"Lovey" tawag ni James. "Ano nanaman" naiiritang tugon ko. "Palagi ka na lang highblood tumawa ka naman minsan" nilingon ko sya.
"Kung wala kang matinong sasabihin tigil-tigilan mo 'ko ha sinasabi ko sayo." saad ko. "Lalambing lang naman ako eh naiisip ko tuloy minsan, what if hindi mo talaga ako mahal naawa ka lang sa 'kin kaya sinabi mo na gusto mo rin ako?"
Anak ng, nag rereview yung tao eh. "Gusto kita, okay? mamaya ka na magpalambing baka humimlay ka nang maaga pag nilambing kita eh" saad ko na lamang para tumigil na ito.
"Hindi mo pa nga ako sinasagot eh" kunwaring malungkot ang mukha. "Ha? h-hindi pa ba pag oo yung umamin ako sayong gusto na rin kita?" tanong ko.
"Alam mo wala ka talagang kasweet sweet sa katawan, mas madalas pang ako yung sweet sa 'tin eh bilang ko sa mga daliri ko kung kailan ka lang naging sweet" may pag tatampo sa boses nya.
"Kailangan ba lagi akong sweet?" tanong ko. "Ofcourse yes! ano ba tayo tropa?" hindi na lang ako nag salita kasi alam ko kung saan ito patutungo.
Sa halip, lumabas ako ng classroom para magpahangin. He doesn't understand me, natatakot lang naman akong iexpress yung feelings ko sa kanya kasi baka isang araw kung kailan ibinuhos ko na sa kanya lahat nang pagmamahal ko ay iwan nya 'ko.
"I think you need to express your feelings to him before its to late." umupo sa tabi ko si Ai. "You don't understand." natahimik sya bigla.
Hinayaan nya lamang ako manahimik at umupo na lamang din sya sa tabi ko. "A-ang hirap iexpress yung totoong feelings ko kanya" saad ko. "Why?" tanong naman nya.
"Natatakot akong masaktan." saad ko habang tumatawa ng peke. "Lahat naman ng nagmamahal may kapalit na sakit, it's normal tho." Ai said.
Siguro nga tama si Ai, kailangan kong subukan.
Tumayo na ako sa kina-uupuan ko at pinuntahan si James, nakita kong kausap nya si Eli. "Hey" tawag ko dito.
"Oh bakit TROPA?" diniinan niya yung salitang tropa."Sorry...." nakayukong saad ko. kahit pa kasing taas ng eiffel tower ang pride ko, handa ko itong ibaba para sa taong mahal ko. "Sorry for not being sweet, i j-just can't. But please stay with me, i'll try i'll try."
Bigla nya 'kong niyakap. "Hayaan mo na tapos na 'yon. Basta ikaw mabilis lumambot ang puso ko, ano ba kasing pinainom mo sa 'kin?" natatawang saad nya. "Aba eh malay ko, nadala ata sa hilot" nagtawanan naman kaming apat
"Guys, let's hang out" aya ni Ai. "Pass" si James. "Kill joy mo naman Vantot, dali naa Friday naman ngayon" pangungumbinsi ni Eli.
"I don't care, hindi makakasama si Xy bawal sya doon" James said. "Alam ko naa!" gulat naming nilingon si Ai.
"Oh?" sabay sabay naming tugon. "What if mag sleepover na lang tayo sa inyo, Vantot?" nakita ko ang pagliwanag sa mukha ni Eli.
"Magandang ideya Ai, akala ko lagi kang bobo hindi pala" si Eli. "Tapos mag bobonding tayo parang night party ba, pero sa bahay lang"
"Ayos 'yon mas masaya, kesa nga naman sa labas madaming dikit ng dikit na babae kahit saan na lang mag punta eh" reklamo ni Eli. "Wow ha edi ikaw na yung pogi." natawa naman sya sa sinabi ko.
"Alam ko namang pogi kami, wag nang ulit-ulitin" ang hangin talaga. "Eh paano si Xy? baka hindi payagan 'to?" tanong ni Ai.
"Bakit naman?" tanong ni James. "Syempre pre, imagine sleepover puro lalaki tayo ano na lang iisipin ng kuya nyan diba? kung sa akin nga naman ang sama tingnan" kunot noong saad ni Ai.
"Kay tita tayo mamaalam, then we will promise na wala tayong masamang gagawin at aalagaan natin ang anak niya." si James. "B-baka hindi pumayag" nag aalinlangang tugon ko. "Watch and learn" mayabang na sagot ni James.
YOU ARE READING
Him and Her (highschool series #1)
FanfictionTaliah Xyzzy Tyres, a girl who doesn't care about the world, all she wants is to study. She doesn't have friends either, ayaw n'yang magtiwala agad kasi pakiramdam n'ya ay hindi totoo lahat ng kaharap n'ya. Not until she met the tatlong itlog that s...