47

47 4 0
                                    

It's Saturday morning, this is our time to do gimiks. "Hello teh?!" rinig ko linya ni Ae. "Ano?! ang aga-aga eh!" sigaw ko rin pabalik.

"Okay kalma na, teh g ka ba daw mamaya? nang-iinvite si Matt. Doon daw tayo sa nirent n'ya na bar, para sa'ting mga bisita n'ya daw iyon mamayang gabi." she giggles. "Sige teh, G ako" pinatay ko na ang tawag at natulog ulit. nakakapagod!

Nagising ako sa ring ng phone ko. "Ohh" i said in my sleepy tone. "Bakla ka ng taon teh!, saan ka na?" kumunot ang noo ko.

"Nakahiga bakit?" parang na hang-over tayo dito ah. "Gaga! magbihis ka na, papunta tayo sa party remember?!" ayan nanaman nagtaray na.

"Bakit, anong oras na ba?" tanong ko sa kabilang linya. "7pm na teh, para alam mo!" sigaw n'ya, kahit hindi ko s'ya nakikita alam kong umiirap na 'to ngayon.

"Ha?! t-tulog ako maghapon?! gago" pinatay ko na ang tawag at dali-daling nanligo. Now, i'm wearing a black fitted backless dress na below the knee. Nag face powder and liptint na konti lang ako tapos sinuot ko na 'yong heels ko. Nasanay na rin ako mag heels, kasi simula nagtrabaho ako nag susuot na 'ko ng heels.

"Hello?!" sigaw ni Ae sa kabilang linya. "Oh?!" sigaw ko pabalik. "Dalian mo na teh!" nailayo ko bigla ang cellphone ko. "Tapos na 'ko teh, mauna ka na susunod ako. Saka pwede ba wag ka naman sumigaw sa tainga ko oh" napairap ako.

"Basta dalian mo na andito na 'ko hihintayin kita sa labas." pinatay ko na ang tawag at nag tungo papunta sa sinasabi n'yang bar.

"Wow teh" pagkababa ko ay iyan agad ang nasabi ni Ae. "Oh ano nanaman" napa-ismid ako. "Tara na, mag wawalwal tayo for today's video!" saad niya na parang nakahit-hit. boang

Sinundan ko na lamang s'ya sa pagpasok sa bar.

May biglang umakbay sa'kin. "Luke!" nakipagbeso kami ni Ae sa kanya. "Tara sa table nina Matt." Aya sa'min ni Luke. Sumama naman kami ni Ae.

"Hi Xy, long time no see!" Matt is my elementary friend and Ae's highschool friend. "Hi Matt, kamusta?" nginitian n'ya naman ako bago sumagot. "Okay lang, as usual" he chuckled.

"I'm with my friends" bigla n'yang tinuro sina James, gulat na napatingin sa'kin 'yong barkadahan nila. naknampucha. "A-ah, doon na lang kami ni Ae sa ibang table." naiilang na saad ko. Kita ko naman ang talim ng tingin ni James kay Luke na naka-akbay sa'kin.

"Bye bebe ko, enjoy kayo ni Ae ha doon muna ako." binulong n'ya sa'kin na doon daw muna s'ya.

Anong klaseng tingin ni James 'yan, parang kakainin ako ng buhay.

Fuck, bakit pag nakikita ko s'ya nagiging wirdo ako? kainis. Umupo na kami ni Ae sa halos katapat na table nina Matt.

"Oh teh, bakit ganyan ka? hindi pa nagsisimula ang party oh! haggardo versoza ka na!" kung pwede lang plasteran ang bunganga nito, nagawa ko na matagal na. "Kuya!" tawag ko sa waiter.

"Yes ma'am?" magalang na tugon nito. "Can i have one kaha of cigarette?" magalang na tanong ko. "Ma'am?" parang nagulat pa ito sa sinabi ko. Tumango naman ako bilang pag confirm na tama ang narinig niya.

Pumunta agad s'ya sa counter table para kuhanin ang gusto ko.

"Here ma'am" ibinigay n'ya sa'kin ang sigarilyo. "Thanks kuya!" i winked at him. Masaya naman akong nag sindi ng sigarilyo. "Pasindi teh" pinag tag-op ko ang sigarilyo namin ni Ae para malagyan ng apoy ang kanya.

Usually ginagawa ko 'to kapag bother ako, stressed, kinakabahan, or galit.

This is my pampalakas ng loob, cigarette.

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now