2

744 25 0
                                    

"Oy ano pang tinutunganga mo dyan, tara na, isasabay ka na nga ang bagal bagal mo pa kumilos" bulyaw sakin ni zion, pinayagan na kasi siyang dalhin at gamitin yung motor nila pag papasok sa school, eh nakita ko yung nanay ni zion sa kusina kanina, sinabihan pala niya si mama na pag sabayin kami ng pagpasok para bawas pamasahe ko daw at para hindi daw masyadong aggressive mag motor si zion, so ayun kinausap nila si zion, ang mokong oo lang ng oo kanila mama, tapos ito tuloy ako ngayon binubwiset nitong mokong

"Tangina mo mamatay ka na, mauna ka na hindi kita kailangan" bulyaw ko sa kaniya pabalik nagulat naman ako ng binato ako ni mama ng basahan at binatukan ako

"Oy bunganga mo umagang umaga, atsaka sumabay ka na kay zion, magkano din pamasahe mo balikan sa school noh, ayaw mo nun madadagdagan ipon mo" sabi sakin ni mama at napa irap na lang ako sa kaniya, alam niya kasi na one time big time ako gumastos, iniipon ko lahat ng allowance ko, tapos gagastusin ko lahat sa isang araw, halos twice a year lang kasi ako gumala, kaya pinag iipunan ko talaga gala ko

"Kasama sa budget ko ang pamasahe kaya hindi siya kawalan" sabi ko kay mama at napa iling iling na lang siya sa akin at lumabas na ng kwarto ko, bigla namang pumasok si zion, kung makapasok toh sa bahay kala mo kapamilya ko eh

"Taeng tae ka ba, hindi naman tayo malelate napaka mo" iritang sabi ko sa kaniya at inakmaan niya naman ako ng suntok, bago umupo sa kama ko

"Oh ano toh, papanoorin mo ko mag bihis?" Sabi ko sa kaniya at ang mokong ngumisi lang at tumango tango, hinagis ko naman sa kaniya yung towel ko na sumakto sa mukha niya, naka underwear naman ako eh. Hindi sa maganda katawan ko, or sa proud ako sa katawan ko, alam ko namang panget katawan ko, pero wala kasi akong pake, kaya okay lang sakin makita ako ng iba na naka underwear lang. Nakita ko naman si zion na sinara yung kurtina ng mga bintana ko at parang inis na tumingin sa akin.

"Mag madali ka na" sabi niya sakin at iniwan ang isang helmet sa kama ko, bago lumabas ng kwarto ko at bumaba, syempre mapang asar din ako kaya I took my time sa pag aayos...

"Wag ka masyado mabilis" seryosong sabi ko sa kaniya, kaya lang naman toh di pinabayaan mag motor papasok ng school, kasi nasemplang na toh noon eh, katangahan kasi, alam na basa ang daan nagpatakbo pa ng mabilis. Nagulat naman ako ng mabilis niya itong sinimulan at biglang prumeno ng malakas, na naging dahilan ng mahigpit na pag yakap ko sa kaniya, narinig ko naman ang malakas na pag tawa niya na ikinainis ko

"Tangina mo" badtrip na sabi ko at bababa na sana ako ng motor ng hawakan niya ako sa hita at humarap siya sa akin

"Joke lang, sige na kumapit ka na, baka malaglag ka" sabi niya sa akin at umayos na lang ako ng pagkaka upo at kumapit sa handle sa likod ng upuan ko

"Sakin ka na kumapit" sabi niya at agad na kinuha ang kamay ko at iniyakap ito sa kaniya.

"Promise di ako magmama bilis, basta kumapit ka ng ayos" sabi niya sa akin at tumango na lang ako sa kaniya dahil naninibago ko sa kaniya ngayon, ang hinahon niya ako kausapin bigla...

"Jan may napapansin ka bang kakaiba kay Zion?" Takang tanong ko sa kaniya habang pinag mamasdan si zion makipipag kulitan sa mga tropa niya, tumingin naman ako kay jan na nakatingin din kay zion

"Wala naman, bakit anong meron?" Takang tanong sakin ni jan, bumalik naman ang tingin ko kay zion, na bigla na lang kumaway sa akin, kakaway na sana ako kaso may biglang dumaan na babae sa gilid ko na nakaway din...

"Sasabihin ko sana, parang nagiging mahinahon sa pakikipag usap sa akin si zion these past few days, although iniinis pa rin niya ako, may mga biglaang times na kakausapin niya ako ng seryoso at mahinahon, at ngayon parang alam ko na kung bakit siya ganun" sabi ko kay jan at napa tango tango lang siya sa akin, bigla namang papunta samin si zion kasama yung babae kanina, agad naman akong tumalikod at hinila si jan

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon