"Anak, akyat na 'ko marami pa akong gagawin. Iwan ko muna kayo ng nobyo mo." gulat akong napatingin kay mama, paano nya nalaman?
"Sus, kilala kita kahit hindi mo sabihin sa akin" bigla naman akong natawa sa dahilan ni mama. "Sige na ma, good night i love you!"
"Ako, walang i love you?" kunwari'y nagtatampo itong kasama ko. "Sinabi mo kay mama noh!" hinampas ko sya.
"Ha? hindi ah! nga-ngayon nga lang ulit kamo nagkita ni tita" tanggi nito. "Aysus" inirapan ko ito. "I love you ko nasaan?"
"Tse!" hanggang ngayon hindi ko pa rin masabi ng tuwid kay James yung magic word. Baka magtampo na 'to sa isang araw.
"Biro lang" he tap my head. "Tara na kakain" aya niya sa 'kin. Tinanguan ko sya.
Tinutulungan ko syang mag handa ng pagkain pero pinigilan nya 'ko. "Ako na, maupo ka na." wala akong nagawa kundi hintayin sya matapos sa ginagawa nya.
"Naks, pwede ka na mag asawa" asar ko rito. "Ofcourse, kaharap ko nga yung future asawa ko eh" sambit niya.
Ramdam ko namang namula ako. "Tapos hindi pala tayo ang endgame" pabiro kong saad. Bigla naman syang natahimik, yung kaninang nakangiti ay napalitan ng blangkong ekspresyon
"Huwag mo ngang sabihin 'yan, kahit anong mangyari, ikaw at ako ang endgame"
"Biro lang, ang seryoso mo naman." katakot magbiro dito ah. "Kain na tayo." pinag-sandok nya 'ko ng kanin at ulam
Bigla syang tumayo. "Bakit?" tanong ko. Hindi sya nagsalita, kinuha nya lang yung suklay at hair clamp ko. "Iipitan lang kita, hindi ko makita yung maganda mong mukha eh"
"Kumain ka na rin, mamaya na 'yan" utos ko, sa halip ay hindi sya nakinig. "Sige lang kain ka na, minsan ko lang 'to gawin"
Hinayaan ko na lang sya, alam ko namang talo ako. Hindi rin naman sya makikinig.
Ngayon ko lang narealize na sobrang swerte ko sa kanya. He's caring, understanding at the same time, amd ofcourse he love me so much.
"Ganda mo." natinag naman ako sa sarili kong iniisip. "Kumain ka na" iniiwas ko ang sarili ko sa sitwasyon kasi ramdam kong namumula nanaman ako.
"Kinikilig ka nanaman sa 'kin" pang aasar niya. "Tigilan mo ako" kinuha ko yung suot kong tsinelas at ibinato ko ito, aba magaling naka-ilag.
"Magaling umilag ha" usal ko. "Parang hindi mo na ako mahal" kunwari'y nalulungkot niyang saad.
"Sus, hindi na nasanay sa ugali ko. Una pa lang naman pinapakita ko na sayong masama ugali ko ah"
"Kaya nga kita minahal eh, kahit warfreak ka alam kong may itinatago kang kabutihan."
"Mahal din kita" kita ko naman na bigla syang kinilig. "Sya rin naman namumula, iw"
"Syempre maganda ako eh" napangiwi naman ako. "Nananalamin ka kaya sa 'kin." biro ko.
Lumalalim na ang gabi kaya nagpaalam na si James kay mama at sa 'kin
"Bye my lovey, see you tomorrow. I love you" he kissed me on cheeks. "Good bye vantot, see you bukas" sambit ko.
"I love you ko asan?" kaya pala hindi pa umaalis. "I love you, sige na alis ka na"
"Ayaw mo na ba sa 'kin, bakit pinapaalis mo na agad ako?" saad niya na kunwari'y nalulungkot. "Hindi naman, gabi na kasi oh may pasok pa tayo"
"Biro lang, bye bye my Xy. I love you" he kissed my forehead. "Adik sa kiss" saad ko na ikinatawa naman nya.
Kasalukuyan akong makahiga na sa kama at nagpapahinga ng biglang may nag notif sa phone ko.
YOU ARE READING
Him and Her (highschool series #1)
FanfictionTaliah Xyzzy Tyres, a girl who doesn't care about the world, all she wants is to study. She doesn't have friends either, ayaw n'yang magtiwala agad kasi pakiramdam n'ya ay hindi totoo lahat ng kaharap n'ya. Not until she met the tatlong itlog that s...