14

296 15 1
                                    


Zian's P.O.V

How can you help? How can you help ease the pain... That you caused? The pain that you are the reason.

"Una ka na, baka hindi ako pumasok" sabi ko kay zion, tumingin naman ako sa kaniya at lumapit siya sa akin at pinat ang ulo ko

"Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka. Uwi agad ako after class ko" sabi niya sa akin at ngumiti lang ako sa kaniya at tumango tango lang. Pinanuod ko naman siyang lumabas ng pinto hanggang isarado niya na ito at napatingin ako sa reflection ko. May salamin kasi sa likod ng pinto namin, kaya pagka sara ng pinto ay nakita ko ang itsura ko. I really am not attractive, alam kong confident ako, i do like how I look, but I'm not delusional enough to see myself as an attractive person. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Ano? Ayos ka pa ba?" Biglang tanong ni jan, inirapan ko naman siya at inopen ang tv, umupo naman siya sa tabi ko

"Nag tanong sa akin kagabi si zion, about sayo" sabi niya, napatingin naman ako sa kaniya ng nag tataka

"Kagabi, nagka salubong kami sa 7/11 at nagkaayan uminom saglit, tapos nag tanong siya about sayo, syempre sinabi ko na may gusto ka sa kaniya" sabi niya na ikinalaki ng mata ko sa gulat, agad ko naman siyang dinaganan at tinakpan ng unan ang mukha, tumawa naman siya habang ginagawa ko yun

"Tama na joke lang" natatawang sabi niya sa akin at umayos na ako ng upo at inirapan siya

"Ewan ko sayo, bwisit ka, pumasok ka na nga" inis na sabi ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako

"Sige na, tawagan mo ko pag kailangan mo ng kung ano ah, alam mo namang wala tayong pag gagagawin ngayon araw kaya pwede akong umuwi agad." Sabi niya at tumango tango na lang ako sa kaniya at itinulak siya paalis, gawin pa akong dahilan para makauwi ng maaga sira ulo...

Dahil sa sobrang bored ko napunta na ako sa sm at nanuod ako sa cinema, palabas na ako ng cinema ng biglang mag vibrate yung phone ko, agad ko namang sinagot ito ng walang tingin tingin kung sino man ang tumawag.

"Na saan ka?" Nagulat ako dahil medyo galit yung pag tatanong niya, hindi ko naman na kailangan alamin kung sino yung tumawag, boses pa lang kilalang kilala ko na agad kung sino

"SM" maikling sagot ko sa kaniya, wala ako sa mood sumagot ng maayos, at lalong lalo na akong wala sa mood kausapin siya, I need to spend more money and spoil myself for the whole day before I mope around, and be in despair.

"Daanan kita dyan" sabi niya, at literal na napatigil ako sa pag lalakad sa gitna ng mall at napa irap, huminga naman ako ng malalim bago siya sagutin

"No" sabi ko at agad na inend ang call at pinatay ang phone, as I've said kailangan kong i-spoil ang sarili ko kahit sa isang araw lang, para maihanda ang sarili ko sa mga mangyayari sa mga susunod na araw.

I've spent hours and hours going through every shop, every restaurant, every stalls, as in everything na nakikita ko, tinry ko at binili ko, I spent years of my ipon just to fill the emptiness that I'm feeling. This is probably the third time I've been like this. Why am I like this? I never really thought of myself that I'm a materialistic type of person, but here I am. It is weird, but it does help, making me feel better.

Sarado na ang mall ng umalis ako dun, di pa nga dapat ako uuwi eh, kaso unti unti na nag patayan ilaw sa mall, kaya ayun umalis na ako para umuwi. Mag lalakad na sana ako papunta sa bahay ng ma-realize ko na andun pala si zion, kaya agad akong umiba ng daan at dumeretso sa bahay nila jan. Andito na ako sa tapat ng bahay nila jan, kakatok na sana ako, pero baka tulog na siya, or kaya baka may ginagawa siya, or baka may kasama siya, ayokong maka istorbo, atsaka lagi na lang siya pinupuntahan ko pag may kailangan ako or pag may problema ako, hindi ko man lang iniisip dati na baka nakaka istorbo ako, pano kung napipilitan lang siyang saluhin ako at i-comfort ako? Kasi ayaw niyang maka offend...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon