13

307 16 0
                                    

"Ano? Nakapag usap ba kayo?" Takang tanong ni jan at ngumiti naman ako sa kaniya at umiling iling, remember? Nung nag pipintura kami ni jan, in-assume ko na nakikinig si zion sa convo namin that time, eh simula naman nun di na siya nagpapakita sa akin

"Di nga natin sure kung siya ba yun eh, pero di ko na siya nakikita, baka busy sa jowa" natatawang sabi ko sa kaniya at saktong pagka pasok namin ay siya ding pag labas ng room ni zion, pero huli na ang lahat dahil nabangga ko na siya

"Ano ba yan eh, lake lakeng tao nakaharang sa daan" iritang sabi ko sa kaniya, hindi naman ako awkward sa kaniya eh, baka siya awkward sa akin, actually di ko pa rin sure kung narinig nga niya conversation namin ni jan that night

" Tumingin ka kasi sa daanan mo bansot" sabi niya pabalik sa akin at tinulak ko siya paalis ng daan ko, okay naka comeback siya si baka nga hindi niya narinig yung convo namin ni jan, eh bakit di na siya nagpapakita man lang sa bahay? Ano ba yan, I assumed pa naman na awkward siya sa akin, which is better than knowing na busy lang siya paligayahin yung jowa niya

"Oo nga eh sa sobrang liit ko, nakakalimutan ng ibang tao na sinabi nila na pag dating sa akin walang adjust adjust na mangyayare" iritang sabi ko, minsan talaga, I mean madalas talagang walang preno bibig ko kaya kung ano ano na nasasabi ko, napatawa naman si jan ng ma-realize niya kung anong yung sinabi ko, hinila ko na lang siya papasok at hindi na tinignan kung ano yung naging reaction ni zion sa sinabi ko. Ewan ko na lang talaga kung hindi niya pa magets yung sinabi kong yun, direkta na nga sa kaniya yung patama eh.

Anyways, bakit ba ako nag papatama? Eh wala naman dapat sa akin yun, i mean hello may gusto nga ako sa kaniya, pero walang kami, hindi siya nag make ng promises sa akin kaya i should expect nothing from him. Hindi ba promises yung mga pinag sasabi niya sa akin that day? Baka nga hindi, empty words lang ata yun.

"Empty words, nonsense, bastard" bulong ko sa sarili ko, nakita ko naman na napatingin sa akin si jan at tinaasan ko lang siya ng kilay, lumapit naman siya sa akin at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko, at nilapit ang mukha niya

"May dumi ka sa mukha" bulong niya sa akin at naramdaman ko na lang na pinunasan niya yung mukha ko gamit ang daliri, niya inirapan ko naman siya at tinulak palayo sa akin, tumingin naman ako sa paligid at may nakita akong tao sa labas ng room na nakatitig kay jan, ng mapansin nito na nakatingin ako sa kaniya ay agad itong umalis

"Stalker? Admirer? Yung ka-situationship mo? Ano? Bakit pinag seselos mo, ako pa ginamit mo hayup ka" sunod sunod na sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya sa akin at umupo sa sahig, at tinuloy ko naman ang pagdidikit ng kung ano ano dito sa pader

"Wala na kami nung ka situationship ko, di niya daw pala kaya di ma-attach, pumayag naman ako kasi may nagugustuhan na ako na someone, and masyado siyang mahiyain, sobrang opposite mo" sabi niya at binato ko siya ng papel dahil dun sa huling sinabi niya

"Wow ah, thank you, pinamukha mo pa sa akin na hindi mo ko type" iritang sabi ko sa kaniya babalik na sana ako sa ginagawa ko ng makita kong pumasok sa room si zion, napa irap naman ako at tinuon na lang ang pansin sa ginagawa ko dahil kasama na naman niya yung babae niya. Grabe naman yang babae niya, daig pa linta kung maka dikit, ayaw mag hiwalay eh, baka linta din kasi si zion kaya bagay sila, mag sipsipan sila dyan... Natatawa na lang talaga sa mga pinag iisip ko.

"Oy bakla tumatawa ka diyan mag isa" biglang rinig kong sita sa akin ni zion, tinignan ko naman siya ng masama at muntik na ibato sa kaniya yung hawak kong gunting, literal na muntik ko na maihagis sa kaniya, nasanay na kasi ako na binabato siya ng kung ano ano pag iniinis niya ako, ko, napa ngisi naman ako ng makita ko na medyo kinabahan yung babae niya.

"Ilag ka sa susunod, baka di ko mapigilan, baka bigla dumulas sa kamay ko" naka ngisi kong sabi sa kanila habang nakatingin ako sa babae niya, at bumitaw naman si zion dun sa babae niya at dahan dahang lumapit sa akin, syempre hindi naman ako bida sa romcom kaya di ako aatras at tumingin lang sa kaniya ng seryoso hanggang sa makalapit na siya sa akin, ngumisi naman siya bigla at hinawakan ang chin ko at inangat ang mukha ko at ngayon ay magka eye to eye na kami

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon