1

2K 40 1
                                    

Zian's P.O.V

"Putangina mo ka zion, mamatay ka na!!!" Sigaw ko kay zion na natatawang tumatakbo palayo sa akin, sinadya ba namang banggain ako, kitang ang dami kong dalang papel na kung ano ano eh, ayan lumipad lahat, kahayupan talaga.

Si zion, ang pinaka kinaiinisan kong tao sa buong mundo, na wala akong choice kung hindi makita at makisalamuha sa kaniya sa pang araw araw na buhay ko. Mag kapit bahay na kasi kami simula pinanganak kami, well mas matanda siya sa akin ng 2 years, pero parehas kaming grade 10. Mag kaibigan kasi ang mga magulang namin simula highschool sila, kasi simula din ng highschool sila mag Kapit bahay na din sila, so ang ending wala akong choice kung hindi lumaki kasama yang ugok na yan. Actually dapat grade 11 na yan, ewan ko lang bakit hindi siya pinag aral ng mas maaga, gusto ata ng magulang namin mag kasama din kami sa school. Kaya ayan, pati school kasama ko siya.

Agad naman akong lumuhod sa sahig para pulutin yung mga papel na dala ko, nautusan kasi akong mag dala nitong reaction paper ng kabilang section namin papunta sa teacher's office, habang nag pupulot ay nakita ko na may tumutulong sakin kaya napa lingon ako dito...

"Wala nang tigil yang bangayan niyo simula pa ng elem tayo" sabi ni Jan, habang pumupulot din ng papel. Siya si Jan, kaisa isang kaibigan ko, hindi kasi talaga ako lapitin ng tao, kasi masama ugali ko, ewan ko ba dyan gusto ata ng challenge kaya kinaibigan ako, pero simula elem kaklase ko na siya at kaibigan na din, actually utusan ko lang yan dati eh kasi lapit ng lapit sakin, kala ko nga may gusto yan sakin dati kaya ayaw lumayo sa akin

"Alam mo kung kanina mo pa kasi ako sinamahan edi sana hindi ako binangga nung mokong na yun. Edi sana bago niya pa ako mabangga hihilahin mo ko palapit sayo, tapos mapapayakap ka sakin, tapos mapapatingin ako sayo..." Pag papantasya ko, wala naman akong gusto sa kaniya, pero ang pogi niya din kasi, ang tangkad pa, hindi naman siya sporty pero apaka tangkad, lumaklak ata toh ng Cherifer eh.

"Sabihin mo na kasi na gusto mo ko, gagawin ko lahat ng gusto mong gawin ko" sabi niya at kinindatan ako, tumayo naman ako at tumayo din siya, lumapit naman ako sa kaniya ng dahan dahan habang nakangiti, ngingiti na sana siya nang agad kong ipinatong yung mga nakuha kong papel sa mga pinulot niya

"Ikaw na mag bitbit dalhin mo yan" sabi ko sa kaniya at agad na naglakad papuntang office...

"Ma'am bakit andito yang mga yan?" Takang tanong ko sa english teacher namin na ka close din namin, pag pasok ko kasi ng room andito si Zion, andun pa talaga siya naka pwesto sa tabi ko, mag kasama kami sa school ni zion pero hindi kami magka section, kaya nag tataka ko bakit andito section nila sa room namin

"Eh iisa lang naman kasi lesson niyo eh, atsaka may papagawa ako na kailangan ng madaming tao" sabi ni maam at kumindat pa, jusqo mahal na mahal ko tong teacher na ito pero literal na pagod ang abot namin sa lahat ng activities niya

"Hi babe" sabi sakin ni zion ng makalapit na ako sa kaniya palihim ko naman siya minura at ngumisi lang siya sa akin...

"Kaya ko kayo pinag sama ay dahil sa magiging 2nd quarter exam niyo, october pa naman yun pero syempre mahabang preparation ang kakailanganin. Gagawa kayo ng atleast 40 minute na play, about inequality, nepotism, sexism, colorism and racism. Syempre gumawa muna kayo ng research about each topic, pasa niyo sakin by the end of the month, tapos yan na yung exam niyo sa 1st periodical/quarter and 2nd periodical. Oh tatlong exam na cover niyan, simpleng research lang need ko basta ang minimum ay 2 pages each. After niyan every klase ko magsasama kayo para gumawa na ng play, October 18 yang play ah, july 31 to august 1 lang pasahan ng paper, so yun lang, mag ingay na kayo dyan" sabi ni maam at lumabas na ng room, napansin ko naman na napapatingin sa akin yung mga kaklase ko pero dedma ako, kunwari wala akong alam sa nga nangyayare

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon