10

351 16 0
                                    

"Sorry kanina" sabi ni zion habang hawak ang kamay ko, papasok na sana ako ng bahay ng hawakan niya ang kamay ko

"Bakit? Anong meron?" Maang maangan kong tanong sa kaniya at huminga naman siya ng malalim at lumapit sa akin

"Ilang beses na ba nangyare sa atin toh? Alam ko kung nag babago na ang tono mo, alam ko kung may nagawa akong mali depende sa boses mo, alam ko yung mga tingin mo pag may hindi ka gusto sa ginagawa ko" sabi niya sa akin at napangiti naman ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya

"Wala yun, nawala lang talaga ako sa mood" sabi ko sa kaniya at pumasok na agad ng bahay baka kasi may kung ano pang masabi yan baka mag emote ako bigla

"Sabihin mo lang sakin pag di mo gusto yung ginagawa ko, para alam ko exactly yung ayaw mo" sabi niya ng makapasok na siya, dumeretso naman siya ng kusina, tinanggal niya ang bag na dala niya at inilagay ito sa table, bigla naman niyang hinubad ang uniform niya pati ang sando niya, umiwas naman agad ako ng tingin at pumunta na sa kwarto para mag palit ng damit.

Kitams? Dati wala naman akong pake kahit naka brief or boxers lang yan na nalabas ng banyo, ngayon na awkward na ako kahit shirtless lang siya, sa susunod maco-conscious na ako pag nakikita niya ako. Bigla naman bumukas ang pinto ko at andun si zion, naka apron na siya ngayon at boxers lang ang suot niya

"Mag luluto ako, ikaw na bahala mag timpla sa gusto mong lasa ah" sabi niya sa akin at tumango tango lang ako, at bumaba na siya, tinapos ko naman agad ang pag bibihis at bumaba na para humiga sa sofa.

"Zian may kausap ako ngayon..." Sabi niya sa akin, napahinga naman ako ng malalim at tumingin ako sa kaniya

"Anong gusto mong gawin ko?" Matamlay kong tanong sa kaniya, ewan ba bigla na lang akong nanghina at nawala sa mood, yung tipong lahat ng natitirang energy sa katawan ko nawala

"Alam mo, wag mo kong idamay sa buhay mo, hindi naman tayo ganun ka close kung tutuusin, kaya kung babaeng yan ay ayaw sakin, okay lang, as long as wala siyang gawin sakin, ituloy mo relasyon mo sa kaniya kahit ayaw niya sa akin, hindi naman ako malaking parte ng buhay mo para maging sagabal sa relasyon mo sa iba. Pero sa oras na May gawin sakin yan na hindi maganda, i-expect mo na kahit babae yan hindi ako mag dadalawang isip na ulitin yung ginawa ko dun sa hayup na lalakeng yun" mahabang sabi ko sa kaniya dahil ang tagal niyang sumagot at nakatingin lang siya sa akin, binaba niya naman ang utensils niya at huminga ng malalim

"Zian, alam kong lagi tayo mag kaaway, pero nasasaktan din ako, lalo na pag sinasabi mong hindi tayo ganun ka-close, kahit halos bangayan ang ganap natin, may pinag samahan pa din tayo. Panong close pa ba gusto mong mangyare?" Medyo irita niyang sabi habang naglalakad palapit sa akin... Di ko alam, hindi ko na realize, hindi ko napansin, na ganyan pala siyang tao... Napangiti naman ako at tumayo ako sa harap niya

"Sorry" nakangiti kong sabi at niyakap siya, di ko alam na may sensitive na side din pala siya, kasi never ko siyang narinig na mag salita ng ganito, usually ako lang lagi ang nasasaktan sa mga sinasabi niya sa akin eh, usually siya ang nag so-sorry sa akin, kasi pag naiinis siya sa akin usually about sa pananakit ko sa kaniya ng pisikal... Pero for some reason ang saya ko, ang saya na malaman na may ganito siyang side, na for the first time sa buong pag sasama namin, May nalaman ako tungkol sa kaniya... Niyakap naman niya ako pabalik at diniin ako sa kaniya

"Pero, ganun pa din sasabihin ko sayo, okay lang na ayaw sa akin ng magiging jowa mo, as long as wala siyang gawin sa akin." Sabi ko sa kaniya, at huminga naman siya ng malalim at ramdam ko sa buhok ko ang pag hinga niya, dahil sa posisyon namin ngayon, rinig ko ang tibok ng puso niya, at sobrang komportable sa pakiramdam ng yakap niya

"Ikaw ang standard ko, ikaw ang nag iisang aspect sa buhay ko that I'll never compromise. Pag dating sayo walang adjustment na magaganap." Sabi niya sa akin at mas hinikpitan ang pag yakap sa akin, maybe I have feelings for him... Maybe matagal na akong May gusto sa kaniya ayoko lang aminin sa sarili ko, kasi even though nasaktan na ako dahil kay simon, alam ko sa sarili ko na mas magiging masakit pag siya ang nawala sa akin... Kaya mas okay na, na ganto na lang kami, away bati.

"Tama na ang drama, kumain ka na diyan" sabi ko sa kaniya at humiwalay na sa yakap, nagulat naman ako ng hawakan niya ako sa balikat at hinalikan ako sa noo, ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko, bumalik naman na siya sa table at ako ay nahiga na sa sofa.

Zion... You're the one I want, but can't have... Smile the pain away, that I'll do...

"Zian, gising na" rinig kong sabi sa akin ni zion, dinilat ko naman ang mga mata ko at nakita ko siyang naka ngiti sa akin, at naka uniform na.

"Bangon ka na dyan, baka ma-late ka" sabi niya sa akin habang hinahawi ang buhok ko at inipit iyon sa likod ng tenga ko, ngumiti naman ako sa kaniya at bumangon na

"Sige na mag aayos na ako, antayin mo na lang ako sa baba" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin at ni-rub ang buhok ko bago tumayo at lumabas ng kwarto, dumeretso naman na ako agad sa banyo at nag ayos na ng sarili. Pagbaba ko ay agad din kaming umalis para pumasok.

"Jan, ikaw ang may kasalanan nito" bungad na sabi ko kay jan, andito kasi kami pumwesto sa pinaka likod ng room, tutal wala kaming klase dahil wala ang teacher namin, tumingin naman siya sa akin ng nag tataka

"Ano na namang ginawa ko?" Takang tanong niya sa akin at hinampas hampas ko siya sa braso at tumawa lang ang loko

"Dahil sayo, kung ano ano nang pumapasok sa isip ko about kay zion" mahinang sabi ko sa kaniya habang tumitingin tingin sa paligid, baka kasi may ibang maka rinig eh or worse biglang sumulpot si zion, nag taka naman si jan sa kilos ko

"Bakit? Anong meron?" Sabi niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin, nagkibit balikat lang naman siya at napa hinga ako ng malalim

"Ng dahil sayo, na amin ko sa sarili ko na may gusto ko kay zion" mahinang sabi ko sa kaniya at ang loko nanlaki pa ang mata sa gulat at nag takip ng bibig, hinampas ko naman siya sa balikat dahil apaka peke ng reaction niya

"Alam ko naman eh, matagal na. Halata ko naman eh, in denial ka lang talaga" sabi niya sa akin at huminga ako ng malalim at umiling iling

"Hindi sa in denial lang ako, it's just that once kasi na i-admit ko sa sarili ko yung fact na yun, madaming mag babago, lalo na sa pag tingin ko sa kaniya. Lalo pa akong masasaktan, dahil sa sitwasyon namin, on and off kami sa bangayan namin, tapos sobrang negative ng chances na ma reciprocate yung feelings ko" sabi ko sa kaniya at tumango tango naman siya sa akin at tinap tap ang balikat ko

"Andito naman ako, I'm willing to be your crying shoulder" sabi niya habang naka ngiti, inirapan ko naman siya kasi napaka cheesy niya masyado

"Tsaka nasabi niya sa akin, na may kausap siya..." Sabi ko sa kaniya at hinawakan niya ang kamay ko, at huminga ng malalim

"Well, wala naman tayong magagawa eh. Hindi kita kayang tulungan sa ganyan bagay, pero you know andito lang ako para sayo, nasa iisang village lang naman tayo nakatira, literal na tatakbuhin kita kung kailangan mo ko, or kaya ikaw na lang tumakbo papunta sa akin, minsan tinatamad ako tumayo ng kama eh" sabi niya at natawa ng bahagya sa huli niyang sinabi

"Pag wala ka pa jowa, ako na lang jowain mo" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya at tumango tango

"Tatanda tayong magkasama, wag kang mag alala" sabi niya sa akin at napangiti naman ako

"Tara ikain na lang muna natin yan" sabi niya sa akin at tumayo na, hinila naman niya ako at sumunod na lang ako sa kaniya. Pag dating namin sa isang cafe sa loob ng school ay agad kaming umupo

"Order ka kahit ano, libre ko" sabi niya sa akin at ngumiti naman ako sa kaniya at tinignan na ang menu

"Large Iced Americano, tsaka dark choco coffee cream cake" sabi ko sa kaniya at tinawag na niya ang waiter at umorder na, tumayo naman siya para kumuha ng tissue

"Uy zian" rinig kong tawag sa akin mula sa likod ko, hindi na ako lumingon dahil kilala ko na kung sino yung tumawag sa akin, nagulat naman ako na parang nag mamadaling umupo sa tabi ko sa jan, at hinawakan ang kamay ko

"Zian, eto nga pala si Mariela" sabi ni zion nang maka pwesto na sila sa harap ko, tumingin naman ako saglit kay jan at tumango lang siya sa akin

Kakaamin ko pa lang sa sarili ko... Eto agad hinarap sa akin...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon