Taliah
Uwian na, dumeretso muna ako sa malapit na pharmacy dito sa school para bumili ng biogesic. Umuwi na din ako agad pagkabili.
"Andito na 'ko ma" matamlay kong saad. "Oh, anak may masakit ba sayo?" nag aalalang saad ni mama
"Okay lng ako ma, medyo masama pakiramdam ko pero iinom ko na lang 'to ng gamot" nginitian ko si mama para hindi sya mag alala ng todo"Akyat na 'ko ma" tinanguan lamang ako ni mama.
~~
Ivan James
"Ai, Eli let's hang out!" aya ko sa kanila,ngunit di nila ako pinapansin anong meron? lakas ng amats nila ha "Busy ako, sige na una na 'ko." malamig na saad ni Ai. "Ako rin." si Eli
naiwan akong mag isa sa parking kaya naisipan kong umuwi na lang din. Anak ng, anong nangyari sa dalawang yon? may nagawa ba ako?Pagkauwi ko ng bahay bumungad agad sa akin yung amazona kong ate. "Bakit ang aga mo?" tanong ni ate Jane habang hindi maalis ang tingin sa binabasa nyang libro. "Maaga kaming pinalabas" natawa naman ako bigla nung nakita ko yung binabasa nya.
"BWHAHAHAH seryoso? pocket book?! psh" natatawang saad ko. Sinamaan nya 'ko ng tingin "Eh ano bang pakialam mo? umakyat kana nga don!" badtrip nanaman si amazona 'di na mabiro
"Ate, naniniwala ka ba dyan?" tanong ko sa kanya, napatingin naman sya sakin. Sumeryoso sya "Oo, sometimes nangyayari talaga sa totoong buhay yung mga nababasa mo sa ganitong pocket book." natawa naman ako. "Paano ka naman nakakasiguro?" tanong ko ulit.
"For example na lang, Me and John. Noong una lagi nya akong inaasar at pinagtitripan, dumating pa nga sa point na tinago nya yung wallet ko eh andon lahat cards, cash, id's malamang iyak ako non. Pero oneday nagtapat sya sakin, Doon ko nalaman na kaya pala sya ganon lagi nya 'kong inaasar at pinagtitripan may gusto pala sya sakin." seryosong saad nya kinabahan ako bigla "Nakakatawa nga eh etong nabili ko na pocket book dedicated sya samin ni John" dagdag nya pa
"Sus hindi yan tunay! pinag titripan ko lang naman sya kasi naasar ako sa pangit nyang mukha eh hindi ibig sabihin agad gusto ko na sya psh!" derederetso kong saad. Natawa bigla si ate Jane "Oh, anong tinatawa tawa mo?" nangunot ang noo ko. "Hindi mo alam ang kapalaran mo Ivan James, walang nakakaalam kung sino talaga yung para sayo. Alalahanin mo masyadong mapaglaro ang tadhana, kung sino yung inaayawan mo yun yung nakakatuluyan mo, may mga ganyang senario sa buhay. Isa pa, wag kang mag salita ng tapos na para bang sure na sure ka na." makahulugang saad nya. pakshet mas lalo akong kinakabahan sa sinasabi nya.
"Sige na aakyat na 'ko, basta hindi ko sya gusto, ang pangit pangit nya walang wala kay Yuina. Psh" kunot ang noo kong saad. Tumawa lang si ate Jane sabay iling, lakas talaga ng trip.
Aiden
Nawalan ako ng gana sumama kay James maghang-out, hindi ko kasi nagustuhan yung ginawa nya kay Bunny, di ko kase kilala kaya iyan na lang itinawag ko sa kanya yung ibinansag ni James. Hindi naman sa kinakampihan namin si bunny pero parang ganin na nga. Look, ngayon lang 'to nangyari yung nanakit sya ng pisikal ano bang nangyayari don? 'di naman sya dating ganon psh.
"Tahimik mo ah" saad ni Eli, "Sa tingin mo, bakit nagawa ni James yun?" tanong ko kay Eli. "I don't think so, ngayon ko lang sya nakitang manakit ng babae, noon puro banta lang." iling iling na saad ni Eli
"What if kausapin natin si James?" ani ko. "Tss, as if makikinig satin yon? baka isipin pa non na pinag tutulungan natin sya saka kinakampihan natin si bunny." asik ni Eli. "No Eli, i don't tolerate that kind of behavior. Oo nambubully ako, pero hindi pa naman ako dumadating sa puntong nanakit. Bahala sya, hindi ko sya papansinin hangga't hindi nya nakikita yung mali nya." agad din naman akong naunawaan ni Eli kung ano yung pinupunto ko.
"Well yah, hayaan natin syang makita yung mali nya hindi ko din nagustuhan yung inasal nya." si Eli
"Paano ba? Bye Eli, see you tomorrow nag chat na sakin si Mom. As usual it's all about business and business again, hays di pa nag-iinit pwet ko sa upuan eh" maktol ko kay Eli. "Psh, HAHAHAH okay, Bye Ai see you tom, mwa!" nag flying kiss pa si gago. "Kadiri ka! Sige na!" pagtataboy ko sa kanya.Ivan James
"Good Morning handsome!" bati ko sa sarili ko habang nakangiti. "Tss, pogi pogi mo talaga Ivan." saad ko sa sarili ko. baliw
Naligo na ako at bumaba ng hagdan. "Good Morning ate Jane!" masayang bati ko sa kanya. "Morning, kain na" alok nya sakin ng hotdog at itlog, "Thanks ate!" nakangiting saad ko "Saya mo ah, may lagnat ka ba?" pang aasar nya. "Psh, wala ang aga aga sisirain mo mood ko" tinawanan nya 'ko.
Tapos na akong kumain. "Alis na 'ko ate bye bye!" pamamaalam ko sa kanya. "Ingat" saad nya.
Andito na 'ko sa school, as usual nag titilian nanaman yung mga babae wala eh nakakita nanaman sila ng pogi hehe. Samo't saring papuri ang naririnig ko pero hindi ko na ito pinansin, sanay na 'ko nakakarindi na nga minsan eh psh.
Habang naglalakad nakita ko nanaman si Bunny, may pag titripan nanaman. Napangisi ako bigla, nakita kong may dala dala syang rubber shoes, oo nga pala, P.E namin ngayon. Nakita kong inilagay nya sa locker nya, may naisip nanaman akong katarantaduhan.
Noong makaalis sya, kinuha ko agad yung rubber shoes nya luma na ito at marumi na. ambaho pa ehw Agad ko itong itinapon sa basurahan pinasama ko na kay kuyang basurero.
Kita ko na siya na parang may hinahanap sa locker nya BWHAHAAH this is it. "Asan na kaya yon?" dinig kong saad nya. "Shet saan ko ba naipatong yon?" nangingilid na ang luha nya. "Yari, ang dami kong memories sa sapatos na 'yon" umiiyak na talaga sya. pangit umiyak
"Nasaan na kasi 'yong sapatos na 'yon" patuloy pa rin sya sa paghahanap. Biglang lumapit sa kanya si Ai at Eli "Hey, stop crying bunny here new shoes extra ko yan 'di ko pa nagagamit" saad ni Ai anong ginagawa ng dalawang yon?
"Kayo siguro nagtago ng sapatos ko noh?" pambibintang nya sa dalawa. "Uhm, no nakita ka lang kasi namin na umiiyak kaya i decided to give it to you this extra shoes na lang, wala kang magagamit mamaya. Okay ikaw bahala kung ayaw mong tanggapin. Ikaw din mawawalan ng marka. Hindi kasi pwede ang walang rubber shoes baka hindi ka palaruin." saad ni Ai
"Oh, sorry i'll appreciate it naman but mahalaga sakin yung sapatos ko kahit ganon na 'yon" umiiyak nyang saad. "Uhm stop crying, ganito na lang suotin mo muna yan then mamayang labasan samahan ka namin ni Ai hanapin natin yung rubber shoes na sinasabi mo. Baka andito lang yon" saad naman ni Eli
"Thank you sa inyo" nag punas siya ng luha anak ng, parang nakonsenya ako bigla. "Oh panyo," si Ai "Thanks" saad ni bunny "Tara na, sabay ka na samin punta na tayong room" wow ha, anong nangyari sa dalawang 'yon di man lang ako hinanap?
YOU ARE READING
Him and Her (highschool series #1)
FanfictionTaliah Xyzzy Tyres, a girl who doesn't care about the world, all she wants is to study. She doesn't have friends either, ayaw n'yang magtiwala agad kasi pakiramdam n'ya ay hindi totoo lahat ng kaharap n'ya. Not until she met the tatlong itlog that s...