"Guys change of schedule daw, mauna muna daw yung moving up natin, tapos mga 3 daw mag start yung play natin" announcement samin ng president ng theater club, tumango tango naman ako bago ako bumalik sa room namin, moving up day na kasi, pero 10 am pa naman schedule ng level namin so andito kami ngayong mga magkaka klase nakatunganga. Pano kasi, pinapunta kami ng maaga, sabi call time daw 7, edi syempre kami masunurin pumasok ng 8, eh tapos nay binigay samin na parang itinerary ata ng plans, 10 pa daw pala matatawag level namin so eto ending tunganga."Ba't di ka naka gown?" Biglang tanong ni jan na kakapasok lang ng room, ewan ko san galing yan, baka nakipag laplapan muna sa bebe niya
"Hoy baboy mo ang gusot pa ng pang itaas mo, halatang may ginawang milagro eh" sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa salamin at inayos ang gusot sa polo niya
"Hindi noh, baboy ng utak mo, umiyak kasi si gale, kala niya hindi kami same ng school na papasukan kasi di ko sinabi sa kaniya san ako nag take ng entrance exam" sabi niya at tinignan ko na lang siya na para bang hindi ako naniniwala.
Mabilis lang natapos yung moving up namin, kasi literal na tawag lang ng pangalan tapos akyat sa stage tapos baba na agad, wala nang speech speech na naganap, kasi may last event pa na magaganap bukas, yun na pinaka last na event, JS prom na gagawing farewell party. Matutulog na dapat ako, kasi may 1 hour pa naman bago kami mag prepare sa theater, kaso biglang may yumugyog sa akin.
"Oy bakla hinahanap ka sa theater club, may emergency daw" sabi ni zion at sinamaan ko naman siya ng tingin dahil inantala niya ang tulog ko, ramdam ko na yung antok eh
"Ano ba yan, istorbo" iritang banggit ko sa kaniya at agad na naglakad papuntang theater
"Oh M! You're here na, meron tayong very big problema" sabi ng teacher namin na naging head ng club, napatingin ako sa paligid at parang tense nga sila
"Si Celena, nag back out, may flight daw sila papunta cebu kaninang 12, wala na tayong bida!" Tarantang sabi ni ma'am at literal na napahinga ako ng malalim kasi parang nagising talaga yung diwa ko sa mga sinabi niya
"Hala shet wala tayong understudy niya... Ay sorry, hala" sabi ko at tinakpan bibig ko kasi napa mura ko sa harap ng teacher
"Wala tayong pwede ipalit" tarantang sabi ng president ng club na hingal na hingal na lumapit sa akin, wala kasi kaming na set up na understudy sa mga cast since sobrang kulang namin, yung iba nga cast na tapos props men din eh, eh syempre ako narrator kaya di ako umalis sa pwesto ko, napatingin naman ako sa paligid para tignan bawat isa at hanapin kung sino man pwedeng maging bida namin, Cinderella lang naman na modern day yung play namin eh, pero syempre puro kanta kasi musical
"You! Ikaw na ang bida!" Sigaw ni ma'am kaya hinanap ko kung sino yung kausap niya tapos nagulat ako ng makita kong nakaturo siya sa akin
"Ma'am bakla ako, di babae" sabi ko sa kaniya at umiling iling naman siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso ko at niyugyog ako
"It's okay, modern day naman eh, tsaka sino ba may sabing kailangan babae si Cinderella, wala namang indication sa story line natin na kailangan babae siya. Gagawin natin BL ang story. Ikaw lang ang nakakaalam ng lines ng lahat dahil ikaw ang gumawa ng script at kabisado mo din ang mga actions at steps nila, ikaw lang ang pwedeng pumalit sa kaniya" mahabang sabi ni maam at wala na akong nagawa kung hindi um-oo, pero... Si Zion kasi si prince charming kaya... Shet kung ano ano kasing nilagay ko sa script eh...
"Ready ka na ba my love?" Biglang sulpot ni zion sa likod ko at bumulong, bigla naman niya akong niyakap mula sa likod
"Wag ka kabahan, alam ko naman na mas handa ka pa sa kaniya, atsaka hindi ko na kailangan mag pigil sa ibang actions ko, kasi ikaw ang magiging asawa ko dito" bulong niya pa sa akin at napahinga ako ng malalim at narinig na naming mag start mag narrate si maam. Walang choice eh, siya na daw mag narrate tutal andito ako sa stage.
BINABASA MO ANG
My Neighbor Enemy
Teen Fictionkaaway sa street kaaway sa school kaaway kung saan saan Ang kabaliktaran ng childhood friend... Childhood Enemy