"H-hindi talaga kita pinaglaruan, totoo talaga 'y-yong feelings ko sa'yo." pagsisimula n'ya. "I did it for a reason."
Hindi naman siguro masama pakinggan 'yong paliwanag n'ya diba?
"I-ipapakilala sana kita sa kanila ng personal kina lola at lolo sa mismong birthday ko p-pero no'ng sinabi ko 'yon hindi ka raw nila tatanggapin kasi may nakatakdang babaeng ipapakasal daw sila sa'kin at childhood bestfriend ko pa na g-girlfriend ng k-kuya mo." kita ko ang lungkot sa mukha n'ya. "A-ayaw sa'yo ni lola at lolo." malungkot n'yang saad.
Girlfriend ni kuya si Shianna?!
fuck.
"Hindi ako pumayag na magpakasal pero, nagalit sila sa'kin a-at pinagbantaan na kapag sumuway daw ako b-bibilhin nila ang ari-arian n-nyo at papabagsakin ang kompanya n-nyo." pabulong nyang saad.
"S-sisiguraduhin daw nila na kakain kayo ng p-panis, pero dahil ayokong makita kang ganon pumayag ako at lumayo sa'yo. N-nong birthday mo....."
"G-gustong gusto kitang puntahan at yakapin noon pero, pinigilan ko ang sarili ko. B-baka kasi masira ang plano ko."
"The day my birthday has come, alam kong pupunta ka kasi mahal mo ako."
"S-sinampal ako ni Shianna no'ng hinalikan ko s'ya." saad n'ya na ikinagulat ko.
"Napaka-tanga ko daw, hindi kita ipinaglaban which is she's right napakatanga ko ngang talaga. H-hindi kita ipinaglaban."
"Then, after those hurting words from my bestfriends. You're k-kuya punched me so hard."
"Masakit, pero hindi ko ininda 'yon. Mas masakit 'yong iwan at saktan ko yung mahal ko. Deserve ko naman kasi 'yong suntok, kulang pa nga eh."
"Hindi ko ipinahalata sa kuya mo na pinagsisisihan ko 'yong ginawa ko. Pero the truth is, sobrang nagsisisi na ako. Doon pa lang sa nilayuan kita no'ng nag-aral si Shianna sa school natin, nasasaktan na ako non pero pinilit kong hindi magpa-apekto. Sinasanay na kita non na wala ako sa tabi mo."
Ngayong matapos na ang sasabihin n'ya, nagulat ako ng biglang may tumulong luha sa mata n'ya.
Seryoso s'ya.
"Pinapatawad na kita." sinsero kong saad. Lumapit s'ya sa'kin at niyakap n'gya 'ko. "Thank you so much, i'm sorry" he said with sinserity.
"M-mahal pa rin kita, Xy." bumitaw ako sa pagkakayakap at tiningnan ko s'ya ng deretso sa mata. seryoso s'ya.
"M-mahal pa rin k-kita." mahinang saad ko.
"Ngayong kaya ko na ipaglaban ang gusto ko at nasa tamang pag-iisip na 'ko, can i court you..........again? promise i'll give you genuine love, care, loyalty, time, and assurance."
"P-promise?" tanong ko. "Promise." he said with sinserity. "H-hindi ko na hahayaang may humadlang ulit sa'tin." bulong n'ya.
"Ay bakla, fresh yarn?" ngumisi s'ya ng nakakaloko. "Tangina mo Ae, may kasalanan ka pa sa'kin." tiningnan ko s'ya ng matalim.
Pagkadating ko sa office ay iyon agad ang bungad n'ya.
"Fresh, ano ako isda?" napataas ang kilay ko. "Oo, isdang inlove" she giggles. Nabato ko naman s'ya ng ballpen.
"Teh" tawag sa'kin ni Ae habang ngumunguso. "Ha?" nagtatakang tanong ko. "Tumingin ka sa pintuan." bulong n'ya.
Paglingon ko sa pintuan ay nagulat ako ng makita ko si James na may dalang boquet at paper bag. "Hi, Good Morning." lumapit s'ya sa'kin at hinalikan ako sa pisnge na ikinagulat ko pati na rin ni Ae. Ibinigay n'ya rin sa'kin 'yong dala n'ya.
YOU ARE READING
Him and Her (highschool series #1)
FanfictionTaliah Xyzzy Tyres, a girl who doesn't care about the world, all she wants is to study. She doesn't have friends either, ayaw n'yang magtiwala agad kasi pakiramdam n'ya ay hindi totoo lahat ng kaharap n'ya. Not until she met the tatlong itlog that s...