19

76 5 0
                                    

Andito na kami sa bahay. "Ma, i'm hereeee" sigaw ko. "Oh anak," Mama kissed me on cheeks. "Oh who's this handsome boys around you, darling?" my mom said. handsome boys, wow naman siguro palakpak nanaman tainga ng tatlong itlog.

"Oh berta, may kasama ka anong ginagawa ng mga 'yan dito?" Kuya Theo ask me. Kita ko yung tatlong itlog na nagpipigil ng tawa, alam kong may bago nanaman silang pang asar.

"Gagawa lang ng report sa science" maikling saad ko. Wala talaga ako sa mood mga pahamak na asungot. Sa halip na ipapahinga ko na 'to eh. Mahusay.

"Kumain na muna kayo, anak" Mama said. "Sige ma, susunod na" i said to her. "Berta" James called me. utas si gago. "Tigilan mo nga ako." sinamaan ko sya ng tingin. yan tama, makuha ka sa tingin tandaan mo nasa pamamahay kita.

"New nickname unlock" Tawa naman ng tawa yung dalawa. "Tara na, kakain na" aya ko sa tatlo. "Yes naman, libre kain" kita sa mukha nang tatlo na masaya sila.

"Oh eto, meron pa dito na brownies" mama said. Kukuha sana si James ng pigilan ko sya. "Wag, diba ayaw mo nyan? sabi mo hindi masarap? diba? iba na lang kainin mo madaming pagpipilian" I said to him. naalala ko nanaman 'yon.

"Huh? what's wrong with you Taliah?" Mama ask me. "Ah wala ma" tipid ngiti ang binigay ko sa kanya. "Sige mga iho, masarap yang brownies na 'yan si Taliah gumawa nyan" Proud na sabi ni Mama.

"Talaga po Mrs. Tyres?" namamanghang tanong ni Eli. "Nako, tita na lang itawag nyo sa'kin parang iba naman kayo" nahihiyang tugon ni mama.

Kita ko na tinikman ni James yung brownies, ninanamnam nya bawat kagat. "Hmm, ang sarap nito" he said. Habang tumatango tango. "Oh diba anak, nagustuhan nya" masayang saad ni mama.

Sinamaan ko ng tingin si James, pinagmukha akong kahiya hiya sa harap ni mama. Akala nya hindi ko tanda pinagsasabi nya sa brownies ko ha. "Tita, can i have 20 boxes of brownies?" James ask.

"Oo naman iho, kelan ba? wala pa kasing nagagawa itong si Taliah." nag aalangang tugon ni mama. "Kahit sa isang araw na lang po." magalang nyang tugon.

"Oh anak, 20 boxes daw." tapos itatapon nanaman sa mukha ko, huwaw. Nagsimula na kaming kumain. "Sinong nanliligaw dito sa anak kong 'to?" maya-maya pang sabi ni Mama.

Agad ko namang nabuga ang iniinom kong tubig. "Ang dugyot." Kuya said. "Anong ligaw? pinagsasabi mo Ma? kaklase ko lang mga 'yan" i said habang umuubo.

"Ah hehe, sorry naman anak akala ko kasi" nahihiyang tugon ni mama. "Kaklase ko lang mga 'yan, okay?"

"Swerte mo anak, pag napaibig ang isa sa mga 'yan sa'yo. Tingnan mo naman, ang popoging nilalang" kita ko yung tatlo palakpak nanaman ang tainga.

Hindi na ako nagsalita, ang akward kasi masyado. Sa wakas natapos na kaming kumain. "Ma, Kuya, akyat na kami gagawa lang ng report" pamamaalam ko sa kanila. "Sa kwarto mo?" gulat na tanong ni Kuya.

"Oo, ano naman? tahimik sa kwarto kaya doon na lang" naguguluhang tugon ko. "Dito na" Kuya said.

"Ang dumi naman ng utak mo, gagawa lang ng report ano ba?" medyo naiinis na ako. "Fine, wala kasi akong tiwala sa pag mumukha ng tatlong yan" sabay turo sa tatlo.

"Sa pogi naming 'to wala kang tiwala?" Ai said. ang lakas ng hangin.
Umakyat na kami, at sinimulan na gumawa ng report. "Ay" nahihiyang saad ko. "Hindi pa nga pala ako naglilinis" nakangiwing saad ko.

"Ganda naman ng kwarto mo, kahit maliit organized lahat ng gamit" pag puri ni Eli. "Halatang hindi mahilig sa purple ah" saad naman ni Ai.

Nakita ko naman si James na pumunta sa mini library ko. Napangiti  sya sa nakita nyang mga libro. Yung mga binili nya noong nakaraan.

 Yung mga binili nya noong nakaraan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Tama na kayo, mag simula na tayo." i said to them. "Hoy James!" nagulat sya sa pag sigaw ko. "Oh, tara na"

Inabot ko sa tatlo yung Science book na kasing kapal ng mukha nila. "Eto, hanapin nyo yung topic natin kanina. Kuha kayo ng konting information the rest own knowledge nyo na lang kung anong natutunan nyo kanina." i said to them.

"Sabihin nyo sakin ha itype ko sa laptop, tapos mag take down kayo ng notes para pandagdag. Copy?" Kita ko ang mga mukha nila na gusto na lang humimlay. "Copy" tamad na saad nung tatlo.

Nagsimula na kami. "Gutom na 'ko." parinig ni Ai habang hinihimas ang tyan. "Pwedeng magluto ng meryenda dito?" tanong ni Eli. "Oo" i said.

"Tara Ai, maiwan muna kayo dito ha magluluto lang kami ng meryenda dadalahan na lang namin kayo.

"Sige." tugon ko. Pinuntahan ko yung dalawa para ituro yung pwedeng lutuin.

Ivan James

She's so tagal, naisipan kong pumunta muna sa mini library nya. Bigla akong may napansin, isang maliit na litratong nasa sahig. Nahulog ata nung kinuha nya yung science book.

Siya ba 'to? kawaii. Sa halip na ibalik ay kinuha ko ang wallet ko at inilagay yung picture.

"James?" nagulat ako kaya nasagi ko yung picture frame sa tabi.

Taliah

Nasaan na kaya si James? "James?" tawag ko sa kanya. May narinig akong nabasag sa may mini library ko. Dali dali akong pumunta. "Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.

"A-ah nothing, nagpapahangin lang." ibinaba ko ang tingin ng makita kong lumuhod sya, nililimot nya yung bubog na nabasag. "Ako na, may dustpan dito wag mo kamayin." saad ko pero huli na nabubog na sya.

"Dumudugo" tiningnan ko ang kamay nya at pinaupo muna ito sa kama. Dali dali kong kinuha ang first aid kit. "Yan kasi, sinabi nang may dust pan. Kulit." nag aalalang saad ko. Andaming dugo na lumabas, masyadong malaki ang sugat.

Nilapatan ko ito ng alcohol, "Aray ang hapdi" daing nya. "Tiisin mo, parang di lalake ah" tugon ko at inihipan ko ang kamay nya para maibsan ang sakit.

"Hoy buksan nyo yung pinto marami kaming dala" rinig kong saad ni Ai. Nakita ko naman na nakangisi si James. "Ugh, sige pa isagad mo." saad ni James na animo'y nababaliw. Hinampas ko sya.

"Aray ugh, wag mong hampasin masakit" patuloy sa pag ungol si gago. "Sige pa, ayan ang sarap" tangina.

"Taliah, Ivan what are you doi-" binuksan ni kuya ang pinto. "Ginagamot ko lang yung sugat, nabubog eh" tamad na sagot ko.

"A-akala ko" napahiya si kuya, kamot ulo syang bumalik sa baba. "Kayo kasi, akala namin ano na nag gagamot lang pala ng sugat" nakangising saad ni Eli.

"Ang dudumi kasi ng isip nyo, saka itong isang 'to parang gago. Gusto mo na ba 'kong mapalayas dito ha?" pinanlisikan ko sya ng mata.

"Oh fries nyo" ibinigay samin ni Ai yung hawak nyang tray. "Done" Masayang sabi ni James. "Isave mo na yung report tapos meryenda ka na, then pwede na kayo umuwi." saad ko sa kanila.

Mabilis na lumipas ang oras, natapos na kaming  mag meryenda at umuwi na rin sila sa kani-kanilang bahay.




Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now