"Sorry" nagulat ako ng may biglang mag salita sa likod ko, kaya agad akong napalingon at nakita si Jan na nakatayo sa likod ko, umupo naman siya sa tabi ko at niyakap ako"Alam kong si Sai lang ang focus ng galit mo, pero natamaan din ako sa sinabi mo. Sorry for being mad at you that time" sabi niya sa akin habang nakayakap sa akin, sinamaan ko naman ng tingin si Sky
"Yahh, sky- I mean sir, sana man lang sinabi mong may tao sa likod ko diba" inis na sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako
"Ibahin ang topic, I can't rant and vent sa harap ng dalawang lalakeng marunong makinig, mamaya pag tulungan niyo pa ako sa mga sasabihin niyo" sabi ko sa kanila at inopen ang can ng beer na binili ko, iinumin ko na sana yun kaso biglang hinablot sa akin ni Jan iyon at ininom
"Umuwi ka na, tapos na din naman sa set si Sai" sabi ni sky sa akin at napa irap na lang ako sa kaniya
"Ba't pala andito ka?" Takang tanong ko kay Jan, inubos naman niya agad yung beer bago humarap sa akin
"Di mo man lang alam? Actor din ako dito, kapatid ako ng bida" sabi niya at napa peace sign na lang ako sa kaniya, hindi ko kasi pinagka abalahang malaman yung information ng drama since cameo lang naman si Zion dito, tsaka badtrip talaga ako
"Tara hatid na kita sa sakayan" sabi ni sky at tumayo na kami
"Sige balik na ako sa set" sabi ni jan at nag babye sa akin bago tumakbo pabalik sa set, at nag simula na kami mag lakad ni Sky
"Ano na nangyayare sa inyo ni Moon mo?" Takang tanong ko sa kaniya at nakita ko naman na nag iba mood niya at napa hinga siya ng malalim at inakbayan ako
"Well, I don't know, kahit halos lagi akong nasa set niya parang walang nag babago sa situation namin, sobrang professional, boss at employee yung relationship namin, pag kausap ko siya, di ako makapag salita ng casual lang sa kaniya, awkward pa din ako sa kaniya... And parang may boyfriend ata siya" mahabang kwento niya sa akin at napa ngiti naman ako sa kaniya, awkward pa din silang dalawa sa isa't isa, sobrang obvious na may gusto sila sa isa't isa
"Hindi yun mag jojowa ng basta basta, selos ka lang talaga" sabi ko sa kaniya at napakamot naman siya sa batok, at umupo kami sa waiting shed, nakita ko naman na may ginawa siya sa phone niya saglit, at tumingin sa akin
"Sobrang selos nararamdaman ko kapag may nakakausap siya ng casual lang, iniisip ko na sana ganun din kami" sabi niya sa akin at napangiti naman ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya
"You don't have to act quickly. Mag hanap ka ng mga time na magiging kayo lang dalawa, then use that short time para kausapin si Artemis about mundane things, like okay lang ba co workers niya, or kamusta yung araw niya, very simple questions lang, ulit ulitin mo yung pagkausap sa kaniya, and make it less about work if possible. If may mga random questions ka sa kaniya ask him if its okay to ask that, like favorite food niya, MBTI niya, kahit alam mo na yung sagot itanong mo pa din, kasi its better to know something about someone kung sa kaniya mismo mang gagaling" sabi ko sa kaniya at ang loko nag take notes kaya natawa ako ng bahagya
"Kita mo tayo, nagkaroon lang tayo ng konting alone time sa pantry tapos kung ano ano na napag usapan natin hanggang sa eto na tayo. If you can't find any time to be alone with him, create it. Pag break time nila, pag di niya scene, utusan mo manager niyang umalis saglit, kunwari papabilhin mo food or may ipapakuha ka, tapos lapit ka na kay Artemis tapos makipag usap ka na" sabi ko pa sa kaniya at may biglang tumigil na sasakyan sa harap namin
"Ayan na Uber mo, bayad na yan wag ka mag alala, sige na umuwi ka na para makapag pahinga ka na, salamat for today" sabi niya sa akin at pinag buksan ako ng pinto ng kotse at sumakay na ako dito
BINABASA MO ANG
My Neighbor Enemy
Teen Fictionkaaway sa street kaaway sa school kaaway kung saan saan Ang kabaliktaran ng childhood friend... Childhood Enemy