8

423 17 0
                                    

"Pre si Zian, pumayag na siya na ligawan ko, shet siguraduhin mong ibibigay mo sa akin yung motor ah, atsaka asan na si Chelsea, sabi niya may reward siya sa akin pag pumayag na si bading magpa ligaw sa akin. Pre nag send yun si chelsea sa akin ng picture niya, shet" masayang banggit ni simon, napa hinga naman ako ng malalim dahil sa mga naririnig ko

"Oo pre, tsaka mo makukuha yung motor pag napasagot mo na yun" sabi nung lalakeng kausap ni simon

"Bakit ba ayaw na ayaw ni Chelsea dyan sa baklang yan? Dami daming bakla dito sa school, yan pa pina laruan sa akin, eh mukhang mahihirapan ako pasagutin yan, laging bantay sarado yung zion tsaka yung jan" sabi ni simon, parang familiar yung name na chelsea eh, kanina ko pa inaalala kung sino yun

"Eh gusto niya nga ilayo kay zion, trip na trip niya si zion eh, pero sabi niya hanggat kasama ni zion yung bading na yun hindi niya makukuha si zion" sabi nung lalake, nag lakad na ako paalis mula dun at dumaan sa ibang daan papunta parking lot... Nakita ko naman si zion na palapit at parang sasabog na sa galit, kasama naman niya yung kaibigan niya na parang pinipigilan siya sumabog....

"So? Ano andun nga sila?" Takang tanong ni zion, kakauwi ko lang kasi mula sa dapat na date namin ni simon, at tumango tango ako sa kaniya

"Napansin ko silang lahat sa malayo, syempre nag panggap ako na parang disappointed na hindi dumating si simon, tapos nag text sa akin si simon na may emergency siya, tapos ayun umalis na ako" sabi ko sa kaniya at umupo sa tabi ni zion, at sinubuan naman niya ako nung cake na kinakain niya

"Ano ba kasing plano mo?" Tinignan ko naman siya, at nag kibit balikat lang, huminga naman siya ng malalim

"Wag mo muna ako kausapin, iwan mo muna ako mag isa" sabi ko sa kaniya at agad na umakyat sa kwarto ko at nag hubad ng damit, at iniwan ang shorts ko. Agad naman akong umupo sa harap ng salamin ko at huminga ng malalim bago tumingin sa sarili ko.

"Ano nga ba kasing plano mo?"

"Ewan, di ko sure"

"Dalawa lang naman Choices mo, Ituloy mo yang kalokohan na yan, at masaktan or itigil mo na"

"Actually iniisip ko kung sakyan ko ba siya sa trip niya, at sagutin na siya agad at makipag break din, kaso makukuha niya yung gusto niya, or itigil ko na ito at i-confront siya, kaso parang hindi ako satisfied sa ganun"

"Revenge?"

"I mean, ideally gusto ko siyang masaktan, pero hindi naman ako isang main character sa story na, cool ang pag revenge, eh wala nga akong alam about dun kay simon, kaya wala ako pwedeng iganti sa kaniya"

"Or pwede naman natin na itigil na lang everything, parang nakakatamad din i-confront siya eh"

Baliw na kung baliw, pero sarili ko lang ang kaya kong kausapin about sa mga pinoproblema ko, parang sarili ko lang yung pinag kakatiwalaan ko, lalo na sa mga importanteng bagay or pangyayari sa akin. Natigil naman ang pagka usap ko sa sarili ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si zion.

"Kausap mo na naman sarili mo, pwede namang ako kausapin mo" sabi niya at inirapan ko lang siya, dumeretso naman siya sa closet at may kung anong kinuha, bigla naman niyang binato sa akin ang isang shirt, sinuot ko na lamang ito at nakita na hindi akin itong shirt na ito, sobrang laki eh

"Sayo toh eh" sabi ko sa kaniya at hindi siya umimik at naglakad siya palapit sa akin ,at tumabi sa akin sa pagkaka upo

"Pwede mo bang bugbugin si simon para sa akin?" Mahinahon kong tanong sa kaniya, at ngumisi naman siya sa akin, iniba niya yung pagkaka upo niya at inalalayan ako na humiga sa lap niya.

"Kung wala sa tabi ko si jace, baka hindi mo na nakikita yang simon na yan" sabi niya at tumingin naman ako sa kaniya ng nag tataka

"Narinig namin ni jace na may kausap si simon, hindi ko dapat papansinin yun kaso narinig ko yung pangalan mo kaya na curious ako, tapos ayun sabi niya na inutusan lang siya gawin yun kapalit ay motor ata yun tapos si chelsea, ayun dapat susugudin ko na siya kaso pinigilan ako ni jace at sinabi na sabihan muna kita" sabi niya naman sa akin habang nira-rub niya yung buhok ko, napangiti naman ako sa kaniya

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon