6

455 22 0
                                    

"Simon" tawag ko sa kaniya at humarap naman siya agad sa akin kaya inabot ko sa kaniya yung draft ng flow nung storyline sa play namin, magkasama kasi uli yung class namin eh, kaya eto katabi ko siya. Sobrang sweet niya sa akin these past weeks, and hindi na ako masyadong awkward sa kaniya, siguro na sanay na lang ako sa actions niya towards sa akin.

"Sige basahin ko lang" sabi niya sa akin at ngumiti sa akin bago ito basahin, nagulat naman ako ng may kumurot sa braso ko, at nakita ko sa kabilang gilid ko ang papansing nilalang na dapat hindi ko na nakilala

"Ano na naman!?" Iritang tanong ko sa kaniya at umakto siya na wala siyang alam sa nangyayare, kita mo talaga kagaguhan netong nilalang na ito

"Tangina mo!" Iritang sabi ko sa kaniya at napa ngisi lang siya sa akin, agad ko naman tinuon ang pansin ko kay simon na binabasa pa rin ang draft ko

"Draft lang yan, wag mo masyado seryosohin pag babasa" sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa akin at ibinalik sa akin ang papel ko

"Okay naman na siya eh, tanong mo si ma'am kung okay sa kaniya yung ganyang set up, para pwede ka na mag start sa script" sabi niya sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya at tumango tango

"May gagawin ka ba after class?" Sabi niya sa akin at napa isip naman ako, nagulat na lang ako ng hilahin ako ni zion padikit sa kaniya at tinakpan ang bibig ko

"Ay pre di siya pwede pumunta at sumama kung kani-kanino after class, dapat bahay-school-bahay lang yung set up niya sabi sakin ni tita" sabi ni zion at nakita ko naman na medyo nainis si simon sa pag singit ni zion

"Pre pwede naman na siya yung mag sabi sakin" medyo seryosong sabi ni simon, napansin ko naman ang saglet na pag ngisi ni zion at parang binabalak na inisin pa lalo si simon

"Ah hindi pwede pre, kasi masyadong excited toh pag May bagong kakilala sasama ng sasama kung saan saan, tapos mapapahamak. Kaya ako na hihindi sayo para sa kaniya" nakangiting sabi ni zion, umiwas na lang ng tingin si simon, ako naman hindi na nag pumiglas dahil wala din namang silbi at mas malakas sa akin si zion

"Epal ka talaga eh noh" inis na sabi ko kay zion at dahan dahang inilapit ang upuan ko kay simon, humawak naman ako sa braso ni simon at nag cling dito, ngumiti naman ako sa kaniya ng tignan niya ako

"Baka pag bawalan ka uli ng bantay mo" medyo natatawang bulong niya sa akin at umiling iling lang ako sa kaniya...

"So, pwede ba kita ma-invite manuod ng sine or kung ano man minsan?" Tanong ni simon sa akin, andito kasi kami sa library dahil sinisimulan ko na yung script

"Pwede naman, wag mong paniwalaan yun si zion, pang gulo lang yun" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin, binaba ko naman ang ballpen ko at tumingin sa kaniya

"Alam mo masyado kang palangiti" sabi ko sa kaniya at medyo natawa naman siya, baka kasi ang random ng sinasabi ko

"Aano gusto mo? Naka simangot ako?" Natatawang sabi niya tapos tinry niya mag sad face at napangiti naman ako sa kaniya

"I mean everytime na lang na titingin ako sayo, naka ngiti ka" sabi ko sa kaniya at medyo nag lean in siya sa akin, magka harap kasi kami

"Ikaw lang naman kasi nginingitian ko eh" medyo pa bulong niyang sabi, at hindi ko idedeny na medyo kinilig ako, yumuko naman ako dahil sa sure akong namumula na ang buong mukha ko, masyado siyang maharot

"Ano ba" nahihiyang sabi ko sa kaniya at tumawa lang siya sa akin

"Alam mo hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, may gusto ko sayo" sabi niya sa akin kaya agad akong napatingin sa kaniya, at kita ko sa mukha niya na seryoso siya sa sinasabi niya

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon