23

252 13 0
                                    


"Alam mo, you didn't have to bring up the fact na gay ka kanina, hindi ba parang mas nakaka offend yun sayo? Kesa kay Sai?" Nagulat ako ng may biglang nag salita sa likod ko, at humarap naman ako ng dahan dahan dito... Wow, another pogi

"Ah, ganun na kasi talaga ako eh, I used my gayness kasi to offend and make people uncomfortable with me, kasi I love nothing in this world more than people staying away from me and leaving me alone. I'm very introverted kaya I'd rather be left alone. Atsaka i figured since madami pa rin ang mga tao na ayaw sa gay people, I'd use my gayness and their homophobia to my advantage, para win win sa akin" Sabi ko sa kaniya at tinawanan naman niya ako

"Masyado kang interesting. Sobrang saya siguro sayo ng partner mo" sabi niya at ako naman ang napatawa, di ko alam kung tawang natatawa ba talaga or tawang May kasamang lungkot kasi wala akong jowa, huhu

"Masyado kong pinapalayo ang mga tao sakin para magka jowa ako. Introvert nga ako sobra, kaya no chances of interaction with other people" sabi ko sa kaniya at tumawa lang, totoo naman eh, bahay trabaho lang ako kahit nasa iceland pa ako, kaya di talaga ako nagka jowa, kahit crush wala.

"Then, you wouldn't mind kung I ask you out on a date?" Biglang sabi niya at ngumiti naman ako sa kaniya at tinulungan niya akong tumayo

"You look very good, honestly my type, but mas bata ka sa akin so i would decline your offer" sabi ko sa kaniya at ngumiti, ngumisi naman siya sa akin at hinawakan ako sa balikat ko

"Despite my appearance, I'm 30 years old already" sabi niya at tinignan ko siya na hindi makapaniwala, hello 5 years pala ang tanda niya sa akin, pero mukha akong mas natanda, napaka unfair ng mga genes ng tao grabe, palahi po, char

"So, pwede ko ba makuha contacts mo?" Sabi niya sa akin at tumango tango na lang ako at pinakita sa kaniya yung IG ko na kakagawa ko lang kahapon, wala kasi akong magawa kahapon kaya naisipan ko gumawa ng socmed

"Ako pala first follower mo, so ako din first DM mo. Sige alis na ako, message na lang kita mamaya" sabi niya sa akin at kinindatan ako bago umalis, napangiti naman ako kasi ngayon lang may lumandi sa akin, I mean I kind feel naman na hindi siya seryoso sa mga sinabi niya, wala man akong experience sa nga lalake, but I'm the best at knowing someone without actually knowing them, judger ako eh, bigla naman ako napa tingin kay jan na nasa harap ko na

"Playboy yun, sabihin niya i-me-message ka niya pero di niya gagawin, tapos mamaya mawawala siya sa followers mo" sabi niya sa akin at inirapan ko naman siya, panira ng moment, as i've said, I already know that, men are men.

"And so? 25 na ako, pero virgin pa din ako, nireregret ko pa yung pinag bigyan ko ng first kiss ko. Tapos pinag mukha niyo pa akong pokpok, papahalik kayo sa akin mga hayup kayo" sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako at inakbayan, at pinaupo sa upuan

"Dinner tayo after ng work mo, gusto ka na makita ni gale, palagi ka kasing busy nung highschool kaya ayan hindi mo napansin na ilang beses ko nang kasama si gale habang nasa room" sabi niya sa akin at sinubukan ko naman alalahanin yung mga panahon na yun, pero ang naaalala ko lang screen ng phone ko or laptop, or kaya mga pintura

"I don't know kung makakasama ako sa inyo, pinag titripan kasi ata ako nitong si zion, I mean si Sai, puro pagpapa hirap ginagawa, sabihan na lang kita mamaya kung makakasama ako. Atsaka malay mo ayain nga ako nung... Shet di ko alam pangalan nung lalake" sabi ko sa kaniya at medyo natawa kasi hindi ko man lang na tanong kung anong pangalan nung lumandi sa akin

"Christian Gray, oo kapangalan niya yung sa movie" sabi niya at napangisi naman ako kasi medyo na enjoy ko yung movie na yun, very rawr yung movie

"I wonder if magaling din siya sa ano... Char" natatawang sabi ko sa kaniya at napasapo naman siya sa noo niya, lumapit naman ang manager niya sa kaniya

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon