40

173 7 0
                                    


"Zian, asan ka? Kasama mo ba si Zion? Asan kayong dalawa ngayon?" Sunod sunod na tanong ni Sky ng sagutin ni Zian ang tawag ni Sky, umupo naman si Zian sa kama dahil kagigising niya lang, "Nasa pinas na ako last week pa, pero naiwan sa korea si Zion, kasi kahapon yung flight niya papuntang Japan may kailangan daw siyang asikasuhin or something" sabi ni Zian na humihikab pa dahil sa pagod pa rin sa naging bakasyon nila ni Zion, nag pigil naman ng galit si Sky dahil ramdam ni Sky na walang alam sa nangyayare si Zian kaya pinakalma nito ang sarili niya bago sagutin si Zian, "ah okay, pwede bang pumunta ka dito sa company, dumeretso ka agad sa office ko, gamitin mo yung VIP na elevator 3667 ang code nun, ngayon kita kailangan please" sabi ni Sky habang nag pipigil ng galit, nag taka naman si Zian pero wala siyang ideya kung bakit siya kailangan ni Sky, ,"sige mag ayos lang ako, tapos deretso na ako dyan" sabi ni Zian at tinapos na ang call, hindi naman maiwasan ni Zian na mag alala ng dahil sa biglaang tawag sa kaniya ni Sky, hindi naman mawala sa isip niya ang mga bagay na pwedeng mangyare at kung tungkol saan ang tinutukoy ni Sky, huminga muna ng malalim si Zian bago ito tumuloy sa pag punta sa office ni Sky. Pag pasok ni Zian ng company ay hindi makakaila na may kung ano nga na nangyayare dahil halos lahat ng nakakasabay niya ay hindi mapakali at halos lahat ay nag mamadali, dumeretso na si Zian papunta sa office ni Sky dahil hindi na niya maiwasan na mag aalala at kabahan, parang nababalot ng isang madalim na ulap ang buong kompanya dahil sa bigat ng nararamdaman ni Zian, pag bukas na pag bukas ng elevator ay agad na tumakbo si Zian papunta sa office ni Sky, ng makita naman ni Sky si Zian ay agad itong lumapit dito at niyakap agad si Zian. "What the hell is going on?" Seryosong tanong ni Zian, humiwalay naman sa pagkakayakap si Sky kay Zian at hinawakan ito sa magkabilang braso, "see for yourself" sabi ni Sky at ginabayan ito papunta sa table niya at pinakita ang nasa laptop nito, hindi naman makapaniwala si Zian sa nakikita niya, hindi na nito napigilan ang pag iyak, pero huminga ito ng malalim at binasa ang mga article na kasama nito habang naiyak ng tahimik, hindi naman umalis si Sky sa tabi ni Zian, tumayo naman si Zian ng biglaan, "Sky lumayo ka sakin" sabi ni Zian at aangal pa sana si Sky ng itulak siya ni Zian palayo s kaniya, ng malayo na si Sky sa kaniya ay walang pag dadalawang isip na sinuntok ng malakas ni Zian ang laptop ni Sky, sa lakas ng suntok ni Zian ay hindi lang ang laptop ni Sky ang nasira, pati na rin ang buong table ni Sky dahil ito ay gawa lang sa glass, nagulat naman si Sky sa ginawa ni Zian pero agad nitong tinanggal ang T-shirt na suot nito at binalot ang buong kamay ni Zian sa damit na ito dahil sa dami ng dugo na tumutulo mula dito, niyakap naman si Sky si Zian at walang nag salita sa kanila. Pumasok naman ang nag mamadaling si Artemis at Jan sa office ni Sky at nadatnan ang dalawa na magka yakap at tahimik lang, napa iwas naman ng tingin si Artemis dahil sa puno ng dugo ang buong damit ni Sky na nakabalot sa kamay ni Zian, kita naman kay Jan ang pag pipigil nito ng sobrang galit. "Hindi si Zion ang nasa sex video na yan, may tatoo si Zion sa likod niya ng spotify code ng favorite song niya" biglang sabi ni Zian kaya napatingin sa kaniya ang lahat, wala namang nag salita sa kanila at inantay lang si Zian na mag salita, "Hindi natin pwedeng I-deny na si Zion nga ang nasa picture na may kahalikan sa Japan, at kailangan natin mahanap kung sino ang nag publish ng article na nag sasabi na Official na ang relationship ni Zion dyan sa Krystal na yan." Sabi ni Zian at huminga ng malalim, tumayo naman si Sky at pumunta sa telepono at may tinawagan, "IT team, you have my go signal. Jan pasabihan naman si Gale" sabi ni Sky sa telepono at agad itong binaba at tumingin naman siya kay Jan, tumango naman si Jan at agad na tinawagan si Gale. "Nasa laptop ko sa office lahat ng files mo Sky" sabi ni Zian at tumango lang si Sky dito, pero hindi niya maiwasan na isipin na matakot kay Zian ngayon, the fact na nagawa niyang i-transfer ang lahat ng files ni Sky sa laptop niya bago siya umakto sa galit niya, "Do you think Zion was cheating on you?" Biglang tanong ni Artemis, napa iwas naman ng tingin si Jan at Si Sky, dahil hindi nila kayang maitanong iyon kay Zian kahit yun ay kanina pa pumapasok sa isip nila, "I actually don't know, but I've heard him talk to someone on call with someone he calls Krys, so it's not impossible" sabi ni Zian at napapikit at napa hinga ng malalim, "we still can't contact him" sabi na lang ni Sky.

"Hi, sorry we cannot confirm anything yet, we'll inform you if we have confirmed everything." Sagot ni Zian sa tawag ng isang news company, na nag tatanong tungkol kay Zion, pagka end naman ng tawag nito ay agad na tinanggal niya ang telepono sa saksakan, at sakto naman na pumasok si Sky, "Zion" sabi ni Sky at itinuro ang hawak nitong phone, agad naman din niya itong inabot kay Zian. "I know, what happened. Now, shut up and go here, before I change my mind and completely destroy your entire career and life" sabi ni Zian bago pa makapag salita si Zion, at agad na inend ang call, napatingin naman si Sky kay Zian na nag tataka.

After spending their entire day basking in the sun and  playing in the sand, both Zian and Zion immediately fell asleep the moment they hit their bed. Kalagitnaan ng gabi, nagising si Zian para uminom ng tubig, pag balik niya sa kama nila ay saktong may nag notif sa cellphone ni Zion, agad naman itong binasa ni Zian at nag taka sa nabasa, "pumunta ka dito sa Japan the moment na mapauwi mo na yang bakla na yan, pumunta ka dito sa address na ito" mahinang basa ni Zian sa message na natanggap ni Zion, agad naman niya itong minarkahan na unread para hindi malaman ni Zion na pinakelaman niya ito, agad namang pumunta sa sala si Zian at may tinawagan, "Hi, andito ka sa korea diba?  I'll pay for everything, follow Zion, kahit magkasama kami, sundan mo siya simula bukas hanggang sa mag punta siya ng Japan" sabi ni Zian sa katawagan niya, "I'll pay for everything don't worry" sabi ni Zian at agad na binaba ang tawag at bumalik sa pag tulog na parang walang nangyare.

"Ayan lang sasabihin ko sayo, for now let's wait for Zion" sabi na lang ni Zian kay Sky at wala namang nagawa si Sky kung hindi tumango na lang, "things might get rough, but not for us" sabi ni Zian at ngumiti lang sa kaniya si Sky, "By the way, who is Krystal?" Sabi ni Zian at napakamot naman si Sky sa batok niya dahil akala niya alam na ni Zian ang about kay Krystal, "Ex ni Zion, naging sila for 6 months. Singer si Krystal, isa siya sa kumanta ng theme song ng dating drama ni Zion, at dun sila nagka kilala" sabi ni Sky at napa tango tango naman si Zian sa kaniya.

"Zian, mauna ka nang umuwi ah, may flight ako papuntang Japan, may aasikasuhin kasi pala ako eh" sabi ni Zion habang nakain sila ni Zian, tumango tango na lang si Zian at hindi na nag tanong pa nang kung ano ano, "Pasalubong ah" sabi ni Zian at ngumiti lang si zion dito. Maya maya din ay hinatid na ni Zion si Zian sa airport pauwi mg Pinas. "Message mo ko pag naka uwi ka na ah, atsaka kung pwede laeng bawas bawasan mo pagiging close mo kay Sky, daig niya pa ako eh" sabi ni Zion habang naka yakap kay Zian, kinagat naman ni Zian ang malambot na parte ng tenga ni Zion, "OA mo" sabi na lang ni zian at nag hiwalay na sila ng daan. "I'm on my way" sabi ni zion kay Krystal, at dumeretso na sa flight niya papuntang Japan, hindi naman namalayan ni Zion na may nakasunod sa bawat kilos niya.

"You're finally here, my baby" sabi ni Krystal ng makita si Zion, hindi naman ito pinansin ni Zion na agad nitong kinainis pero ngumiti lang ito, "Drink with me" sabi ni Krystal at tinawag ang waiter, "My usual please" sabi ni Krystal at kinindatan ang waiter, "I'll just have water" sabi ni Zion, at napangisi naman si Krystal. "Stop sending those threats to him" deretsong Sabi ni Zion kay Krystal at inirapan naman nito ni Krystal, "I mean I could stop, But I would need Something" sabi ni Krystal at umupo sa lap ni Zion at hinawakan ang bawat parte ni Zion, tinulak naman palayo ni Zion si Krystal na ikinauga ng table at natapon sa damit ni Zion ang tubig niya, kaya agad niyang itinayo ang baso at pinalagyan ito ng tubig sa waiter, dahil sa inis tinapon ni Krystal ang alak niya sa mukha ni Zion, at sinabunutan ito, "Tandaan mo, isang tawag ko lang sa contact ko, may mangyayare dyan sa bakla mo, umayos ayos ka" gigil na sabi ni Krystal at bumalik sa upuan niya, sakto naman na dumating ang waiter at binigay ang tubig kay Zion, "can you just leave a pitcher here?" Sabi ni Zion sa waiter at ininom ang tubig niya. Maya maya pa ay nakaramdam ng init si Zion kaya hinubad niya ang suot niyang hoodie, at uminom ng tubig, hindi naman nito namalayan na ang iniinom niyang tubig ay pinahaluan ni Krystal ng drugs at kasabwat niya ang waiter. Maya maya pa ay makikita na nasa labas na ng club si Zion at Krystal, ng biglang halikan ni Krystal ang nahihilo na si Zion, wala namang control sa sarili si Zion at parang ang katawan niya ay sumusunod lang sa nangyayare sa kaniya. Pagkatapos ni krystal na halikan si Zion ay agad nitong itinulak ito palayo sa kaniya, "Nakuhaan niyo ba kami ng picture?" Tanong ni Krystal sa katawagan niya sa wireless headset, napangiti naman ito ng umoo ang kausap nito, at agad na umalis sa lugar na iyon, kinuha naman ng isang tao ang hoodie na naiwan ni Zion at agad na tumawag ng police ng makitang nakahiga sa lapag sa daan si Zion, at agad ding umalis doon.

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon