18

277 8 0
                                    

"Balita ko nag usap daw kayo ni simon" biglang sabi ni zion, istorbo talaga tong lalake na toh kahit kelan, kitang nanunuod ako eh

"Ang tagal na nun, mga isang buwan na apaka mo" iritang sabi ko sa kaniya habang hindi tinatanggal ang atensyon sa pinanunuod ko

"Tsaka kanino mo naman nalaman yan?" Takang tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang tumabi sa akin at humiga sa lap ko, agad ko naman siyang sinabunutan at tinanggal siya sa pagkakahiga sa lap ko

"Nag chat siya sa akin, ngayon ko lang nabasa, nasa message request ko kasi eh" sabi niya na pause ko agad yung pinanunuod ko at tumingin sa kaniya na nag tataka

"The heck?! Ano sabe sayo?" Takang tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin na parang may something

"Wala, sabi niya lang wag na wag daw kitang sasaktan, syempre secret na yung iba" sabi niya sa akin at inirapan ko na lang siya, malamang kasinungalingan na naman yang pinagsasabi niya

"Balita ko may bago kang pinopormahan ah?" Pang aasar ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin na nagtataka

"Huh? Sino naman? Ayoko na mag jowa, lahat na lang ng jinojowa ko, threatened sayo" reklamo niya bigla, hala, ba't parang ako pa yung may kasalanan? Ba't parang ako pa yung mali? Char, drama much

"Jojowa ka na lang kasi red flag pa, well ikaw din naman red flag so yeah not that surprising" pang aasar ko sa kaniya at nagulat na ako ng itulak niya ako pahiga ng sofa at pumatong siya sa akin

"Ako red flag? Sige nga ba't ako red flag?" Matapang na tanong niya sa akin habang nakapa ibabaw siya sa akin, napa irap naman ako sa kaniya at tinry siya itulak palayo sakin, pero anong laban ko sa higante, Jusqo

"Kita mo ginagawa mo, pinapatungan mo ko, di mo naman ako jowa, Red flag agad. Ingit na ingit pa naman yung impokrtitang ex mo sa akin, buti pa daw ako napapatungan mo" sabi ko at napatawa ako ng malakas, sobrang pathetic kasi nung reasons nung babaeng yun, napaka insecure, okay lang naman maging insecure wag ka lang mandamay, tipong mang bubully ka ng iba kasi insecure ka, totally pathetic.

"Ewan ko sayo, kala mo naman green flag ka, feeling main character ka nga eh" sabi niya sa akin bigla agad ko namang tinuhod ang tyan niya kaya siya ay napatayo at napalayo sa akin

"Eh ano ngayon kung feeling main character ako? Feeling knight in shining armor ka nga, takot ka naman sa pagpiprito" natatawang bulyaw ko sa kaniya, kita naman sa mukha niya na nag pipigil siya ng tawa niya, totoo naman eh, marunong yan mag luto, pero apaka duwag sa lahat ng lutuin na prito, kaya madalas sa niluluto niya wala ng gisa gisa, puro may sarsa or may sabaw lang naluluto niyan.

"Eh ikaw nga... Ewan wala na ako maisip" sabi niya at tinawan ko kang siya, feeling mananalo kasi, kala mo naman madami maisusumbat sa akin

"Dun ka na nga, nanunuod ako eh" sabi ko sa kaniya at tinulak siya palayo sa akin at tinuloy ko na ang panunuod

"Labas lang ako saglet" sabi niya sa akin at tumango tango lang ako sa kaniya at agad din siyang umalis, naiwan naman akong nakatunganga sa tapat ng tv kasi wala na ako mahanap na movies or series halos lahat ng maayos natapos ko na sa sobrang boredom.

"Hi" nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si jan, nagtaka naman ako dahil wala naman siyang sinabi na pupunta siya dito, kaya nakatingin lang ako sa kaniya na nagtataka

"Wala ako magawa sa bahay eh" sabi niya sa akin at agad na dumeretso sa tabi ko at kinuha sa akin ang remote

"Edi sana ako na lang pinapunta mo dun sa inyo, alam mo namang kung pwede lang dun na ako tumira sa bahay mo eh" sabi ko sa kaniya at tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng mga natitirang snacks

"Gosh ubos na pala ang aking snacks, what the heck" sabi ko dahil halos wala na ako makita at bumalik na lang ako sa sala

"Takaw mo kasi" sabi niya sa akin agad at hinagis ko sa kaniya yung dalawang malaking chips na natitira

"Grocery tayo later" sabi ko sa kaniya at tumango lang siya, napatingin naman ako sa phone niya na sunod sunod ang notif

"Oy sino yan?" Maintriga kong tanong at ngumisi lang siya sa akin kaya inirapan ko siya, feeling mysterious amp

"Inaway kasi ako ni gale eh, kaya ayan di ko din muna siya pinapansin" sabi niya sa akin at napa sapo naman ako sa noo ko, pero agad din akong napatingin sa kaniya, dahil hindi ko kilala yung gale na sinasabi niya, at ngayon niya lang nabanggit sa akin yung name na yan

"Hoy nyemas ka, the who!??" Sabi ko sa kaniya at inalog alog ko siya at tinawanan naman niya ako kaya hinampas ko siya sa braso

"What the heck, finally sinabi mo din sa akin pangalan ng kalandian mo, so sino nga siya, pano kayo nagkakilala tsaka saan? Kelan pa kayo? Parang nung nakaraan may ka friends with benefits ka lang ah" sabi ko sa kaniya at tinawanan niya ako, alam ko lang dati may nagugustuhan siya, hindi ko naman siya masyadong kinulit that time kasi baka mamaya mabati ko tapos di pa sila matuloy

"Taga school lang natin yun, mas bata sakin ng isang taon, pero ka year natin. Nakita ko lang siya one day sa court na nag lalaro ng basketball, sobrang ganda niya kasi, I mean gay daw siya, obvious naman tsaka sobrang feminine niya pero naglalaro ng basketball kaya medyo nagulat ako, kasi sobrang soft niya tignan tapos mga kalaro niya pa that time mas matangkad at mas malaki sa kaniya, mas maliit pa nga sayo yun eh. Syempre pinormahan ko agad, di naman nag tagal pag porma ko sa kaniya, kaya ayan kami na" mahabang kwento niya sa akin, at napangiti naman ako habang nagkukwento siya. Ang saya lang isipin, na atleast sa paligid ko, sa circle ko, na may guy to guy na couple, naiisip ko tuloy na as long as there are couples like them, as long as they're together, okay na ako. Parang enough na sa akin yung may mga taong katulad ko na may partner at masaya sila together, enough na sa akin yung knowledge na yun. I am really really jealous, but what could I do? If its not meant for me, then its not. This is also how I feel pag nanunuod ako ng BL series, everytime na napapanuod ko na masaya sila together, I know its just acting, but just knowing na masaya yung characters nila, parang sobrang relief yung nararamdaman ko, na as long as they're happy I'll be happy. Parang enough na sa akin na may ibang tao na naka achieve ng dream life ko. I'm really losing in touch with myself, bit by bit, I'm losing care about myself and what happens to me, and I'm starting to appreciate everything around me but myself.

"Please, just please be happy" sabi ko sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya, napatingin naman siya sa akin ng seryoso pero ngumiti lang ako sa kaniya

"Zian, don't be like that. You're important to me, you're valuable to me" sabi niya sa akin at ngumiti lang ako sa kaniya, masyado na ata niyang alam ang pattern of thinking ko depende sa actions and expressions ko towards him

"You know what, mag ayos ka na dun, at mag mall na lang tayo, ng makapag grocery ka na din" sabi niya sa akin at ngumiti ako sa kaniya at tumango tango lang ako sa kaniya at dumeretso na sa kwarto ko para mag ayos.

"San punta?" Rinig kong tanong sa akin zion na biglang pumasok sa kwarto, napatingin naman ako sa kaniya at napansin na napaka gulo ng damit niya, as in ang lukot sobra, kaya napatingin ako ng masama sa kaniya

"Wow, you certainly had fun kung san ka man nagpunta" sabi ko sa kaniya at napatingin siya sa sarili niya at lumapit sa salamin, pinagpa tuloy ko naman ang pag bibihis

"Anong iniisip mo? Madumi na masyado utak mo, nako nako. Galing ako sa bahay at kung ano anong pinabuhat sa akin ni mama kaya dumeretso agad ako pabalik dito baka kasi utusan pa ako" sabi niya sa akin at pinanliitan ko siya ng mata at agad din siyang hindi pinansin

"Sama ako" biglang sabi niya na ikinagulat ko at tinignan ko siya ng masama

"No, epal ka sa date namin" sabi ko sa kaniya at sinintas na ang sapatos ko ng maka alis na kami agad baka totohanin niya pa yung pag sama niya sa amin, pag sumama siya I can't talk shit about him, kaya no

"Damot" sabi niya lang at humiga sa kama ko, inayos ko naman ang maliit kong bag at tumingin kay zion

"Wag kang mag dadala ng babae dito" sabi ko sa kaniya at lumabas na ako ng kwarto at iniwan siya dun...




"Jan, I will be leaving soon"

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon