43

42 4 0
                                    

"Kamusta ang bakasyon nyo?" tanong ni mama. "Okay naman ma, masaya lalo na no'ng nag snorkeling kami" i chuckled.

"Wow, nag kiss ba kayo?" tanong ni mama na animo'y kinikilig. "H-huh?" ramdam kong namutla ako. "Yieee, sige na aminin mo na!" niyuyugyog ako ni Mama. Napapikit ako sa kaba.

"U-uhm" sasabihin ko ba? "Oy pangit, pasalubong?" biglang singit ni Kuya. Yes, you saved my day kuya! "Andito" tinulungan ko maghalikwat si kuya at ibinigay sa kanya ang mga pasalubong namin.

Nakita ko naman si Mama na nang aasar ng tingin sa'kin. "So ano nga anak?" niyuyugyog nya ako. "Ma naman, wala privacy" kamot ulo kong saad.

"Edi nag kiss nga kayo? sus wag ka na tumanggi" hinampas nya 'ko habang kinikilig. "O-oo na ma, okay ka na?" hinampas nya 'ko ng mas malakas.

"Ano, kamusta ang first kiss?" ramdam ata ni mama na naiilang na'ko. "Sabi ko nga titigil na 'ko."

"Anak, samahan mo'ko mag grocery!" sigaw ni mama sa may kusina. "Teka lang ma, mag papalit lang ako!" dali dali akong umakyat at nag bihis na.

I'm wearing a nude sweater 'yong binigay ni Eli sa'kin and maong short kasi mag grocery lang naman kami, then my white birkenstock slippers.

"Let's go maa!" sigaw ko. "Oh, tara na. Hindi ka ba bibili ng pang gawa ng brownies?" biglang tanong ni mama.

Naalala ko 'yong sinabi ni James. "ipag-gawa mo'ko ng brownies ah!"

"Ay oo nga pala, bibili ako ma. Bibigay ko sa tatlong itlog saka kay Ate Jane, Tita and Tito" tumango si mama.

Nakarating na kami sa malapit na grocery store dito sa'min. Kumuha na 'ko ng mga gagamitin ko para sa brownies.

Nakita ko si James sa may kabilang counter, may kasamang babae na hindi pamilyar ang mukha sa'kin. Maganda, maputi, mukhang mayaman, matangkad. sino 'yon?

Hanggang sa pagpila namin ay hindi pa rin 'yon maalis sa isip ko. "Anak, okay ka lang?" tanong ni mama. "H-huh? ah oo ma, okay lang." nauutal kong saad. "Sigurado ka ba? kanina ka pa sabog ah." tinanguan ko lamang si mama.

Nakapagbayad na kami, "Ma, mauna ka na sa kotse." tumango si mama. At sinundan ko nang tingin si James at 'yong babae.

Nakita ko rin silang magka-akbay na para bang sobrang saya nila. Bigla nandilim ang paningin ko. Bago pa man sila nakapasok ay nagulat si James sa presensya ko.

"U-uhm, Lovey!" kita ko ang namumuong pawis sa mukha n'ya. "Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya, at nakuha pang ngumiti.

"Oo, pinapanood ko kayo ang sweet nyo nga." mapakla kong saad. "Really? oh god thank you lovey, you know what? we're getting married soon." she giggles. Napasapo naman nang ulo si James.

"Shianna, her name is not lovey that's our call sign. She is Taliah Xyzzy." napangiwi naman ang babae. "Call sign?" nagtatakang saad nang babae. "Yes, she's my girlfriend."

"What?! that girl? c'mmon Ivan, we're getting marriage soon!" galit na saad ng babae. "The question is.....pumayag ba 'ko sa gusto nina lolo? we're bestfriends! hindi tayo pwede."

"No, hindi ako makakapayag i'll tell this to Lola Marie!" nagwawala na ang babae. "Don't you try." babala ni James dito. "Ikakasal ka sa'kin at wala ka nang magagawa 'don." nanggigil ang babae.

"Hindi kita mahal, si Xy ang mahal ko." lakas loob na saad ni James. "Fuck you!" pumasok bigla ang babae sa kotse nya padabog na sinara ang pinto.

"Anong ibigsabihin non?" tanong ko na nakatingin ng deretso sa mga mata nya. "Lolo and Lola give me an arrange marriage." he sighed.

"Once i turned 18 this year, ipapakasal na 'ko." kita sa mata nya ang lungkot. "Ikakasal ka na pala, bakit mo pa 'ko minahal?"

"Pag-uwi lang natin saka ko nalaman ang plano nila. I was mad at them." pagpapaliwanag nya. "Hindi ako pumayag sa gusto nila, gagawa ako ng paraan para hindi lang matuloy 'yang letseng kasal na 'yan."

Hinawakan nya ang kamay ko. "Basta, i promise gagawa ako ng paraan huwag lang matuloy 'yan. Buhay ko man ang kapalit basta hindi ko hahayaan na makasal ako sa babaeng hindi ko mahal."

"I love you my Xy, my lovey, my everything, my life." bulong nya sa'kin. "I love you more."

"Ikaw lang ba mag-isa dito? hatid na kita." tanong nya. "Kasama ko si mama, may dala kaming kotse." simpleng sagot ko.

"I see, mag-iingat kayo ni Tita ah" tinanguan ko sya. "Bye, see you later" namaalam na 'ko sa kanya.

"Ang tagal mo anak, anong ginawa mo bang ginawa mo?" tanong ni mama. "Ah wala ma, may nakita akong k-kaibigan nilapitan ko lang." napagdesisyonan kong isekreto muna ang napag-usapan namin ni James.

Nakauwi na kami at sinimulan ko na gumawa ng brownies habang si mama ay abala sa ibang ihahanda namin.

"Maaa! gawa ka ng graham cake!" sigaw ni kuya mula sa sala. "Oo, gumagawa na." sagot pabalik ni mama.

Natapos na kami sa pagluluto, naghintay na lamang kami ng oras.

"Anak, may bisita ka!" sigaw ni mama mula sa sala. "Sino daw?!" sigaw ko naman mula sa kusina.

Pumunta na 'ko sa sala at hindi na ako nagulat nang makita ko ang tatlo.

"Hi Xy"
"Hi Xy"
"Hi Lovey" sabay sabay na saad nang tatlo. "Hi, Good Evening sa inyo" bati ko.

"Kukunin ko 'yong bi-nake kong brownies sa inyo teka" pumunta ako sa kusina para kuhanin ang tatlong box.

Nagpasalamat silang tatlo. "Gusto nyo muna uminom?" tanong ko sa tatlo. "Yes" si Eli lang ang sumagot. Nagtataka naman kaming tumingin dito.

"Umiinom ka pala?" tanong ni James. "Ngayon lang, pagbigyan nyo na 'ko." kita sa mata ni Eli ang lungkot. "Okay ka lang?" biglang tanong ko.

Tumango naman si Eli. "Sigurado ka ah, sige kukuha lang ako ng maiinom sa ref."

Dumeretso ako sa kusina at kumuha ako nang sampung bote ng SanMig-light "Ito, inom kayo" inilapag ko sa mesa ang bote at bumalik sa kusina para kumuha nang pulutan.

"I don't drink, ang dami naman masyado nyan." sambit ni James. "Dyan mo lang, edi ibabalik ko na lang sa ref pag hindi naubos."

Nag kwentuhan kaming tatlo at agad namin napansin ang pananahimik ni Eli, inom lamang siya nang inom. Sumasagot at nakijitawa sya minsan pero hindi gaya nang Eli na nakilala ko. Makulit, balakatak, akala mo'y babae kung tumawa.

"Eli, hinay-hinay inubos mo na 'yang beer." nag-aalalang tugon ni Ai sa kaibigan. "Kaya ko pa, hindi pa 'ko lasing." ang mapupungay nyang mga mata ay unti-unti nang pumipikit.

"Mabuti ihatid na natin 'to, lasing na baka mapaano pa." nagpumiglas si Eli. "Huwag nyo 'ko iuwi sa impyerno, please hayaan nyo na lang ako." ramdam ko ang sakit na dinaranas nya.

Napagdesisyonan ni Ai at James na iuwi na lang si Eli sa condo nito. "Lovey, una na kami ihahatid muna namin 'to. We don't know what's going on with him." bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Sure, ingat kayo." nginitian ko sila. "I'll call you na lang once i got home, I love you my Xy, my lovey, my everything, my life." he kissed me on my forehead.

"I love you more." saad ko. Tuluyan na silang namaalam.

Saktong alas dose ay nakatanggap ako nang text mula kay James.

Vantot>⁠.⁠<: Happy New Year, my lovey! i love you so much. More new year to celebrate with you.

Napangiti ako sa nabasa ko kaya nag tipa ako ng message.

Me: Happy New year aybantot! i love you more.

Pinatay ko na ang cellphone ko pagkatapos ko mag reply.

"Happy New Year Mama, Kuya baho!" masayang sambit ko. "Happy New Year anak kong maganda, kuyang pogi!" si mama

"Happy New Year my lovely mother, bunso pangit!" nag yakapan kami matapos namin magbatian.

Masaya naming kinain ang mga handa namin at masasabi kong....Best New Year ever. sayang, wala si papa.

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now