11

309 16 0
                                    

Naka tingin lang ako kay Zion habang naka ngiti, pekeng ngiti, feeling ata nito yung closeness namin pang mag bestfriend eh, simula nung pinakilala sa akin yung Mariella di na tinantanan ang pagkukwento about sa babaeng yun, nakita ko naman sa likod ni zion si jan kaya agad akong tumayo kahit di pa tapos nag salita si zion, kasi wala din naman akong pake sa mga sinasabi niya.

"Ano jan?! Hindi kita marinig" sadyang sigaw ko sa kaniya at napatingin naman siya sa akin at tinuro niya ang sarili niya at tumango tango naman ako sa kaniya

"Oy tinatawag ako ni jan, bahala ka na dyan" sabi ko kay zion, mag sasalita pa sana siya pero agad na akong tumakbo ng mabilis papunta kay jan, at kumapit agad ako sa kaniya

"Mamaya ka na kumain, bigay ko na lang sayo niluto ko" sabi ko sa kaniya at hinila siya palayo sa cafeteria, ng makalayo naman na kami dun ay napahinga na lang ako ng malalim at umupo sa sahig, yumuko naman si jan para pantayan ako

"Hindi talaga niya ako tinatantanan sa pag kukwento about dun sa babae niya, nabuburyo na ako. Feeling niya ata tropa niya ako, kung makapag kwento siya sa akin" iritang sabi ko kay jan, tinawanan niya naman ako at tinap tap ako sa ulo

"Tara sa tambayan, dun ka umupo wag dyan sa sahig" sabi niya sa akin at sinoportahan ako patayo, at agad naman kami pumunta sa isa sa mga tambayan dito sa school

"Hoy jan, napapansin kita ah, nag iba pakikitungo mo sa akin simula nung sinabi kong may gusto ako kay zion. Bakit?" Sabi ko sa kaniya, simula kasi nung inamin ko sa kaniya na may gusto ako kay zion, mas naging tentative siya sa akin, mas naging soft siya sa akin, parang mas naging sweet yung actions niya sa akin, i mean ganun naman na din siya sa akin dati, pero ngayon parang nag upgrade

"Attentive kasi yun hindi tentative, Well, baka kasi mas maging lonely ka eh, kasi ayan nga may gusto ka kay zion, tapos may nililigawan siya, tapos sayo niya pa kinukwento. Ayoko lang na maramdaman mo na wala kang kasama, na wala kang pwedeng masabihan ng mga bagay bagay, tsaka kahit hindi mo naman aminin alam kong nasasaktan ka." Sabi niya sa akin at sa totoo lang nararamdaman ko yung mata ko na nag luluha, bigla naman niya akong niyakap at hinimas himas ang likod, at umiyak naman ako, pero hindi yung hagulgol kasi ang Oa masyado nun

"Baka sayo ko ma-fall pag lagi kang ganito sa akin" natatawang sabi ko sa kaniya at humiwalay na sa pagkaka yakap, kinurot naman niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin

"Wag, di kita type" sabi niya sa akin at tinawan ako, nagulat naman ako ng may kumurot sa akin sa tenga, kaya agad ko siyang siniko sa tyan, alam ko naman kung sino yun eh

"Ano ba problema mo na naman!?" Iritang singhal ko sa kaniya at tinawanan lang ako ni zion at umupo sa tabi ko

"Eh bigla mo na lang ako iniwan dun eh, tapos makikita ko nag lalampungan lang pala kayo dito" sabi ni zion at inirapan ko siya, kapal ng mukha nito, kaya nga ako lumayo sa kaniya dahil naiinis ako eh

" Eh ano ngayon kung nag lalampungan kami ni jan, di mo nga maitikom yang bibig mo tungkol dun sa babae mo, mula bahay hanggang school di ka na tumigil kakadada" iritang sabi ko at  nakita ko naman si jan na tinatawanan lang ako kaya inirapan ko lang siya, napakamot naman sa batok etong si zion

"Sorry" sabi ni zion at inirapan ko lang siya, kasi di naman sincere yang sorry na yan, bitter na kung bitter wala naman pake yan si Zion sa akin, as long as nasa-satisfy niya mga gusto niya

"Tara na uwi na tayo" sabi bigla ni zion, napatingin naman agad ako kay jan at sinenyasan siya, hindi ko alam gets niya pero bahala na

"Ah mauna ka na, sabay na kami ni jan, may gagawin pa kami eh, atsaka dun ako kanila jan dederetso baka madaling araw na ako umuwi, or baka dun na ako matulog" sabi ko kay zion habang pinapasadahan ng tingin si jan para senyasan siya na sakyan niya na lang ang mga pinag sasabi ko at tumatango tango naman siya habang kausap ko si zion

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon