31

191 9 0
                                    

"Aba hoy tantanan mo na ako gabi na" iritang sabi ko kay zion, aba ilang araw na kasi akong di tinatantanan

"Eh bakit mo kasi ako iniiwasan? Para namang baliw toh oh, ano tayo high school? Iiwasan mo ko bigla pag may nagawa akong mali tapos di mo naman sasabihin kung ano yung nagawa ko, tapos sasabihin mo okay lang masyado ka lang naging sensitive, tapos ang ending parehas tayong mag sosorry sa isa't isa" bulyaw niya sa akin at binato ko sa kaniya yung unan ko at sinalo naman niya ito at bigla akong hinampas gamit yung unan, kaya sinipa ko naman siya

"Kung iniiwasan kita, makakapasok ka ba dito sa bahay!? Andito ka pa sa kwarto ko bwisit ka!" Inis na sabi ko sa kaniya at sinipa ko siya paalis ng kama at ang loko biglang tumayo at tumalon sa kama pahiga papunta sa tabi ko, kaya tinulak ko siya ng tinulak

"Di mo pala ako iniiwasan eh, edi tabi tayo matulog" sabi niya sa akin na ikina laki ng mga mata ko sa gulat at hiya, may something kasi na pumasok sa utak ko eh, hindi maganda kaya mas lalo ko siyang tinulak

"Oy mahiya ka, hindi na tayo mga bata, ma conscious ka naman, lalo ka na trenta ka na, mag mature ka naman" sabi ko sa kaniya at bigla siyang umupo at tumingin sa akin ng masama

"Ang kapal ng mukha mo, maka trenta ka, isang taon lang agwat ko sayo, gagong toh!" sabi niya sa akin at hinampas ako ng unan, kaya gumanti ako, hanggang sa nag hahabulan na kami sa buong kwarto at nag hahampasan ng unan. Feeling ko tuloy bumalik kami sa pagka bata, mga panahon hindi ko pa narerealize yung feelings ko para sa kaniya, wala pa akong ibang iniisip noon bukod sa pano ko siya magagantihan sa mga ginawa niya sa akin... Literally the good old days

"Tama na pagod na ako" sabi ko sa kaniya at bumalik sa kama, kinuha ko naman ang remote ng aircon at nilakasan ito dahil nainitan ako sa pinag gagawa namin ni zion, umupo naman siya sa tabi ko at parang asong hingal na hingal

"You know, na miss ko toh" sabi niya bigla... And for some reason, ayokong ituloy niya yung mga sasabihin niya, ayokong alalahanin niya yung past, lalo na yung mga panahon magkasama kami... Ayokong alalahanin niya yun... Ayokong pag usapan ang nakaraan lalo na siya ang kausap ko

"Wala ka bang pasok bukas?" Pag babago ko ng topic, tumingin naman siya sa akin at umiling iling

"Naalala mo ba yung about kay simon dati? Di talaga ako makapag pigil nung mga panahong nalaman ko yung balak niya" sabi niya habang nakangiti... Please stop, ayokong... Ayokong mapag usapan ang nakaraan

"Tulog na tayo, may pasok pa ako bukas" pag iiba ko uli ng topic at tinry nang humiga at inayos ko na ang sarili ko

"Nag away pa tayo dahil sa mga naging girlfriend ko, which is kasalanan ko naman" natatawang banggit niya at napahinga na ako ng malalim, ayokong marinig pa yung mga nangyare noon, lalo na sa kaniya nanggagaling

"Tapos nung play natin-"

"Please stop!" Singhal ko sa kaniya at napa upo sa kama, para hindi na niya maituloy pa yung mga sinasabi niya, I don't like where this is going

"Please zion, let's just sleep, kung dito mo gusto matulog, go, just stop talking" sabi ko sa kaniya at nakita ko naman na ngumisi siya

"Bakit zian? Parang ayaw na ayaw mo maalala yung mga pinag gagawa natin dati ah? Bakit may ayaw ka bang maalala? May ayaw ka ba na masabi ko?" Sabi niya sa akin habang naka ngisi, inirapan ko na lang siya at kinuha ang kumot pero nagulat ako ng marahas niya akong inihiga sa kama at naka pa-ibabaw siya sa akin at medyo mahigpit ang pagkaka hawak niya sa dalawang kamay ko

"Bakit huh!? Bakit!? Ayaw mong ipaalala ko sayo yung ginawa mo sa akin sa rooftop!? Ha?! Tangina zian! Pagkatapos ng lahat ng nangyare, tingin mo makakalimutan ko yung ginawa mo sa akin nung nasa rooftop tayo!? Tangina mo zian! Iniwan mo ko! Walong taon! Walong taon ka nawala zian! Iniwan mo ko ng walang sabi sabi! Buong buhay ko magkasama tayo, tapos iiwan mo lang ako bigla at mawawala ka sakin ng walong taon!! Bakit!? Ha!? Bakit mo ko iniwan!? Wag na wag mong maidahilan sakin na dahil mas magiging successful ka kaya ka nag ibang bansa, tangina zian, alam nating parehas na kahit hindi ka mag ibang bansa magiging successful ka, alam natin parehas na magaling ka sa ginagawa mo, so bakit!? Ha!?" Sigaw niya sa akin habang malapit ang mukha niya sa akin at sobrang higpit ng pagkaka hawak niya sa kamay ko, naluha na lang ako habang sinisigawan niya ako, May mga alalaang bumabalik na hindi ko na gustong maalala, pero hindi yun ang dapat kong pagtuunan ng pansin...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon