06

84 6 0
                                    

Taliah

"Bunny, what's your name nga pala?" tanong sa akin ni Ai. "Oo nga, para di ka na namin tawaging Bunny di lang kasi namin alam pangalan mo kaya yun muna tawag namin hehe" ani Eli naman

"Uhm, Taliah Xyzzy call me Xy for short" nahihiyang saad ko. "Woah nice name, So you're Taliah Xyzzy pala" si Eli. "Ahh, oo"

"Hoy Ai, Eli wala man lang kayong text sakin na andito na pala kayo" hinanakit ni James sa dalawa ngunit parang mga wala itong narinig. "Ano bang nangyayari sa inyong dalawa, ha?" patuloy pa rin sa pag imik si James

Sa halip na pansinin nung dalwa si James ay nagpaalam lang sila sa 'kin "Bye, Xy see you around! mamaya na lang natin hanapin yung rubber shoes mo" saad ni Ai weird, anong meron bakit hindi nila pinapansin yung isa?

Maya maya pa, dumating na si Mr. Gonzales.

Discuss

Discuss

Discuss

Break.

"Hoy, Xy dito ka!" aya nung dalawa sakin. Nahihiya ako, paano ba naman sakin lahat ng mata ng tao dito sa loob ng canteen. "Hindi na, kakahiya" pagtanggi ko "Sige na sayang yung pagkain, libre namin sayo to!" pamimilit ni Ai

Habang naglalakad ako papunta ng linya, may biglang pumatid sakin kaya natumba ako at nasagi ko yung pagkaing dala dala ni Yuina. "What the hell? are you blind?!" galit nyang saad

"A-ah sorry, pupunasan ko na lang" akmang pupunasan ko na nang biglang "No, don't touch me." maarte nyang saad. Nililinis ko yung pinagkalatan namin nang bigla akong makaramdam ng malamig mula sa ulo ko. Binuhusan ako ni James ng juice. "Bagay lang yan sa pangit na malanding kagaya mo." inirapan ako ni Yuina, matapos non ay tinalikuran na nila akong dalawa.

"Okay ka lang Xy?" inalalayan ako ni Eli papuntang table nila. "Oo" nginitian ko sila

"look, malandi nga naman wag nya sabihing papatusin nya yung tatlo?"

"No! pati ba naman si papa Ai?"

"Ang landi talaga! arghhh"

"Wag mo silang pansinin" saad ni Ai
"Hayaan mo sila, kung ako sayo iinggitin ko lalo, psh" si Eli naman
"Oh bakit dito yan makikitable?" halatang naiinis sa pag mumukha ko si James

"Hoy, bakit ba kayo ganyan ano bang kasalanan ko sa inyo?" bakas sa mukha nya ang pagka-inis "Sa 'min wala, sa iba meron" malamig na saad ni Ai "What?" kunot noo nyang tanong. "Isipin mo ng mabuti kung kanino ka gumawa ng masama pag nalaman mo na, saka lang namin aayusin pakikipag usap sayo." si Eli naman

"Nagpapatawa ba kayo? kanino ako mag sosorry, dito? bakit sino ba yan?" natatawang saad ni James "Seryosong usapan 'to James iba na kasi yung ginagawa mo eh, oo sinasamahan ka namin mang trip pero yung manakit ka physically maling mali na. Alam mo bang pwedeng ikamatay ni Taliah yung ginawa mo?" seryosong saad ni Ai sa kaibigan.

"Paano kung ayoko?." saad nya. "Psh, kahit kelan talaga ang taas ng pride mo eh noh?" nauubos na pasensyang saad ni Eli

"Look, just a simple sorry from the bottom of your heart lang 'di mo pa magawa? James naman?" asik ni Ai
"Eh sa may magagawa ba yung sorry ko dyan? diba wala na?" pagmamatigas niya. "Eto na nga tayo, hindi mo nga magagamot ng sorry mo yung mga pasa nya sa leeg pero atleast mababawasan naman yung sakit na dinadala nya sa dibdib, diba? mahirap ba mag sorry?"

"edi sorry" saad niya na parang napipilitan, in short labag sa kalooban. "Tss, hindi ko kailangan ng sorry na napilitan lang." saad ko sa kanya. "eh paano ba dapat, lumuhod ako sa harapan mo at magmakaawa?" inis na saad nya.

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now