40

46 3 0
                                    

"Merry christmas Ma, Kuya!" masayang bati ko. "Merry Christmas mga anak ko." niyakap kami ni Mama mg mahigpit.

"Merry Christmas Berta, Mama" bati ni kuya habang nakayakap pa rin sa 'min.

"Tara kainin na natin yung noche buena, lalamig pa 'to" napataas naman ang kilay ni kuya. "Gusto mo lang kumain ng marami eh" he chuckled.

"Papansin" inirapan ko ito. "Kaya pumapangit ka lalo ah, laging gusot mukha mo"

"Pakialam mo ba?" inirapan ko ulit sya. "Kayo talaga, tama na 'yan" pumagitna na si mama.

Hindi ko na pinansin si kuya at kumuha na nang pagkain. Kumurot ako ng conchinillo at inilagay sa plato ko katabi ng pancit, fried chicken, at seafoods.

"Takaw, kalmahan mo madami pa hindi ka mauubusan" inang 'to. "Pakialam mo ba?" pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Hindi naman tumataba" tumawa sya. "Wala kang pakialam" sabi ko at akmang susubo ko na yung isang tipak ng conchinillo.

"Hi, Merry Christmas" napatingin ako sa pumasok sa pintuan na may dalang tatlong paper bag. "Uy iho, halika kain ka na" pinapasok sya ni mama.

"Bakit ka nandito aber? alam ka sa inyo?" tanong ko sa kanya. "Ayaw mo ba 'kong makita?"

"OA nito, kakakita lang natin kanina woy!" at itinuloy ko ang pagsubong naudlot. "Tss, takaw" sabay tawa nito.

"Mahal mo naman" inirapan ko sya. Tanging pagtawa lamang ang isinagot sa 'kin.

Natahimik kami saglit at pagbaling ko sa may gilid ko masamang nakatingin si Kuya.

"Oh?" ang creepy maningin. "Sa harapan ko pa ah" eh?

"Arte mo, wala ka lang girlfriend eh" lalong sumama ang tingin sa 'kin. "Joke lang" nginitian ko ito.

"Ivan" tawag nito kay James. "Yes?"

"Huwag na huwag mong papaiyakin si Berta, dahil pag ginawa mo 'yan i'll assure you na pagsisisihan mo ang gagawin mong pagpapaiyak dyan" banta ni kuya

"Ofcourse i'm not. Mahal na mahal ko ang kapatid mo at hinding hindi ko magagawang saktan sya physically and emotionally." he said.

"Siguraduhin mo, ayokong isang araw uuwi ng luhaan 'yan. Walang kahit sino ang pwedeng magpaiyak dyan, ako lang."

"I can't make her cry, i love her so much more than my life." sagot ni James habang nakangiti.

"Oh ikaw naman, bawasan mo pagiging maldita mo buti naman may pumatol sa'yo kahit ganyan ka" nadamay nanaman ako.

"Papansin ka talaga kuya" iniwan ko sila at kumuha ng second round na pagkain.

"Jusko, ang takaw talaga" pagpaparinig ni kuya. "Ito naman, hayaan mo na nga." sumabat si mama.

"Ay Tita, Theo, i have a gift" at ibinigay nya sa dalawa yung paper bag. "Wow, thank you iho!" masayang saad ni mama.

"Thank you, Ivan" nagpasalamat din si Kuya. "Merry Christmas Theo, Tita" bati ni James sa dalawa.

"Merry Christmas, Ivan"
"Merry Christmas, Iho" sabay na bati nung dalawa.

"It's already 2am, mauna na 'ko sa taas magpapahinga na 'ko. May trabaho ako tomorrow" si Kuya.

"Ako rin, aakyat na sa taas. Ikaw na bahala dito Xy anak ha, may ilang papel pa 'kong tatapusin." pamamaalam rin ni mama.

"Tita" tawag ni James. "Oh iho?" napatingin si mama. "Ipagpapaalam ko lang po sana si Xy, tomorrow pupunta kaming Calatagan Batangas doon sa Little Boracay. Bali 5 days kami doon babalik kami before new year."

"Ahm, sige may tiwala naman ako sa'yo. Ingatan mo si Xy ha, ibabalik mo nang buo 'yan" natatawang saad ni Mama. "Yes, oo naman tita ibabalik ko ang maganda nyong anak sa inyo. Walang labis, walang kulang" tumingin si James sa'kin sabay kindat.

"Oh s'ya sige, paano ba akyat na 'ko ha?" tinanguan naman namin si mama.

"Paano ba 'yan, kahit ayaw mo sumama wala ka nang magagawa." hinampas ko s'ya. "Mautak ka rin eh noh?"

"Ofcourse" sagot niya habang nilalaro ang mga daliri ko. Favorite nya talaga 'tong gawin pag magkasama kami palagi nya nilalaro ang daliri ko.

"Tayong dalawa lang?" biglang tanong ko. "Oo, bakit?" sagot niya. "Eh?" gulat kong tugon.

"Oh? gulat parang ano, wala naman akong gagawing masama sa'yo 'don." he assures me. "Weh talaga ba?"

"Oo nga, hindi naman porket sosolohin kita may gagawin agad masama. Hindi ba pwedeng gusto lang kita makasama ng tayong dalawa lang?"

"Gusto kitang solohin this time, hindi naman palaging dapat kasama yung dalawa. May kani-kanilang buhay din naman ang mga iyon." paliwanag niya.

"Sorry, akala ko kasi" nahihiyang saad ko. "Okay lang, i'll promise to tita rin naman na hindi tayo dadating sa puntong alam mo na, gusto ko kung gagawin natin 'yon asawa na kita at may maipagmamalaki na tayo."

Wala akong masabi, halatang pinalaki ng maayos nang magulang nya.

"May tiwala ako sa'yo" saad ko. "At hinding hindi ko sisirain ang tiwalang 'yon, Xy."

"Anyways, before i forgot." may ibinigay sya sa'kin na paper bag. "Another gift?"

"Yes, galing kay Mom and Dad." he replied. "Wow" pagbukas ko ay bumungad sa'kin ang red velvet box na may lamang pair diamond earings.

"Ganda" nag niningning ang mga mata ko sa nakikita ko. "Mahal siguro 'to gagi, hindi ko matatanggap 'to" akmang ibabalik ko na nang pigilan niya ito.

"Mom and Dad will not get it again, it's yours hindi sila papayag na hindi mo kukunin 'yan. Malulungkot sila" may tumubong guilt sa puso ko. Kung ibabalik ko nga ito, baka isipin nilang hindi ko nagustuhan.

Kaso siguro kaya na'ko pagtapusin ng collage sa presyo nito. "Ang mahal siguro nito."

"Wag mo isipin ang presyo, tanggapin mo na lang. Baka isipin ni  Mom amd Dad hindi mo gusto ang regalo nila."

"S-sige" nag-aalilangan kong sagot. "Get ready tomorrow, huh?" paalala ni James.

"Oo sige, tara kakain?" aya ko sa kanya. "What kakain ka ulit?" gulat na tanong nito. "Gago, papakainin kasi kita. Hindi ka la kumakain pagpunta mo dito eh"

"I'm full pa, pinuntahan lang kita dito to celebrate my christmas with you." sabi nya. "Buti naman hindi nagselos sa'kin sina Tita ah" biro ko.

"Hindi, ipinagtulakan pa nga ako dito eh tapos sila pa nagbigay ng ticket sa'kin ng pag iistay-han natin."

Napatawa naman ako. "Ganon sila kasupportive sa'kin" napangiti naman ako sa sinabi nya.

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now