15

330 13 0
                                    

Zion's P.O.V

"Oy lalake, nakipag hiwalay ka na ba dyan sa jowa mo?" Biglang tanong ni zian, mag kasama kami ngayon sa canteen dahil for some reason bigla na lang siyang bumalik sa dati, bigla na lang nawala yung parang awkwardness niya sa akin, bigla na lang bumalik yung pakikitungo niya sa akin, parang mas naging straightforward pa nga siya ngayon eh.

"Oo, bakit?" Sabi ko sa kaniya at tinignan niya ako na parang di siya makapaniwala sa sinabi ko, agad naman niyang binaba ang utensils niya

"Anong bakit? Parang hindi ako nag drama sayo about sa kaniya ah? Ay wait sayo ba ako nag drama? Or kay jan? Anyways dapat lang break na kayo, pinaasa asa mo pa ako, sasabihin mo ako standards mo, na walang adjustment pag dating sa akin, sinabi mo pa nung una na ayaw sa akin nung gusto mo tapos ang ending jinowa mo pa rin, mag isip ka nga" iritang sabi niya at agad na uminom ng soda niya pag tapos niyang mag salita, napa kamot na lang ako sa batok dahil wala naman akong palag sa mga sinabi niya.

Alam ko naman na kasalanan ko at ako talaga yung mali, ewan ko kung anong pumasok sa isip ko nung mga panahon na yun. Pero totoo lahat ng sinabi ko kay zian, na gusto ko yung taong magiging karelasyon ko ay okay sa kaniya, pag ayaw sa kaniya nung taong gusto ko edi ayaw ko na din sa kaniya, kay zian ako naka depende, dahil kahit sabihin ng iba na sobrang puro away lang kami sa araw araw, si zian ang pinaka importante sa akin, di ko alam kung bakit pero siguro dahil na rin sa lumaki na talaga kami ng mag kasama at pamilya na rin ang turing ko sa kaniya.

"Una na ako, baka babuyin na naman ng mga kaklase ko yung props para sa play" sabi niya at aalis na sana siya pero hinawakan ko agad siya para pigilan

"Sabay na tayo" sabi ko sa kaniya at inirapan niya lang ako at inantay, niligpit ko naman agad ang mga kalat namin at agad na bumalik sa room nila.

"Jan pa hug" biglang sabi ni zian kay jan, agad namang tumayo si jan at humarap kay zian at agad na tumakbo si zian at niyakap si jan ng mahigpit... Anong meron? I mean, alam kong close sila, pero bat parang mas naging close sila, na parang may kakaiba sa kanila

"Kayo na ba?" Hindi ko namalayan na bigla na lang yan lumabas sa akin, nagkibit balikat naman si jan at tumingin ng kakaiba sa akin si zian at ngumiti ng nakakaloko

"Pano kung kami nga? Anong gagawin mo?" Medyo sensual na pagkakasabi ni zian at pinadulas ang kamay niya mula sa dibdib ni jan hanggang sa buckle ng belt neto, medyo napaiwas naman ako ng tingin dahil parang hindi ko kayang makita yung ginagawa niya, hindi sa nandiri ako pero may something sa akin na ayaw makita si zian ng ganun

"Diring diri ah, homophobic much" natatawang sabi ni zian at napa iling iling na lang si jan sa mga pinag gagawa ni zian, at napa hinga na lang ako ng malalim. Maya maya pa ay naging busy na si zian, kaya agad akong umupo sa tabi ni jan.

"Kayo na ba? Anong nangyayare kay zian? Ba't parang bumalik na siya sa dati pero parang nag bago din siya" sunod sunod na sabi ko sa kaniya, at tumingin naman ako kay zian na nag dadrawing ng butterfly sa white board, ganun pa rin naman istura niya pag focus na focus siya sa ginagawa niya, lalo na pag gusto niya yung ginagawa niya. Busy kasi siya para sa play namin eh, siya na writer siya din director pati props manager siya din, alam kong napapagod na siya pero tinutuloy niya pa rin yang mga yan kasi gusto niya yan, gustong gusto niya na busy siya sa gusto niyang mga gawain. Lagi naman siyang ganyan simula pa noon, kahit simpleng mga events, like surprise sa teacher or birthday ng kaklase gustong gusto niyang nag aayos siya ng room, or kaya nag gagawa siya ng program, pero alam ko tourism ang balak niyang kunin sa college, di ko lang sure pero parang wala kasi connect yung tourism sa pagiging event coordinator, kaya di ko alam bakit yun balak niya kunin.

"Hindi kami niyan, umamin naman na siya sa akin, type niya daw ako pero for some reason daw hindi siya attracted sa akin. At kung may gusto kang malaman about sa kaniya, siya na mismo tanungin mo, dahil siya lang naman makakasagot niyan" sabi niya sa akin at tumango tango na lang ako sa kaniya at binalik ko na ang tingin ko kay zian, hindi siya naka ngiti pero kita ko sa mata niya na masaya talaga siya sa ginagawa niya, bigla naman siyang napatingin sa akin, pero imbis na umiwas ako ng tingin sa kaniya ay parang na magnet yung mga mata ko sa kaniya,ngumiti naman siya sa akin at hindi ko napigilan na ngumiti din.

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon