30

65 4 0
                                    

"What happened to your faces guys?" tanong ni Eli nang makababa kami sa kotse. "Ask her." malamig na tugon ni James. Saka dumeretso sa loob ng bahay nila.

"Anyare?" tanong sakin nung dalawa. Bigla akong napayuko dahil sa hiya. "N-nahuli nya 'kong nag v-vape." nauutal kong saad.

"Eh? tapos?" tanong ulit nila. "Nag kasagutan kami." saad ko. "Mag bati kayo, sayang yung plano natin baka hindi matuloy." Ai said.

"Oo nga" gatong ni Eli. "I'll try." maikling tugon ko. Pumasok na kami sa bahay at bumungad sa 'min si ate Jane. "Hi Liah!" tumakbo sya sabay yakap sa 'kin.

"Hi ate" bati ko sa kanya. Ngumiti sya  ng nakakaloko. "Kayo na ba?" biglang tanong nya. "U-ahm" nauutal kong saad. "Ano?" bakas sa boses nya ang pagka excited.

"Ewan, i admit it na i like him too eh" nakangiwing saad ko. "Ang hina naman ni Ivan, hindi naka-mana kung  paano duma-move!" reklamo ni Ate Jane.

"Alam mo ba, since he met you unti-unti kong nakikita yung pagbabago nya." nakangiting saad nya habang nilalaro ang buhok ko. "Eh? sa totoo lang we're not okay now." malungkot kong saad. "Why?" kunot noong tanong nya.

"N-nahuli nya 'kong nag v-vape, tapos nagkasagutan kami." nakayukong sambit ko. "Oh, ayaw nya lang na gawin mong bisyo yan kaya ganon." pag papaliwanag ni ate Jane.

"Yes, nauunawaan ko sya. After we argue doon ko napagtanto yung mali ko." nahihiyang saad ko. "Hindi kasi sya nag s-smoke, umiinom but ocassionally lang. He's not like other boys na ginawa nang daily routine ang pag iinom at pag sisigarilyo."

"I'll talk to him na lang ate." i said. "Sige, mag luluto lang ako ng dinner para before pajama party nyo okay na lahat." pamamaalam nya.

"Pst" kinalabit ko si James. "Oh?" hindi niya ako nililingon. "Sorry." may  sinseridad sa boses ko. "Sorry na lang?." he said. "H-hindi ko na uulitin." tumingin s'ya sa'kin. "Siguraduhin mo lang, pag naulit pa 'yan. Hindi ko na alam ang gagawin to stop you."

"Sorry na ah, hindi ko na uulitin promise." itinaas ko ang kamay ko na parang nanunumpa. "Sige na, basta please lang 'wag na 'wag mo na uulitin." napabuntong hininga sya.

"Okay na kayo?" sulpot ni Ai. "Yes." si James. "Tara na, mag bihis na kayo" ibinato samin ni Eli yung mga sleepwear namin.

"Ay, hindi ako nakapag dala ng extra underwear" nakangiwing saad ko. "It's okay, i'll ask ate Jane na lang if may available pa sya then ipapa-akyat ko na lang kay Manang Beth" sambit ni James.

"Sige." umakyat na 'ko. "Ma'am ito na po." kumakatok si Manang Beth. "Ay, thank you po. Xy na lang po wag nang Ma'am nakakahiya po eh" tumawa naman sya.

"Itong batang ito talaga hehe, sige Xy ija baba na 'ko. Sunod ka na lang hinihintay ka na nung tatlo." Bumaba na si Manang Beth. "Ay lintek" nangyan naman, ang dami kong patalastas.

To: Alliah Jane Garcia

Ate Jane baka you have extra pads dyan pahingi naman, hehe thanks!^⁠_⁠^

May limang minuto kong hinintay nang biglang may kumatok. "Woh thanks at-" nanlaki ang mata ko ng makita ko si James. "Here, take your time call me if you need something."

shet shet shet beh "Ako yung nakakita nang chat mo kay Ate, nang pop up kasi while i'm in the kitchen eh naiwan nya doon yung phone nya umalis sya saglit eh." pagpapaliwanag ni James.

"T-thanks" ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. "Cute" ngumiti bigla si James. "Doon ka na nga" inirapan ko sya.

"Beast mode nanaman, dalian mo na hihintayin kita." habang nakahalukipkip siya. Matapos kong magpalit ay inaya ko na syang bumaba.

"Tara" at bumaba na rin kami. "Mamaya pagkatapos natin kumain magkaka-games tayo then movie marathon huh?" Eli said. Sinang-ayunan naming tatlo si Eli.

Susubo na sana si Ai pero pinigilan ko ito. "Pray" saad ko sa kanila at agad din naman kaming nag dasal. "Kakain naaaa!" sigaw ni Ai at Eli. Ingay talaga ng dalawang 'to.

"Ate Jane, kain na?" alok ko sa kanya. "Hindi na beh aalis din ako kailangan daw ako sa firm, anyways enjoy ha mwa!" sabay halik nya sa pisngi ko. "Bye ate" inihatid ko muna sya hanggang gate.

"Ang daya naman ni Ate Jane, nakaka-ilan na 'yon huh?" nag tatampong saad ni James. "Tumigil, tara gutom na 'ko" hindi naman sa ayaw kong humalik sa kanya, iniiwas ko lang yung topic na 'yon kasi hindi ako komportable.

"Ganan ka naman eh, hindi mo na ako mahal." cute naman nito lumambing. "Sige, uuwi na lang ako." lalabas na sana ako ng pintuan. "Joke lang hehe, tara inubos na nung dalawa yung conchinillio" pag dating namin sa may sala kung saan naka set up lahat, nakita namin yung dalawa na halos maubos na yung conchinillio.

"Hoy mag tira kayo!" naki-agaw na rin si James sa dalawa. "Kalmahan nyo naman, madami pa oh" turo ko sa ibang pagkain. "Sorry Xy, kahit mayaman kami madalas pa rin pagka-patay guts namin" saad ni Ai habang puno ang bibig niya.

"Grabe" napailing ako habang nakangiti. solid. "Pagkatapos natin kumain what we gonna do next?" Eli ask.

"Truth or Dare with a twist" suhestiyon ko. "What twist?" James ask. "Kakainin mo yung ketchup, iinumin mo yung egg yolk, iinumin mo yung suka and so on."

"Yuck" nandidiring tingin ni Ai. "Kapag hindi mo nasagot or nagawa, ayun yung twist" pag papaliwanag ko. Nang matapos na kaming kumain ay nag tuturuan pa yung tatlo sa paghuhugas.

"No, hindi nga ako humahawak ng plato sa mansyon eh tapos paghuhugasin mo 'ko?" si Eli. "Anong ako? no way, masisira ang beautiful hands ko" si Ai naman.

"Oh? bakit nakatingin kayo sa 'kin? bahay ko 'to oh ano?" si James naman. "Ako na" tumayo ako at inumpisahan nang ilagay sa lababo ang mga plato.

"I'll help you" James said. "Wag na, baka masugatan kamay mo nakakahiya naman kay tita at tito." sambit ko. Nagsisimula na akong magsabon nang bigla nyang agawin.

"Ako na, ayokong nakikita ang reyna kong gumagawa ng hindi nababagay sa kanya." napataas naman ang kilay ko. "Magaan na gawain lang naman 'yan, at saka kung di ka matututo gumawa kapag may sarili ka nang pamilya?"

"Edi kukuha tayo ng Maid's" nakangiting saad nya. "Iaasa mo sa kanila lahat? matuto ka rin tumayo sa sariling paa mo." pangangaral ko sa kaniya.

"Ako na dyan, tingnan mo simpleng paghuhugas ng baso babasagin mo pa." inagaw ko sa kanya yung baso. "Ako na, upo ka na lang dyan sabihin mo na lang kung mali yung ginagawa ko." Inagaw nya ulit sakin yung baso at nagtuloy tuloy siya sa pag huhugas.

"Done." nakangiting saad nya sabay tanggal ng apron at lumapit sya sa 'kin. "Kaya mo pala eh" saad ko. "Ofcourse, para sa reyna ko gagawin ko lahat"

"Tara na" aya ko sa kanya. "Tara." pumunta na kami sa living area at kita namin yung dalawang nanonood ng spongebob. "Isip bata talaga" pag paparinig ni James.

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now