"Kinakabahan ako pre, grabe" Saad ni Eli kay Ai. "Ako rin, sana worth it yung pag rereview natin noh?" tugon ni Ai.
"Hays, tingnan nyo easy lang sa 'kin 'yan" pagyayabang ni James. "Wow ha ang hangin, porket kasama mo inspirasyon mo ah." si Eli.
"Good Morning class!" bati ni Mrs. Gonzales. "Good Morning Ms. Gonzales!" sambit naming lahat.
"So yeah, all of you alam nanaman siguro kung anong mayroon ngayon right?" tanong niya. "Yes Ma'am!" sabay sabay ulit naming sambit.
Pinamigay na ni Mrs. Gonzales ang test papers namin. "Okay, you can now start. Please, NO CHEATING. Copy?"
Tanging pag tango na lamang ang naisagot namin at halos lahat kami ay kabado.
Nagsimula na kaming magsagot, wala pang isang oras ay tumayo na agad si James at ipinasa ang papel nya.
"That fast?" gulat na tanong nung dalawa. "Yes, sabi ko naman sa inyo eh. Tingnan nyo perfect yan" confident nyang saad.
"Yabang" maya-maya'y tugon ko. "You four! isa pa, ize-zero ko kayo." saad ni Mrs. Gonzales.
Nanahimik naman kami, at itinuloy ang pag sagot.
"Okay, time's up!" hays, buti naman sakto. Iniabot na namin isa-isa yung test papers.
"Tomorrow will be annouced who got the highest score. You may now take your lunch." at umalis na si Mrs. Gonzales
"Kinakabahan ako." maya-maya'y tugon ni Ai. "Ako rin pre, sige ito manlilibre ako bukas pag na-perfect ni Vantot yung lahat nang exam, ano g?" pang hahamon ni Eli.
"Syempre G ako dyan!" sana ma-perfect "G syempre, sinong tatanggi?" yung dalawa.
"Kahit anong gusto namin?" tanong ko. "Oo, sa mall tayo ni Vantot libre ko kayong bahala kung anong gusto nyo."
"Stop calling me Vantot, so kadiri" nakangiwing saad ni James. "Vant-" sasabihin ko pa sana pero nilapit nya sa 'kin yung mukha nya.
"Sige, ituloy mo" pagbabanta niya. "H-hindi na nga eh, layas!" itinaboy ko sya. "Ang harsh mo naman sa 'kin, lovey" nakangiting tugon nya na parang nang aasar.
Nangunot bigla ang noo ko. "Lovey mo mukha mo" inirapan ko sya. kinginang lovey 'yan "Ohhh" yung dalawa.
"Tara na, mag start na yung next exam" aya ko sa kanila. Agad rin silang sumunod.
"Ang dali nung exam, hays" anak ng, ano?! seryoso?! wala pang 20 mins na naiibigay yung exam diba? "Ang bilis mo naman, wala pang 20 mins ah?" nagtatakang tanong ko.
"Sus, ako pa." pag yayabang nya. "Yabang mo talaga, pag 'yan hindi mo na-perfect nako nako sayang yung libre kaya ayusin mo"
"Yes ma'am, tiwala ka lang sa 'kin" saad nya sabay kindat. "Kadiri" tugon ni Ai. "Nga naman, hays dibale na sanay na kaming dalawa sa landian nyo" si Eli.
Mabilis na tumakbo ang oras at nag uwian na. "Meryenda muna tayo" aya ko sa kanila. "Sige" sambit ni James at dumiretso kami sa tusok-tusok.
Alam talaga nila kung anong gusto ko, hehe. "Manong, dating gawi" sambit nilang tatlo. At ipinag luto sila ni manong ng favorite nilang fishball, kwek-kwek, footlong, isaw, betamax, kikiam, 'yan ang ilan sa mga paborito nilang tatlo pati na rin ako.
Akalain mo nga namang matututo sila kumain ng ganyan, pag ako talaga kinaibigan mo hindi pwedeng hindi ka kakain ng kung anong kinakain ko. Mayaman ka man o mahirap.
"Keep the change ulit manong" si James naman ang nag abot ng bayad.
"Salamat iho." namaalam na kami kay manong at umuwi na."Let's go?" aya ni James. "Tara" sumakay na ako sa kotse at inihatid nya na 'ko. Simula niligawan nya 'ko ay hatid sundo na ako lagi.
Mabilis lang at nakarating na 'ko sa bahay. "Bye, ingat ka sa pagmamaneho." pamamaalam ko. "You too, take care" at kumaway na siya.
He's courting me for almost 5months, at sa loob noong mga nakalipas na buwan mas nakilala ko sya ng lubos.
Maraming araw pa naman, para pag isipan 'to saka na lang siguro.
"Xy tara, naka post na sa bulletin kung sinong nakapasa" aya ni Eli. "Hey, good morning" bati ni James. "Walang good sa morning ko pag ikaw ang bubungad" nakuha pang ngumiti ampt, samantalang kabado na 'ko dito baka bagsak ako.
"Wag ka naman ganyan, lovey" sinamaan ko sya ng tingin. "Tara na nga, bago pa 'ko makapanapak" at sumunod agad sa 'kin yung tatlo.
Paano ba 'yan, nagmumukha nanaman akong mayabang ft. Bida bida nyan? yung campus crush nyo lang naman, sunod-sunuran ko. mainggit kayo please.
Wow, parang hinangin ang daan. Ay kasama ko nga pala yung mga itlog, kaya nahawi bigla yung daan.
"Beh, balita ko nililigawan na daw ni Papa James si Taliah"
"Mayabang naman 'yang si Taliah, gumanda lang hindi na lumayo sa tatlo"
"Balita ko nga muntik na mag f.o si James at Ai dahil sa kalandian ni Taliah eh"
"Beh, i-close mo na lang 'yang mouth mo mabaho eh" kita kong napanganga yung tatlo. "Miss, not my queen" James lips formed into smirk. Nilampasan na namin sila.
"Ohhhhh, mag toothbrush ka kasi muna sis HAHAHAHAH"
"Putok sa bunganga"
"May pambiling make-up, walang pambiling toothpaste"
"Rinig nyo 'yon, queen daw?"
"Landi talaga"
"Ano kayang gayuma ginawa nyan eh noh?"
"Mas maganda pa nga ako dyan eh, bakit hindi na lang ako?"
Bulletin of passing students
With highest honor
Garcia, Ivan James ---------------- 98.5%
With honors
Alvarez, Elijah ------------------ 95%
Buenaventura, Aiden ------------ 94.5%
Tyres, Taliah Xyzzy ----------------- 94%
wow.
P-pumasa kaming lahat....
"Wow pre, iba talaga pag inspired" nanlaki ang mata ni Ai ng makita nya yung result. "Sabi ko naman sa inyo eh, easy lang yan" yabang talaga.
"Oh? ano Eli? libreeee" masayang saad ko. "Sure, after class" tugon ni Eli. "Congrats" bati ko kay James. Kita ko sa mukha niya ang gulat at napalitan ito ng tuwa.
"Thank you so much, Lovey" sabay kindat. lah nuyon n-namumula ba 'ko? no wayyyyy "Wow, for the first time may namula" anak ng...
"Hoy hindi ha!" tanggi ko. "May sinabi ba kaming pangalan?" kunwaring nag iisip si Ai. "Cute mo pala mamula, para kang kamatis na bilog" nakangiting saad ni James
Aba, at nang-asar pa nga. "Tse!" tinalikuran ko sya at nakinig na sa tinuturo ni Ma'am.
"Lovey, sorry" bulong ni James. "Wag mo nga akong bwisitin makinig ka na lang." bumaling naman ako paharap kina Eli.
"Lovey" panay kalabit si James. "Sabi ng" nilakihan ko sya ng mata. Ayun tumimo. "Under ka pala Vantot eh" natatawang saad ni Ai
"Stop calling me Vantot, sounds Mabantot" nakangiwing saad ni James. "Bakla" pang-aasar ko.
"Halikan kita dyan eh" akmang lalapit na nang pigilan ko ito. "Sige subukan mo, lalapat dyan sa pag mumukha mo 'tong five fingers ko"
"Kaya pala namumula ka, kinikilig ka ba?" nakangiting sambit ni James. ako kinikilig? weh "H-hindi ah! tabi nga!" fuck, anong nangyayari? bakit ako nauutal.
"Aminin mo na kasing gusto mo rin ako" taas-taas kilay nya. Hindi ko sya sinagot. "Okay good bye class, see you tomorrow"
YOU ARE READING
Him and Her (highschool series #1)
FanfictionTaliah Xyzzy Tyres, a girl who doesn't care about the world, all she wants is to study. She doesn't have friends either, ayaw n'yang magtiwala agad kasi pakiramdam n'ya ay hindi totoo lahat ng kaharap n'ya. Not until she met the tatlong itlog that s...