21

263 13 0
                                    


Its been 8 years... 8 years simula ng pag amin ko kay Zion, after nun ay agad akong umalis at pumunta ng Iceland para mag college dun, nagawa kong i-skip ang senior high dun dahil eligible ako na mag take ng advance exam at full scholarship ang natanggap ko dun, hindi man yun yung una kong course na plano, pero yun yung nagkaroon ako ng opportunity. Nag take ako ng entertainment business at communication course, at sabay ko silang tinapos.

After kong umalis ay total cut off ako sa lahat ng kakilala ko, deactivated lahat ng social media accounts ko, at hindi rin ako masyadong nanunuod or nag basa ng news, lahat ng attention ko ay focus sa part time work ko at sa studies ko. Kaya wala akong ideya kung ano nang nangyayare sa kanila. Nakakamusta ko naman sila mama at papa pero literal na by letter ang sendan namin, nagpapadalahan kasi kami ng mga box na may kung ano anong laman, usually snacks yung laman tapos yung letter, may isang letter akong hindi binasa at dineretso ko sa basurahan dahil kita ko agad na si zion ang sender. Hindi ako bitter, atsaka hello ako yung may kasalanan ng lahat, kaya wala akong masisi HAHAHA

Anyways, actually kanina pa ako nakatunganga kasi natatakot akong bumaba ng taxi, pabayaan mo na yang metro na yan hindi naman ganun kalaki babayaran ko kasi malapit lang airport dito. Actually ngayon lang ako uuwi, I mean isang day lang stay ko dito sa bahay kasi, May bahay na ako sa Makati, kasi andun yung trabaho ko. Binayaran ko naman na si kuyang driver at tumakbo papasok ng bahay ng walang tingin tingin sa paligid baka may makita pa akong di ka aya aya.

"Ma, pa I'm here" sabi ko pag pasok ko ng pinto at wala man lang sumalubong sa akin, nakita ko naman na nanunuod sila sa sala

"Shh ingay mo" sabi ni mama at napa irap, kita mo tong mga toh hindi man lang ako namiss

"Oh" sabi ko at hinagis ang isang envelope kay mama at agad naman niya itong kinuha at kuminang ang buong mata niya

"Oh my gosh anak I missed you so much" sabi niya bigla kaya inirapan ko na lang siya

"Alis din ako maya maya, kasi mag aasikaso na ako ng bahay ko sa makati, andun kasi malapit yung bago kong work" sabi ko sa kanila at tumango tango naman sila at nagkamustahan na kami, binigay ko naman sa kanila address ko in case na gusto nila tumambay dun or pag may work sila sa area na yun...



Ang daming nag bago sa pilipinas simula nung nawala ako... Mas lumala yung issues HAHAHA. 8 years akong walang balita sa pinas, I mean kahit nga balita dun sa Iceland wala ako alam, dito pa kaya. Habang nakatitig ako sa nakapatay na tv ay may biglang nag doorbell, titignan ko na sana yung camera kaso hindi ko pa pala naseset up yung camera sa tapat ng gate kaya no choice ako kung hindi lumabas taas taas pa naman ng gate, di pwede silipin kung sino asa labas, taas pa ng wall, pinili ko tong bahay na toh kasi mala anti-zombie yung style nung walls sa labas, pero very modern classic yung style sa loob tsaka very minimalist.

"Sino yan?" Takang tanong ko at binuksan ko na ang gate at nakita ko ang isang napaka tangkad na lalake na grabi ang pagka golden tan ng skin, napaka ganda ng skin tone niya para siyang kumikinang, naka tank top lang siya at normal na jeans, naka slippers lang pero naka sunglasses at mask, ang lakas ng dating niya sobra.

"Sino ka?" Medyo mahinhin na tanong ko sa kaniya, at ngumisi naman siya at tinanggal ang mask niya at sunglasses niya... At bigla na lang akong umiyak, as in hagulgol na iyak...

"Oy tahan na aba, baka gusto mong tumigil sa kakaiyak. Parang dati ayaw na ayaw mong may nakakakita sayong umiyak ah, kahit sa akin" sabi ni jan, oo si jan ay pumunta dito sa bahay ko kaya eto nag iiyak ako kasi kahit sa kaniya wala akong connection

"I really thought na kakalimutan mo na ako after kong umalis, tapos uuwi ako dito sa pilipinas na walang babalikan na kaibigan, wala na nga akong jowa wala pa akong kaibigan" iyak ko sa kaniya at niyakap niya lang ako at tinap tap sa likod...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon