28

241 9 0
                                    


"Zion ano ba yan, bumalik ka na nga sa bahay mo" sabi ko sa kaniya, rest day ko kasi kaya stay at home ako ngayon, mukhang galing pa tong lalakeng toh somewhere naka porma eh, busy akong nanunuod dito ng TV ng bigla na lang pumasok ng bahay ko si zion, palibhasa sinilip niya yung password ko sa pinto eh

"Trespassing ka" sabi ko sa kaniya at sinundan ko siya ng tingin, bigla naman siyang dumeretso sa kusina kaya napa sapo na lang ako sa noo at tinuloy ang panunuod

"Ba't ba andito ka?!" Iritang sabi ko sa kaniya at lumabas siya ng kusina na sandamakmak ang dalang chips at biscuits, tsaka siya tumabi sa akin

"Wala ako shooting today eh" sabi niya na ikinapagtaka ko, dalawa dalawa kasi series niya ngayon kaya parang imposibleng magkaruon siya ng restday

"Yung web series, 1 month pa lang tapos na naming i-shoot kasi wala namang naging aberya, tsaka nabago contract namin, pag na release na yung series next month, tsaka pa lang kami mag start ng every week na promotion, ngayon puro trailer pa lang meron tsaka tapos na kami sa mga commercials at ads. Postponed yung shooting namin dun sa drama ko, kaya next week na uli kami mag start" sabi niya sa akin at napa tango tango lang ako sa kaniya kunwari may pake ako sa sinasabi niya

"Kamusta naman ang pag acting sa BL?" Takang tanong ko sa kaniya at napa isip siya... Ano kayang sasabihin niya? Sasabihin niya kaya kung gaano ka-uncomfortable na lalake ang partner niya, na nandidiri siya kapag may skinship sila nung partner niyang lalake... Kasi may mga actors ako na kilalang ganun eh, yung sumikat sila sa BL series nila tapos after ng series nila biglang nilabas na homophobic talaga sila tapos parang nag suffer pa yung partner nila sa drama, sa isa kong pinanuod na BL, na balitaan ko dapat pala may 12 to 13 kissing scenes sila sa buong series pero naging isa na lang kasi hindi daw kaya nung "Top" kasi nakakadiri daw, tapos nahirapan yung partner niya sa kaniya kasi ang arte niya tapos parang may bullying na involved pa daw kaya sobrang suffering naranasan nung isa. I mean I understand naman sila to the point na they're just in there for the money, but still bakit pa sila nag audition for that series kung ganun lang din pala mga iaakto nila after, idadamay pa nila yung partner nila sa series.

"Kung ano ano na naman iniisip mo wala pa nga akong sinasabi" sabi niya sa akin at bigla niyang kinurot ang pisngi ko, sinamaan ko naman siya ng tingin

"Okay naman, pero baka hindi magustuhan ng fans, kasi sobrang ikli lang dahil limited budget lang daw meron ang buong series kasi web series lang naman daw siya kaya naasa sila sa sponsorship at sa mga platforms na kukunin ang series nila" sabi niya sa akin, yeah sadly ganun kadalasan sa mga BL series na nag eexist, unlike kasi sa thailand na nakakapag air sila ng BL sa local TV, tapos tanyag na entertainment company and multi media company yung nag poproduce ng mga bl, sa ibang bansa like korea for example, yung BL series nila very short lang in terms of time per episode and quantity ng episode. Kasi a huge percentage ng budget nila napupunta sa staff, tapos sa actors, kaya umaasa sila sa sponsors talaga, tsaka sa mga streaming platform na kukunin ang drama nila.

"We still can't produce kasi ng full length series, kasi hindi naman natin siya pwede i-air sa local TV, i mean kaya naman and pwede, its just that kakaunti ang gustong mag risk, lalo na sa safety ng actors from "conservatives" and religious fanatics/extremists. Philippine is still not a safe place for people like me." Sabi ko sa kaniya at tinap niya lang ako sa ulo ko at ngumiti sa akin

"Let's go" sabi niya sa akin bigla at tumayo siya sa harap ko, tumingala naman ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano na namang iniisip nito

"Saan? Ayoko kumilos" sabi ko sa kaniya at umiling iling siya at bigla niya akong hinila patayo

"Zion, wala ako sa mood umalis, if gusto mo umalis go" sabi ko sa kaniya, wala kasi talaga ako sa mood na umalis, atsaka i've always been like this, I'm a homebody, I rarely go out, kasi i prefer talaga na sa bahay lang ako naka hilata, lalo na ngayon na working na ako, kaya ang rest day ko ay for tulog or tunganga sa bahay. Huminga naman siya ng malalim at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko, napatingin naman ako sa kaniya at ang seryoso niyang naka tingin sa tv

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon