7

451 19 0
                                    


"Kuya si Zian may manliligaw na" sabi bigla ni zion habang mag kakasama kami na kumakain sa sala, nabilaukan naman ako at inabutan agad ako ng tubig ni kuya gray, pero tinignan niya ako ng masama, agad ko namang ininom yung tubig at hinampas ng malakas si zion sa braso at tumawa lang ang mokong

"Anong sabi ko sayo about dyan sa jowa jowa na yan ha?" Sabi sa akin ni kuya gray at ibinaba ang kutsara at tinidor niya sa plato, napa iwas naman ako ng tingin sa kaniya

"Wag agad mag jojowa, lalo na kung under 20 pa at hindi graduate ng highschool" sabi ko sa kaniya at tumango tango naman siya sa akin

"Nanliligaw pa lang naman eh" dahilan ko sa kaniya at umiling iling siya sa akin at nag cross arm pa, nakita ko naman na nag eenjoy si zion sa nasasaksihan niya

"Eh bakit yang si zion? Nagka jowa nga siya last last week eh, tapos nag break din sila. Ilang araw niya nga akong hindi sinamahan papasok at pauwi kasi lagi niyang kasama yung babae" reklamo ko naman kay kuya gray at tinignan naman ni kuya gray si zion ng masama, napakamot naman si zion sa batok niya at inakmaan ako ng kamao niya, at nag belat ako sa kaniya

"Zion, hindi porket lalake ka mag jojowa ka na lang ng basta basta, pag ikaw binalikan ng karma tignan mo, ikaw masasaktan sa huli" sabi ni kuya gray at tinawanan ko lang si zion, at tumingin naman sa akin si kuya gray kaya tumigil din ako sa pag tawa...

"Ang daldal mo eh noh" biglang sabi ni zion pagka pasok niya sa kwarto ko at inirapan ko naman siya at binato ng unan

"Oh ba't andito ka? Dun ka matulog sa baba epal ka" bulyaw ko sa kaniya at bigla niya ako hinampas ng unan kaya agad akong tumayo at tinry din siyang hampasin

"Ikaw naman may kasalanan ba't kami nag break noh" sabi niya sa akin at tinawanan ko siya ng malakas

"Aba kasalanan ko bang threatened yang babaeng yan sa akin? Bakla na nga ako takot pa sa akin" malakas natawa ko sa kaniya at bigla niya naman ako hinampas ng una na ikinagulat ko kaya natamaan ako at napahiga ako sa kama, bigla namang pumatong sa akin si zion at kiniliti ako ng kiniliti

"Fuck tama na" natatawang sabi ko habang tinutulak siya paalis sa akin at maya maya lang ay tumigil na siya at humiga sa tabi ko, hingal na hingal naman ako dahil sa kakatawa at nakita kong tumingin siya sa akin kaya humarap ako sa kaniya habang hingal na hingal pa rin

"Naisip ko lang, galit ka ba sa akin, kasi ako yung reason kung bakit nag break kayo ng girlfriend mo?" Seryosong tanong ko sa kaniya ng makahinga na ako ng maayos, ngumiti naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko

"Hindi, at okay nga na nag break na kami habang maaga pa eh, hindi ko naman akalain na ganun pala tingin niya sayo" sabi niya at nag taka naman ako sa kaniya, kasi ang sabi niya lang na reason ng break up nila ay yung mga actions namin sa isa't isa

"Basta mas okay na kung di mo malaman, kung ano ano sinabi niya about sayo, at hindi ko kaya na sabihan ka niya ng ganun... Kasi gusto ko ako lang mag sasabi ng mga masasakit na bagay sayo, like ang panget mo, or kaya ang baho mo" sabi niya at kala ko magiging sweet siya sa akin pero putek kung ano ano pa sinabi panira ng moment hinampas ko naman siya sa dibdib niya at inirapan ko siya

"Eh yang kay simon, seryoso ka ba dyan?" Seryosong tanong niya sa akin, napa hinga naman ako ng malalim dahil naalala ko na naman yung narinig kong sinabi ni simon sa kaibigan niya, at sobrang saya niya tignan habang kausap niya yung kaibigan niya about sa akin, napa ngiti naman ako

"Hindi ko sure" sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya na ito itinuloy

"Basta, andito lang ako" sabi niya sa akin at napangiti naman ako sa kaniya at hinayaan na ang sarili ko na makatulog...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon