21

78 3 0
                                    

Kasalukuyan kaming nakatatambay sa may library, niyaya ko yung tatlo. "Uhm, Xy......." Ai called me. "Oh?" i ask habang tutok sa libro ang mga mata ko. "May gusto sana akong sabihin sa 'yo....." agad akong napatingin. "Hmm?" tiningnan ko sya.

"U-uhm" pambibitin nya. "Dalian mo na, parang ga-" pinutol nya ang sasabihin ko. "I like you." napalingon kaming lahat sa kanya, lalo na si James hindi mawari ang itsura parang papatay ng tao. weird.

"Ha?" nakatulala pa rin ako, hindi mag sink in sa utak ko yung sinabi nya. "S-seryoso par?" tanong ni Eli. "Yes, i found her attractive. I think i love her." tangina.

"Tigilan mo 'ko sa kagaganyan mo, Aiden."  nagbibiro pang 'to alam ko eh. "I'm damn serious Taliah." halata nga, sumeryoso sya eh.

Hindi ako nakapagsalita. "Can i court you?" he ask. Sasagot pa sana ako ng ayoko pero. "Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita." nagtanong pa ampota kanya rin naman pala masusunod.

"Hindi naman yata tamang pilitin, pag ayaw." biglang imik ni James. "Why? are you jealous?" Ai ask James with matching smirk.

"Hell no, I DON'T LIKE HER" madiin niyang tugon sa salitang i don't like her. "Bakit ganyan itsura mo? diba dapat maging masaya ka sakin?" Ai ask.

"Stay strong." malamig niyang tugon. "You're jealous." biglang singit ni Eli. "Tanga ka ba? hindi nga sabi diba? saka sino ba yan." turo ni James sa 'kin. "Ni hindi ko nga 'yan gusto, saka hindi ako pumapatol sa pangit." he said, before leaving us on library.

Wow, makapangit sya nga mukhang unggoy. "Let's go?" Inilahad ni Ai ang kamay nya. Nag aalinlangan akong kunin pero nakakahiya naman kung tatanggihan.

"Oh? si Ai naman nilalandi."

"Mas bagay sila ni kuya Ivan"

"Oo nga Charlote, agree ako dyan."

Inakbayan ako ni Ai sa harap ng maraming tao. Napansin nya yatang naiilang ako. "Sorry" sabay alis ng akbay. "Okay lang." maikling tugon ko.

Pag pasok namin sa room hindi man lang kami tinapunan ng tingin ni James. kakapanibago. Tuwing pumapasok kasi ako sa room nakalabas na agad ang mapuputing ngipin nya.

"Xy, chocolates?" inalok ako ni Ai. Hindi ko tinanggihan sakto naghahanap ng matamis ang bibig ko. Bigla namang tumayo si James kaya nalaglag sa sahig yung chocolate.

"Wala na, madumi na" nadidismayang tugon ko. "Here na lang sa 'kin" akmang iaabot na ni Ai sa 'kin ng biglang bumalik sa pag upo si James at nasagi nya ulit yung chocolate kaya nalaglag ulit.

"Nananadya ka ba?" i ask James. "No i'm not. Saka bakit ba dyan pa kayo naglalandian? May lugar at oras para maglandian psh." malamig nyang tugon.

"Hoy bakit ka ba nagkakaganyan? inaano ka ba?" tanong ko. Sa halip na sagutin nya ay nilayasan lang kami. bastos talaga.

"Hayaan mo, tara ihahatid na kita?" aya ni Ai sa 'kin. "S-sige" tanging saad ko lamang.

"Xy....." Eli called me. "Oh?" tanong ko. "Usap tayo." seryosong saad nya. "Sige, Ai usap lang kami ni Eli" Tinanguan nya 'ko.

"Anong pag uusapan natin?" naguguluhang tanong ko. "Uhm, wag mong hahayaang ma-fall kay Ai." seryoso sya. "Sadya naman, hindi ko gusto si Ai oo pogi sya, mayaman, mabait, halos nasa kanya na lahat ng gusto ng kababaihan pero walang spark eh. Hanggang kaibigan lang talaga."

"Kaso mapilit sya, gusto nya talaga na kami na agad kahit hindi pa 'ko pumapayag." saad ko ulit. "Basta Xy, binabalaan kita don't be inlove  with him." si Eli.

"Hindi ko masasabi Eli, it depends if my feelings will developed." seryoso kong tugon. "Fine. Let's go to Ai, ihahatid kita"

Nakasalubong namin si James sa parking lot pero hindi manlang nya kami tinapunan ng tingin dirediretso sya papunta sa kotse nya.

"Sakay ka na" pinagbuksan ako ni Ai ng kotse. "Thanks" simpleng sagot ko.
"Anong pinag usapan nyo ni Eli?" biglang tanong ni Ai.

"Ah wala, personal matters." mahinahong tugon ko. "Ahhh, okay mukha ngang seryoso kayo."

Matapos ng ilang minuto na katahimikan, narating rin namin ang bahay. "Dito na 'ko Ai, Salamat sa paghatid" i said to him. "As always, anything for you" he said then tap may head.

"Akala ko si Ivan?" napatalon ako sa gulat ng biglang nagsalita si Kuya. "Ay kabayo! magsabi ka naman na nandyan ka." habang hawak ang dibdib ko.

"Ayos yon ha, ang sa pangit mong 'yan pinag aagawan ka?" pang aasar ni kuya. "Lumayas ka nga sa harap ko, pagod na 'ko tapos bubungad pa sa 'kin yung mukhang unggoy?" asar ko pabalik.

"Whatever, basta wag kitang makikitang umiiyak dahil sa lalaki. Kundi malilintikan 'yon sakin." pagbabanta nya. "Wow, nakaka-touch naman 'yon pahalik." ngumuso na ako nang bigla nya 'kong sapukin. "Aray."

"Umakyat ka na nga, karumi ka" wow baka akala nya, limited edition 'tong kiss ko. "Fine, nga pala where's mama?" tanong ko. "Hindi na sya nakapagpaalam pero pumunta na sya ng states pero babalik sya next week.

"Ahhh, sige akyat na 'ko" pamamaalam ko kay kuya. "Baba ka na lang pagkakain." kuya said.

Him and Her (highschool series #1)Where stories live. Discover now