Taliah
Unang araw na hindi ko kasama si mama, hays ka miss walang nagluluto sakin. Masanay na 'ko na hotdog at itlog lang ulamin ko tuwing umagahan. Naligo at Nagbihis na 'ko, dumeretso na din ako sa school pagkatapos.
"Yan ba yung lalaban ng miss campus?"
"Sya yung taliah?"
"eh? totoo sya yan? kadiri baka unang sabak talo agad"
"Kuko lang yan ng ibang contestant eh"
"Gago, baka matakot mga audience tas magtakbuhan BWHAHAHHAHA"
hanudaw?
"Oh Ms. Tyres, ikinagagalak ko naman at sasali ka sa Ms. Campus. Galingan mo, alam kong kaya mo yan wala sa itsura yan kundi nasa panloob na anyo. Wag mo na lang pakinggan yung sinasabi ng iba, ha FIGHTING!" nakangiting saad ni Mrs. Gonzales, at nilampasan nya na 'ko
Habang naglalakad ako sa hallway ay nasa 'kin lahat ng tingin ng mga estudyante hoy anong meron parang kakaiba ang ihip ng hangin
"Look who's here, the feelingera na maging Ms. Campus 2023. As if matatalo mo 'ko, so goodluck na lang" maarteng saad ni Yuina sabay inirapan ako bago ako tinalikuran.
"Ikaw lalaban? wala ka pa sa kalingkingan ng ganda ni Yuina sis, umuwi ka na lang. Better luck next time" inismiran nya 'ko sabay taas ng kilay sa 'kin at tumalikod na sila kasama yung dalawa nyang alipores.
waw ha, ang harsh nya naman ano ba kasing meron? gulong gulo na 'ko kada dadaan kung ano anong sinasabi nila. psh
"Seryoso ikaw ang representative ng section natin? unang sabak talo agad hindi naman pang Ms. Campus yang itsura mo eh" saad nung kaklase ko na lalaki, hindi ko alam name nya.
"Ms. Tyres, galingan mo ha alam kong kayang kaya mo yan." nginitian ako ni Mrs. Cruz "Ah teka Ma'am, ano pong meron?" nagtataka kong tugon
"Huh? 'di ba nagpalista ka sa 'kin na sasali ka sa Ms. Campus? si Mr. Garcia yung nag sabi sakin ipalista ka daw sabi mo?" nagtatakang tugon ni Ma'am
Anak ng tokwang baboy.
"Ma'am? pero hindi ako nagpapalista, isang malaking kalokohan 'to" agad na hinanap ko sa room yung pag mumukha ni James. ayun nakita ko, humanda ka sa 'king gago ka.
"Hoy, dati ka bang baliw?!" sigaw ko kay James. pagharap nya ngingisi ngisi sya sa 'kin. "Bakit? ayaw mo nun mapapahiya ka sa harap ng maraming tao?" pang-iinis nya sa 'kin
Sa sobrang inis ko sinipa ko sya. BOOM BAGSAK! "Ano? para saan nanaman to ha? Pwes hindi ako sasali sa pesteng Ms. Campus na yan! tutal ikaw naman yung nagpalista sa 'kin. What if ikaw lumaban?" naiinis na saad ko. "A-aray" namimilipit sa sakin si James "May kasalanan ka pa sa 'kin tapos dinagdagan mo nanaman?" pumunta ako kay Mrs. Cruz at nakiusap.
"Mrs. Cruz baka pwede mag back-out oh wala akong kaalam alam sa pesteng pangeant na yan" nag mamakaawang saad ko. "Sorry Ms. Tyres but naipasa na sa Dean yung mga kasali saka naka paskil na yung mga candidates, Yun" sabay turo nya sakin sa isang malaking papel kung saan nakapaskil yung mga kasali sa Ms. Campus.
tangina namang buhay to oh
Habang naglalakad ako papunta sa may locker, nagulat ako ng may humigit sakin pasandal sa locker at kinorner nya 'ko....J-James?
"Anong kelangan mo sakin?" walang emosyong saad ko, pero sa loob loob ko kinakabahan na 'ko. Ang lapit nya sa mukha nya sa mukha ko naamoy ko yung bibig nyang amoy mouth wash. "Alam mo bang masakit yung pag sipa mo sa 'kin?" galit na saad nya. "Oo, at alam mo din bang patong patong na yang kasalanan mo sa 'kin?" tanong ko rin sa kanya.
"Wag mo 'kong mapilosopo dyan, baka madagdagan pa yang kasalanan ko sayo?" naiinis na saad nya. "Bitawan mo 'ko." mahinahong saad ko. Sa halip na bitawan nya 'ko ay palapit sya ng palapit sakin, owemji kinakabahan ako. Paano ba umalis sa bisig nito, ayan na palapit na mga labi nya juicekolored huhu, no choice kundi pumikit.
Ilang segundo na ang nakalipas pero walang labing lumapat sa labi ko kaya minulat ko ang mata ko, bigla naman syang humagakhak ng tawa. "Feel na feel mong halikan ng isang Ivan James Garcia ah" natatawang saad nya. "As if naman hahalikan kita, kung ikaw pa si Yuina" pahabol nya.
"Tss, ang kapal din naman ng mukha mo. Kahit ano pang itsura ko hinding hindi ko hahayaan na makuha mo ang first kiss ko! tse" agad na lumakad na 'ko papasok ng room.
"Goodluck Ms. Campus!" sigaw ni Ai at Eli sa 'kin. Sigaw pa. Sa halip na pansinin yung dalawa ay umupo na 'ko sa upuan ko.
Nag start na nang klase si Mrs. Gonzales. Parang may....... Hindi parang, May bumabato talaga. Anak ng tokwa kita ko yung tatlong itlog na nag bibilot ng papel at iniipon sa kabilang gilid. Eksaktong pagharap ko ulit SAPOL sa mukha. "Ano ba?!" saad ko, napalakas ata yare. "Ms. Tyres! ano bang problema? sa lahat pa naman ng ayaw ko yung habang nag didiscuss ako eh sinasabayan ako." maotoridad nyang saad.
"Ma'am may bumabato po ng papel sa 'kin" pag dadahilan ko. "I don't need your explanation, get out!" kamalas-malasan naman kung kelan mahirap na yung topic huhu. No choice naghintay ako ng 1hr hanggang makalabas si Mrs. Gonzales.
Syempre anlaki ng ngiti nung tatlong itlog nung makita nila akong naka simangot. "Oh anong mukha yan bunny?" pang aasar ni James. "Masarap ba mapalabas?" si Ai "Tigilan nyo nga 'ko!" naiinis na saad ko "Kung ako sa 'yo Xy maghahanda na 'ko sa pangeant" pang aasar naman ni Eli.
"As if interesado ako sa letseng pageant na yan, psh kung sino ba namang unggoy ang nagsali sa 'kin dyan" saad ko. "Wow ha, sino kayang mukhang unggoy sa 'ting dalwa?" pambabara ni James. "Wala naman akong sinabing pangalan ah, bakit pumuputak ka na dyan? malay ko kung si Eli pala yung nag sali sakin diba?" pang aasar ko
~~
Ivan James
"C'mmon Yuina, answer my call" kanina pa 'kong nag papa ring pero hindi sinasagot ni Yuina ang tawag ko. May date kasi kami anong oras na hindi pa rin ako sinisipot.
Naisipan kong puntahan na lang si Yuina sa bahay nila, baka hindi nya naalala. Excited na medyo kinakabahan ako, ngayon kasi ako mag p-propose kay Yuina hehe.
Nang makababa ako sa kotse ko ay para akong kinakabahan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, baka dala lang ng excitement to. Kahit alam ko nanaman ang isasagot ni Yuina sa 'kin ay hindi pa rin ako nag atubiling mag propose.
Ewan ko ba papalapit ng papalapit sa pintuan ng bahay nila bumibigat ang hakbang ko. Knock knock, knock knock, knock knock! ilang sunod sunod na katok ko pero walang sumasagot. Kaya binuksan ko na lang ito, laking gulat ko nang makita si Yuina at Lucas na walang pang itaas na saplot
YOU ARE READING
Him and Her (highschool series #1)
FanfictionTaliah Xyzzy Tyres, a girl who doesn't care about the world, all she wants is to study. She doesn't have friends either, ayaw n'yang magtiwala agad kasi pakiramdam n'ya ay hindi totoo lahat ng kaharap n'ya. Not until she met the tatlong itlog that s...