22

254 8 0
                                    

Andito na ako ngayon sa office at naka tambay ako sa pantry, mamaya pa naman ang alis namin para sumama ako sa shooting ng magazine ni Sai... Ay jusqo inaalala ko pa lang siya naiirita na ako, grabe siya umakto, sobrang spoiled child vibes niya di naman bagay sa kaniya. Hinahalo ko na ang bagong timpla kong kape ng may biglang umagaw nito, bago pa ako makapag alburoto ay huminga na lang ako ng malalim ng makita ko kung sinong kumuha ng kape ko.

"Kape ko po yan." Mahihin pero may diin kong sabi habang naka ngiti, tinignan niya naman ako mula ulo hanggang Paa

"Mas kailangan ko ng kape, manager kita tapos hindi mo man kang ako ibinili ng kape bago ka pumasok" sabi niya at ngumiti naman ako sa kaniya ng sobrang pilit daig niya pa mga feeling diva na na-handle ko, at least yung mga yun binigyan nila ako ng listahan ng do's and dont's, madami man yung naka lista at least di tulad ng isang toh. Ang sarap buhusan ng mainit na tubig jusqo

"9 pa ang sched mo, 9:30 ang hair and make up mo sa studio, 7:56 pa lang. Ang kape mo ay sagot ng magazine, meaning pag punta mo ng studio may kapeng nag aantay sayo, pati madaming snacks" nakangiting sabi ko sa kaniya, sinabi ko pa yan sa tono na parang kumakausap ako ng bata, kita ko naman na medyo nainis siya sa ginagawa ko at umalis na sa harap ko. Nakakagigil siya!!!

"Oh ginagawa mo dyan?" Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa likod ko, nahuli ata akong nag bibigay ng Middle finger habang nag lalakad palayo sa akin si Sai, ngumiti naman ako dito sa napaka tangkad at napaka poging anghel na nasa harap ko na ngayon

"Ay hello, ako pala si Zian, bago lang ako dito, isa ako sa manager at pr staff" pagpapakilala ko sa sarili ko at ngumiti naman siya sa akin, feeling ko nang hina ang tuhod ko sa ginawa niyang pag ngiti, partida hindi ako madaling ma attract or maka appreciate ng itsura ng tao, lalo na ng lalake, sa buong buhay ko si Jan pa lang ang pinaka pogi sa paningin ko, pero ngayon shems

"Ikaw si Arky diba? Yung na cast dahil nang ligtas ka ng bata na muntik na masagasaan ng truck?" Sabi ko sa kaniya at napakamot naman siya sa batok niya na parang nahihiya, tangina, pasensya sa bad word pero shems, di ko kinakaya ang presensya niya

"Sana nga di masyadong ma-mention yan, kasi laging ganyan pagkaka kilala sakin ng tao kesa sa mga project ko" sabi niya sa akin at napangiti naman ako, halata naman sa kaniya na baguhan pa lang siya sa entertainment

"Alam mo, you should be much more proud na kilala ka ng mass dahil sa pag ligtas mo ng buhay ng iba, you know why? Kasi it takes more than talent, and more courage to save someone else's life while putting yourself at risk. Ang acting, singing, dancing.. yang mga yan kayang matutunan yan ng kahit sino, lahat yan kayang gawin ng tao, kasi skills lang yan, pero ang pag save mo sa life ng iba, mindset at personality mo yun, no amount of practice would suffice for that. That heroic event made you on top" mahabang sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin habang nakikinig, I mean I get it nasa spotlight siya pero sa tingin niya hindi siya na aappreciate ng tao sa mga ginagawa niya, kaya feeling niya medyo talentless siya pag dating sa ganitong mga bagay, pero he's looking at it in the wrong way.

"Thank you" sabi niya at bigla niya akong niyakap, napangiti naman ako at tinap tap ko lang ang likod niya

"Thank you talaga, zian" sabi niya sa akin at ngumiti, ng biglang may pumasok sa pantry

"Arky, tara na aalis na tayo" sabi nung manager ata ni arky

"Sige zian, alis na ako, thank you uli" sabi niya at tumakbo na siya palabas kasama ng manager niya kumaway kaway naman ako sa kaniya hanggang sa naka alis na siya

"Girl, Pa proofread daw si Ate Pat" sabi ni samantha, siya yung katabi ko sa cubicle sa pr, si Pat naman yung head ng pr, ayaw nila mag tawagan ng ma'am or miss nakakatanda daw masyado, enough na daw yung ate kesa ma'am, pumunta naman agad ako sa pr room at binasa na yung article na sinend sa akin.

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon