niya kaya walang sabi ko iyong pinahid gamit ang daliri ko, saglit niya lang akong tinapunan ng tingin tsaka bumalik sa pagkain.

Ravaged (CHURCH SIBLINGS 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon