Napa iwas naman agad ako ng tingin, grabe kasi yung tingin sa akin ni Jan... Andito ko ngayon sa bahay niya, at we're currently sitting face to face, i mean yeah nasa magkaibang sofa kami, pero kasi yung position niya. Naka cross legs siya habang yung dalawang braso niya naka dantay sa sofa, para bang inaakbayan niya yung sofa, tapos sobrang seryoso ng tingin niya sa akin, ako naman iwas lang ng iwas ng tingin. Napahinga naman ako ng malalim at bumaba sa sahig at lumuhod sa harap niya, at yumuko ako.
"Sorry" yan lang ang nasabi ko habang naka yuko, at naka luhod sa sahig
"Tumayo ka nga dyan para kang tanga" sabi niya at kinuha niya ang kamay ko at hinila ako patayo, niyakap ko naman siya agad ng nakatayo kami
"Walang magagawa sorry mo, mag explain ka" sabi niya sa akin at bumalik siya sa pagkakaupo, tumabi naman ako sa kaniya at huminga ng malalim
"Iniiwasan kita, kasi ayoko nang maging close sayo..." Sabi ko sa kaniya at inaantay ko yung reaction niya at tumingin agad siya sa akin ng masama at parang gusto niya akong batukan
"I just don't want to disrupt your life, like how I did before. You're already happy with gale, adding myself to the picture acting like nothing happened is just pure selfishness on my side. Ayoko ng guluhin ka, ayoko nang dumepende sayo katulad noon, cause honestly I just thought na kaya ka lang nakikinig sa rants ko kasi tinitiis mo lang ako, na parang ayaw mo lang ma konsensya pag may nangyare sa akin... Na you're only listening to me out of pity" sabi ko sa kaniya and honestly I feel like crying, nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit kaya napayakap na lang ako sa kaniya
"Don't ever think that, never ever think like that again. I did not remain at your side out of pity, you are my everything, you made me happy lalo na pag kasama kita, i really really love you" sabi niya sa akin at niyakap lang ako kaya napaiyak na ako... As in iyak na iyak...
"With all that, hindi kita iiwasan, but don't expect me to come running to you like I did before, I'll tell you some things about me when its happening or when it happens, but not like before." Sabi ko sa kaniya at huminga siya ng malalim at inakbayan ako
"Believe me, there's nothing wrong with you going to me like you used to, if anything that would make me feel at peace, but if that's what you want, then so be it, pero if ever na need na need mo ng someone, tawagan mo lang ako, ako na pupunta sa bahay mong 10 steps lang from here" sabi niya at ngumiti naman ako sa kaniya
"So what's with you and our boss? I saw that holding hands and akbayan moments, actually we, yung ibang artist nakita din yun" sabi niya at napasapo naman ako sa noo, I mean wala naman ako pake kasi wala namang masama sa ginagawa namin, sobrang judgemental lang talaga ng mga tao kaya medyo nakaka conscious
"Well wala namang something sa amin, its just that for some reason bigla na lang kaming naging close, like super close, actually now that I think about it, we're sort of close the way we were in highschool, kaya I'm very comfortable with him" sabi ko sa kaniya, kasi totoo naman I feel very comfortable with sky, which is kinda weird since it takes a long time for me to get comfortable with someone, specially with a man. I am attracted to men, but I hate them all, so it will take some great feats before I recognize a man, special case lang si Zion kasi di ko pa rin ma explain ba't ako nagka gusto sa kaniya, apaka random niya di ko naman siya type, mas type ko pa nga si Jan pero di ako nagkaka gusto sa kaniya, pati si Sky, type ko siya pero I'm not attracted to him. Nagulat naman ako ng makita kong nakatingin ng masama sa akin si Jan.
"Iniwasan mo na nga ako, pinagpalit mo pa ako, tsk!" Sabi niya sa akin at inirapan ko naman siya at biglang dumating si gale
"Ayan bati na kayo, buti naman. Baka kasi bigla na namang mang gising yan ng madaling araw tapos sasabihin "miss ko na si zian, ayos lang kaya siya?", Nako mas mahal ka pa niyan sa akin" sabi ni gale at dumeretso na sa taas, napatingin naman ako kay Jan, dahil its all very new to me, to know that someone actually concerns himself with me, someone cares for me
BINABASA MO ANG
My Neighbor Enemy
Teen Fictionkaaway sa street kaaway sa school kaaway kung saan saan Ang kabaliktaran ng childhood friend... Childhood Enemy