04

97 3 0
                                    

Late na 'ko nagising, pagbangon ko parang ang bigat bigat ng katawan ko nilalagnat ako amp kung kelan may pasok, uminom ako ng tubig at dumeretso sa cr pag tingin ko sa salamin nag-uube at namumula yung sakal ni James sakin. Naligo na 'ko pagkatapos ay bumaba agad ako at nag mamadaling kumain. Wala nang ayos ayos dito, tutal pangit na rin naman edi kareer-in ko na.

"Bye Ma! pasok na po ako" pinipilit kong di mahalata na medyo nag iba yung boses ko. "Sige ingat ka anak"

"Hoy pangit na malandi!" saad nung babae na maganda, may hugis ang katawan, halatang mayaman. "Oh?" walang kainteres interes na saad ko.

"Ha! at ang kapal nga din naman ng mukha mong lumapit lapit sa Boyfriend ko!" sa halip na patulan ko ay iniwan ko na lang sya, sino bang boyfriend na sinasabi nya? baka mamaya isipin kong baliw sya.

"Bastos ka din eh noh?! halika nga dito" hinila nya buhok ko "Ano bang kailangan mo, ha?" pigil inis kong saad inaano ko ba 'to lalapit lapit sakin di ko naman alam dahilan, tsk.

"Nilalandi mo lang naman si Ivan James, alam mo sinasadya mo yata na magpa-bully eh noh? para mapalapit ka sa kanya! sa lahat kasi ng binully nya ikaw lang yung nagtatapang tapangan na labanan sya!" wala kang alam.

"Wag mo 'kong pagsalitaan ng ganyan miss, wala kang alam." pinipigilan kong mag iba yung boses ko. "Anong walang alam?! kalat na sa buong Campus na kesyo nilalandi mo si Ivan!" so sikat na pala ako sa buong campus? psh, chismiss nga naman.

"Hindi lahat ng chismiss totoo." pagkasabi na pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na sya ngunit sinabunutan nya 'ko.

"Ang lakas din naman ng loob mo lumandi ha, alam mo kahit anong landi mo kay Ivan di magkakagusto yon sa basura na kagaya mo!" habang hawak nya ang buhok ko. kulang na lang matanggal na anit ko

"Oh eh ano pang dinadada mo? kung alam mo naman palang 'di sya papatol sa kagaya kong basura diba?" paghigpit ng pahigpit yung hawak nya sa buhok ko

"Bitawan mo nga ako!" eksaktong pagkawala ko sa bisig nya, natumba sya.

"Hey! Babe, Yuina are you okay?!" kita ko sa mukha ni James ang pag aalala. "No, babe i'm not okay it hurts" nagpapaawa niyang saad. "Where? let me see it" saad ni James "Here" saad niya habang naluluha.

"Ai, Eli pakidala muna sa Clinic si Yuina!" tarantang saad ni James.
Bumaling siya paharap sakin, kitang kita mo sa mukha nya yung halo-halong emosyon.

"What the hell did you do that to my girl?!" galit na saad nya. "Nauna sya." maikling saad ko. "Ito tatandaan mo, sa susunod na saktan mo pa si Yuina 'di lang to kaya kong gawin sayo." hawak nya ang kwelyo ko at nakatitig ng masama sakin. "Bitawan mo ako." mahinahon kong saad. binitawan nya naman ako pero tinapunan nya ako ng masamang tingin.

Habang naglalakad ako papunta ko sa room.

"ew, malandi"

"kita ko kung paano nya sinaktan ni ate yuina kanina eh"

"ang kapal ng mukha nyang landiin boyfriend ni ate yuina ah, wala naman sa itsura nya"

"kung ako sa kanya mag jajanitress na lang ako dito sa school HAHAHAHHA"

"oo nga naman, bagay kaya sa kanya"

Kahit ngayon lang, wag naman na muna akong guluhin ni James.

"Uso na pala nakabalabal kahit tag-init?" speaking of James kakasabi ko lang na sana wag nya muna ako guluhin, malayo pa lang rinig ko na ang pang aasar nya, alam ko naman na ako pinaparinggan non ako lang naman nakabalabal dito eh.

"Pake mo ba?" inis kong saad. "Jejemon mo naman, bunny" ngingisi ngisi si gago. "Tss."

"Alisin mo nga yan! ako yung naiinitan sayo eh" akmang aalisin nya pero pinigilan ko sya. "wag mo nga akong pakialaman, mind your own business."

"Hayaan mo na kasi James, makisabay ka na lang din" saad ni Ai habang tumatawa. "Psh, ikaw na lang Ai ang jejemon kaya" saad ni James habang umiiling

"Oh, hi bunny!" bati ni Eli sakin. "Wala ako sa mood, excuse." tinalikuran ko silang tatlo, pagtitripan nanaman ako ampt

~~

Ivan James

"Ai, Eli" tawag ko sa dalawa. "Oh? ano nanaman?" sabay nilang saad. "nyaknyak, crush ata ako nitong si Eli eh lagi akong ginagaya" saad ni Ai na animo'y kinililig, mga abno.

"Eh kung sapakin kita, ha? panghahamon ni Eli. "Tama na nga yan, para kayong mga abno" inis kong saad

"Chill daddy James, oh eh bakit nga?" saad ni Ai "Samahan nyo ko mamaya puntahan natin yung upuan ni Bunny" pag aaya ko sa dalawa. "Bakit?" seryosong tanong ni Eli. "Wag mo sabihing aakyat ka ng ligaw?" pagbibiro ni Ai

"Ulol mukha mo, ang jejemon nya kasi sa style nya, psh" saad ko sa dalawa, nagtaka silang dalawa. "Oo nga noh? anong trip non?" tanong din ni Eli. "Baka naman nang galing pa yon sa Baguio" natatawang saad ni Ai.

"Pag ti-tripan ko lang naman" saad ko habang tatawa-tawa."loko ka talaga, ikalma mo baka pagdating ng panahon pag-sisihan mo" makahulugang saad ni Eli. "Psh! tara samahan nyo 'ko" pag-aaya ko sa dalawa, agad naman silang sumama.

"Ano bang tinatago mo dyan sa leeg mo at ayaw mong ipak-" agad na nanlaki ang mata ko sa nakita ko nag uube at namumula ang leeg nya, kung hindi ako nagkakamali, kamay ko yung nakabakat sa leeg nya. "O-oh, sorry i didn't mean that n-nadala lang ako ng galit" sinserong pag hingi ko ng tawad sa kanya

hinawakan ko yung leeg nya at mainit ito! shit ang taas ng lagnat nya

Maging yung dalawa ay gulat din sa nakita nila. "Sinabi ng wag pakialaman eh, tss." agad siyang lumabas ng room. kahit may nangyari kaninang umaga ay nangingibabaw pa rin yung pag aalala ko sa kanya, sinong hindi doon mag aalala baka ikapahamak pa nya yung katarantaduhan ko.

"Alam mo James, dati ka naman nang bully eh alam ko yan oo, pero hindi ko akalain na makuha mo lang yung gusto mo kakayanin mong makapatay ng tao." seryosong saan ni Ai "Ano bang nangyayari sayo James? ganyan ka na ba kababaw? sana inisip mo muna yung magiging bunga nung ginawa mo." si Eli fuck, i'm speechless tama sila nagbago nga ako. Kilala nila ako masyado hindi ako dating ganito. Akalain mo nga namang sa dalawang gago pa nanggaling 'yon?

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now