5

475 20 0
                                    

"Ayaw ni chelsea na kasama kita, kaya dapat daw layuan kita" naalala ko pa rin yang sinabi niyang yan, like the heck lakas ng loob niya na sabihin pa sa akin yan, as if namang may pake ako, atsaka napaka demanding naman ng jowa niya. Bakit? Threatened ba siya sa akin? Atsaka hello, si zion ang jowa niya, okay pa sana kung si Mark Henz Sarmiento yung jowa niya, aba kabahan talaga siya sakin kasi aagawin ko talaga yun, pero may asawa na yang si Sarmiento eh, tsaka 2018 pa yung last na appearance niya sa mga movies and series, nagka asawa na kasi. Anyways, tumingin naman ako sa kaharap ko na wala nang ibang ginawa kung hindi guluhin ang buhay ko

"Oh kala ko ba iiwasan mo na akong gaga ka? Eh ba't andito ka!?" Iritang sabi ko kay zion, nasa canteen kasi ako at bigla na lang siyang sumulpot kung saan

"Tingin mo talaga lalayuan kita dahil lang sinabi ng jowa ko? Na ex ko na ngayon para lang alam mo" sabi niya ikinapag taka ko, pano kasi nung sinabi niya sa akin yung nung nakaraan, sabi niya iiwasan niya na ako, at ang epal umalis nga at dun natulog sa bahay nila that night, eh wala naman akong pake, atsaka dun natulog sa kwarto ko si kuya gray nung gabi din na yun... Pero tangina kinabukasan, tinalunan ako niyan habang natutulog pa ako, at ayun ginulo niya na uli ako.

"Alam ko namang matagal ka na may gusto sakin, pero jinowa mo na yun eh, hindi porket nag selos sakin jowa mo makikipag hiwalay ka na, ano ba, ako lang toh" maharot na sabi ko at ang lalakeng ito humagalpak lang sa tawa, na ikinainis ko kaya binato ko siya ng tinapay, pero pagka bato ko sa kaniya nung tinapay ay natabig ko yung inumin ko at dumeretso sa kaniya ang tapon nito

"Hala sorry" sabi ko sa kaniya at agad na kinuha yung panyo ko, tumayo naman siya at lumapit ako sa kaniya, pinunasan ko naman agad ang part na natapunan nung juice ko, ang lagkit pa naman nun pag medyo natuyo na, kulay pula pa yung drink ko kaya mag stain talaga siya

"Oy okay na tigilan mo na yan" sabi ni zion na para bang nahihiya, napatingin naman ako sa kaniya ng nag tataka kaya napatingin ako sa parte niya na pinupunasan ko... Hindi ko napansin agad... Kasi medyo mahaba yung uniform niya, kaya hindi ko alam na... Yung sensitive part niya pala yung natapunan, kala ko yung uniform lang yung pinupunasan ko...

"Sorry hehe" sabi ko sa kaniya at napakamot naman siya sa batok niya at bumalik na lang ako sa pagkaka upo, at nilinis yung kalat ko

"Palit lang ako ng damit" sabi niya sa akin at tumango tango lang ako sa kaniya bago siya tuluyang tumakbo papaalis, pagka alis naman niya siya namang pag lapit ni jan samin, na mukhang ngayon lang nag break

"Kayo ah, tapang niyo naman, sa gitna pa kayo ng canteen nag himasan" natatawang sabi ni jan na ikinainit ng mukha ko kaya feeling ko sobrang pula na ng buong mukha ko

"Hindi ko naman namalayan eh" sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako at umupo sa tapat ko.

"Ay oo nga pala, akala ko ba iiwasan ka na niya, kasi nag seselos sayo yung jowa niya?" Takang tanong ni jan habang nakain, sasagot na sana ako ng makabalik na si zion at umupo sa tabi ko, feeling ko naman narinig niya yung tanong ni jan

"Wala eh, ayoko sa lahat yung pinapalayo ako kung kanino dahil lang sa insecure siya, kaya nakipag break ako" walang ganang sabi ni zion at inirapan ko na lang siya, napa tango tango naman si jan sa kaniya

"Eh bakit ba siya nag seselos sa akin? Wala naman akong gusto sayo" takang sabi ko kay zion, nag lean in naman si jan sign na gusto niyang marinig ng maigi yung pag uusapan namin ni zion

