4

552 21 0
                                    


"Simon, sorry kagabi ah, tarantado kasi si zion eh, walang magawang matino sa buhay kaya dinadamay buhay ko sa kagaguhan" sabi ko kay simon na katabi ko na ngayon dito sa cafeteria, nakasalubong niya kasi ako kanina papunta dito so nag sabay na kami, nilibre niya pa nga ako eh

"Okay lang, kahit naman sa room loko loko siya, di ko alam na ganun pala kayo ka close. Pwede tawagin mo na lang ako sa nickname na tinawag mo sa akin kahapon?" sabi niya at napatingin naman ako nang nag tataka sa kaniya, twisted ata definition niya ng close.

"Nickname?" Takang tanong ko sa kaniya at tumango tango naman siya sa akin habang naka ngiti

"Mon. Tinawag mo kong mon kagabi nung magka call tayo" sabi niya sa akin habang naka ngiti, bagay na bagay sa kaniya naka ngiti

"Mon-Mon na lang tawag ko sayo, para mas okay pakinggan" masayang sabi ko sa kaniya at tumango tango naman siya sa akin

"May nasimulan ka na ba na draft sa script?" Takang tanong niya, napa iling iling naman ako sa kaniya, may mga idea na ako kung pano magiging takbo ng play pero wala pa akong story

"Wala pa nga eh, basta ang balak kong flow, magkakaibang story bawat scenario tapos magiging connected sila lahat sa dulo." Sabi ko sa kaniya at napa tango tango naman siya sakin

"May mga movie akong gusto ipanuod sayo para magka inspiration ka sa script, if gusto mo punta ka sa bahay ko tapos panuorin natin" sabi niya at napangiti naman ako sa kaniya, hindi sa nag aassume ako ah, pero bakit feeling ko may gusto siya sa akin? Grabe ang bilis niya naman kumilos, gusto agad ako papuntahin sa bahay nila, enebe. Sasagot na sana ako ng may biglang nag takip ng bibig ko mula sa likod

"Ay sorry hindi siya pwede, ayaw ng mama niya na umalis siya ng bahay nila kung hindi sa school ang pupuntahan" sabi bigla ni zion mula sa likod ko, nag pumiglas naman ako at kinagat kagat ko na yung kamay niya pero hindi pa rin niya ako binitawan

"Pwede naman dalhin ko yung movies sa bahay niya" naka ngiting sabi ni simon, nakita ko naman si zion na lumapit sa akin at pinag dikit ang mukha namin

"Ay hindi din pwede, wag daw ako mag papasok ng ibang tao sa bahay nila sabi ni tita. Ako kasi ginawang taga bantay kay zian ng mama at papa niya eh, kaya dun ako natutulog sa tabi ni zian ngayon" sabi ni zion at napa irap na lang ako sa mga walang kwentang sinasabi nito, pero okay na din yun kasi hindi rin ako masyado comfortable pa na kasama si simon, kasi di pa naman kami ganun magka kilala

"Ah ganun ba, sige sabihin ko na lang sayo yung nga movie para mapanuod mo, una na ako" sabi ni simon, at marahas kong tinanggal ang kamay ni zion sa bibig ko

"Mon-Mon thank you sa libre ah" sabi ko sa kaniya at kumaway kaway, at kumaway din naman siya sa akin at kinindatan ako, umupo naman sa tabi ko si zion kaya agad ko siyang siniko sa dibdib

"Aw! Masakit yun ah" sabi niya sa akin at hinawakan ang ulo ko at niyugyog ako, nakita ko naman na umupo sa tapat namin si Jan at pinag masdan lang kami

"Ano ba zion epal ka kahit kelan tang-ina mo ka" iritang sabi ko sa kaniya at diniin ko ang kuko ko sa hita niya, kaya agad niya akong binitiwan

"Sus palibhasa muntik ka nang i-bahay nung gago na yun eh" mapang asar na sabi niya sa akon at tumingin naman sakin si jan na nakakapang loko at inirapan ko siya

"Yung simon gusto siya papuntahin sa bahay nila, nuod daw sila movie" natatawang sabi ni zion at siniko ko uli siya

"Netflix and chill" sabi ni Jan at tinawanan ako, kaya binato ko siya ng biscuit at sinalo naman niya ito

"Pero feeling ko may gusto sa akin yun si Simon" sabi ko sa kanila at napatango tango naman si zion, at napa isip naman si jan

"Obvious naman eh, kita mo hindi pa naman kayo ganun magka kilala gusto ka na agad dalhin sa bahay nila" sabi ni zion, wala naman akong ibang iniisip about dun sa gusto ni simon sumama ako sa kaniya manuod ng movies sa bahay nila, pero parang kung ano ano na pumasok sa isip nitong gago na toh

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon