44

53 3 0
                                    

"Kamusta christmas break nyo?" tanong agad ni Ma'am pagkapasok n'ya sa room. "Masaya Ma'am, sobra!" sagot ni James na may ngiti sa labi.

"Wow really huh?" tiningnan kami ni Ma'am at ng mga kaklase ko ng may mapang-asar na tinginan.

"Nga pala, congrats to all NCAE passers!" masayang bati ni Ma'am. Halos lahat ng mga kaklase ko ay masaya maliban sa iilan kong kaklase pati na rin kay Eli.

Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon at nakatambay habang walang klase.

Masaya kaming nagkukuwentuhan, nakikisali at nakikitawa minsan si Eli pero hindi gaya ng dati.

"Ehem." may umagaw ng pansin sa aming lahat. "S-shianna?!" gulat na saad ni Eli. "Shianna" si Ai naman na nalalaki ang singkit na mata.

"What are you doing here?" gulat din si James sa biglaang pag punta ng babae. "I'm here because dito na 'ko mag pasok." her conyo lines make her expensive.

"Have a sit, Shi" agad namang tinaggap ng babae ang upuan na ibinigay ni Eli. "I miss you Shi, ikaw na ba 'yan iyong bata na madungis noon?!"

"Come on Aiden, i'm not her anymore" napairap ang babae na ikinatawa nilang tatlo. "So dito ka nga papasok?" tanong ni James.

"Yes, i requested sa section n'yo 'ko ilagay and thankfully they agreed." she giggles.

Nag kwentuhan silang tatlo habang ako ay nakikinig lamang, hindi naman kasi ako pamilyar sa pinag-uusapan nila.

Days, weeks, has passed doon nagbago lahat. Para na lang akong hangin, dinadaan daanan nila ako na para bang hindi ako nag eexist.

Kung dati ako 'yong kasama nila pumunta ng library, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong kasama nila mag review, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong kasama nila mag recess at pumunta sa cafeteria, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong kasama nila mag lunch, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong kasama nila sa groupings, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong kasama nila sa group research, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong kasama nila sa tawanan, ngayon si Shianna na.

Kung dati ako 'yong hinahatid-sundo ni James, ngayon si Shianna na.......

So many 'Kung dati's' alam ko namang hindi na mababalik 'yong dati naming samahan eh, andyan na sya.

Kapag inaaya ko sila kumain sa tusok-tusok they always say 'Hindi na Xy, lalabas kami nina Shi ngayon.'

Ngayon, mag isa akong pumupunta sa library, mag-isa kumakain sa recess, mag-isa kumakain sa lunch, mag-isa kumain sa tusok-tusok, at syempre mag-isa pumunta sa school at umuwi. Nag cocomute ako.

"Xy, hindi kita maiihatid ngayon si Shianna ang ihahatid ko." tinalikuran nya agad ako pagkasabi nya noon. 'Yan lagi ang excuse nya, kesyo mas kailangan DAW s'ya ni Shianna.

Xy.

I miss being called Lovey, for real.

Ni nakalimutan nya na nga yata na may Girlfriend sya eh.

Nasaan na 'yong sinasabi n'yang "I'll stay by your side even when you're having a hard time, I won't let you go"

Ako ang patunay sa salitang............'Huwag mong sanayin ang sarili mo na lagi silang andyan, kasi kahit gaano kayo kalapit sa isa't isa iiwan at iiwan ka rin ng mga 'yan.'

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now