"Ewan, sabi niya kasi daig mo pa daw siya pag kasama ako, buti ka pa daw pinapatungan ko, at tinatabihan matulog, akala niya pa may nangyayare sa atin pag mag kasama tayo" sabi ni zion na para bang wala lang sa kaniya yung mga assumptions na yun sa akin, ako naman ay nag iinit ang mukha dahil sa inis at hiya sa pinag iisip nung babae niya

"Hindi ba parang inaamin mo na totoo lahat yung iniisip niya by breaking up with her? Parang prinove mo lang na totoo yung assumptions niya" sabi ni jan na mas ikinapula ng mukha ko, kung ano ano na kasing imahe napasok sa isip ko eh

"Ewan ko sa kaniya, pero sinabihan ko siya, na never mangyayare yung iniisip niya samin dalawa kasi kung May chance baka patayin ako nitong si zian sa pagka hate niya sa akin" sabi ni zion at napatango tango naman si jan sa kaniya, tumingin naman sa akin si zion kaya agad ko siyang piningot sa ilong at bigla naman niya akong piningot sa tenga

"Pano kung ipagkalat niya sa iba yung mga assumptions niya tapos sabihin niya na umamin ka na ganun tayo? Tangina kasi kung sino sino hinaharot mo eh" iritang sabi ko sa kaniya at binitawan na siya at ganun din ang ginawa niya sa akin

"Eh ano ngayon? Para namang May crush ka dito para ingatan single image mo" sabi ni zion at napa isip naman ako, I mean yeah wala naman akong crush dito, at medyo wala din naman akong pake sa maging image ko dito sa school

"Eh pano kung makarating sa mga teachers? Edi baka ma expel ako dito" inis na sabi ko sa kaniya at hinampas hampas siya sa braso

"Oa mo, di naman pwede makielam ang mga teachers at faculty sa buhay ng students outside ng school, beyond na ng paycheck nila yun" sabi ni jan at nag agree naman itong mokong na ito

"Ay zion, bantay bantayan mo pala itong si zian, binabalak landiin niyan si simon" sabi ni jan at binato ko naman siya ng straw, apaka daldal naman nitong lalakeng toh

"Ah kaya pala tagong tago na ang phone, nagka password na phone niyan eh" sabi ni zion at sinabunutan ko siya, at tinawanan lang nila ako...

"Pano kung ma-fall ka dyan kay simon?" Biglang tanong ni zion, andito kami ngayon sa sala at nanunuod ng Wednesday, hininaan niya naman ang volume ng TV at humarap sa akin

"Ewan, wala naman akong experience sa ganitong bagay eh" seryosong sabi ko sa kaniya, I mean totoo naman eh wala akong experience sa mga ganitong bagay, ang only reference ko lang is yung mga napapanuod ko, lalo na nanunuod ako ng BL series, pero I know naman na far from reality yung mga yun, and its kind of rare for some people na magkaruon ng significant partner kahit sobrang dami ng iba na meron. Lalo na sa case ko, gay ako, nasa homophobic country ako, the only reason kung bakit tingin ng ibang country na LGBTQ friendly ang Pinas dahil sa dami ng gay celebrities dito, but that's just it, most people, specially older people only tolerate gay people kasi entertaining sila, we're like a specific brand of entertainment, parang lahat tuloy ng gay people sa paningin ko, dito sa bansa, people pleaser, although thankfully medyo naiiba na yung stereotypes sa mga gay, and dahil sa new gens mas nagiging open ang socmed sa diversity. But anyways, its still hard, specially for me na hindi naman friendly, at hindi rin pleasant ang ugali, para magkaruon ng relationship.

"Wag ka lang talagang saktan niyan" rinig kong bulong ni zion at kita ko ang inis sa mata niya, napangiti naman ako, maya maya pa ay nakaramdam ako ng antok at humiga ako saglet sa sofa.

Naalipungatan ako ng mga bandang madaling araw at napansin ko na nasa kwarto na ako, umiba naman ako ng pwesto at nakita kong katabi ko si zion, at sa braso niya ako nakahiga, hihiwalay na sana ako ng bigla niya ako hilahin palapit sa kaniya at niyakap.

"Matulog ka na" medyo pabulong niyang sabi at sobrang raspy ng boses niya...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon