16

321 14 0
                                    

Zian's P.O.V

I just lost all the fucks i had. Yan ang sagot sa tanong kung bakit umaakto ako na parang walang nangyare, i mean kesa naman mag mukmok ako dyan sa gilid at patayin ang sarili ko kaka overthink, it's nonsense naman eh, walang kami, hindi niya ako gusto, what else am I supposed to do? It's not like I can do anything, I mean I could, but would it mean anything or would it even matter

"Oy, di ka papasok? Mauuna na ako" sabi ko kay zion, tumingin naman siya sa akin at huminga ng malalim

"Tinatamad ako, wag ka na lang din pumasok, tulog na lang tayo" sabi niya at hihilahin na sana niya ako pahiga sa tabi niya ng agad akong umiwas, ewan ko ba sa lalakeng toh bigla na lang naging clingy masyado, feeling close. Masyado ata namimiss magka jowa kaya ako ang iniistorbo, kapal ng face

"Ewan ko sayo, alis na ako" sabi ko at agad na umalis. Saktong pag labas ko ng village namin ay naka salubong ko si jan, kaya agad kong kinatok ang bintana niya dahil liliko na sana siya, kita ko naman sa mukha niya na gulat na gulat siyang makita ako

"Ba't late ka?" Takang tanong niya ng makapasok ako sa sasakyan niya, napairap naman ako dahil inantay antay ko pa si zion magising tapos ang ending di pala siya papasok

"Tanong mo dun sa tamad na lalakeng yun, kairita" inis na sabi ko at ngumiti naman siya sa akin at pinag patuloy na ang pag drive...

"Balita ko nag date daw kayo ah?" Sabi ni jan at napatingin ako sa kaniya ng nagtataka, date? Kelan kami nag date? Wala nga ganap samin eh, wala naman nangyaring special

"When? Atsaka saan?" Takang tanong ko sa kaniya, parang the whole week tunganga lang kami sa bahay kasi wala kaming pasok last week dahil sa jeepney strike na yan, masyado kasi bida bida mga nasa position kala mo sila nagbibigay ng pera

"Yow" nagulat ako ng biglang sumulpot si zion, kala ko ba di papasok tong mokong na ito? Ba't andito to

"Naawa ako sayo eh, baka kasi malungkot ka na wala ako, kaya pumasok na ako" sabi niya na para bang nabasa niya ang iniisip ko at agad itong sinagot, inirapan ko naman siya at tumalikod sa kaniya

"Paki sabi sa isa dyan, walang may pake sa kaniya kaya pwede na siya umuwi" sabi ko kay jan at agad na dumeretso papuntang rooftop ng building namin para tumunganga

"Oy wag ka tatalon ah" nagulat naman ako ng sumulpot na naman si zion, tangina ng lalakeng toh sunod ng sunod

"Aso ka ba? Ba't ba lagi kang naka buntot sa akin?!" Iritang bulyaw ko sa kaniya at mag sasalita na sana ako uli ng takpan niya ang bibig ko at inabot sa akin ang pagkain na dala dala niya

"Kumain ka na lang, di ka nag almusal eh" sabi niya sa akin at tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa bibig ko

"Be for real, na mi-miss mo bang magka jowa, kaya kung ano anong ginagawa mo sakin? Masyado ka atang tigang" iritang sabi ko sa kaniya at napa sapo siya sa noo niya, hindi ko na inantay ang sagot niya at inopen na ang dala niyang pagkain... The usual, i mean puro favorite ko yung andito.

"Pano kung sabihin kong gusto kitang jowain?" Biglang sabi niya, kung may pake pa siguro ako baka kinilig na ako at nag sabi ng kung ano ano sa kaniya, pero tinignan ko lang siya ng seryoso at bumalik na lang sa pagkain

"Oy aba, ano, kiligin ka naman" medyo inis niyang sabi, may sapak ata tong lalakeng toh sa ulo eh, tama nga siguro ako, jowang jowa na toh kaya kung ano ano na ginagawa at sinasabi, binaba ko naman ang kutsara na hawak ko at tumingin sa kaniya

"Wow, omygosh, enebe, wag ka ngang ganyan" malandi kong sabi pero with a straight face, napa hinga naman siya ng malalim at tinuloy ko na lang ang pagkain ko

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon