37

216 9 0
                                    

"Ano ba umayos ka nga napaka harot mo" iritang sabi ko kay Zion, ginagamitan ko kasi ng lint roller yung suot niya, pano ba naman kasi nakipag laro dun sa aso nung isang staff, eh naka suot na siya ng damit para sa shoot niya, puti pa naman yung aso tapos maroon yung suot niya kaya ayan halatang halata yung balahibo

"Kiss mo ko, di na ako mag lilikot" sabi niya at ngumuso sa akin inirapan ko naman siya at hinampas sa mukha niya yung face Shield na dala ko

"Suotin mo yan habang hindi ka on cam, para sure, level 1 tayo sa covid kaya umayos ayos ka, hindi ka pwedeng maglalabas kung hindi naman shoot or sa company ang punta mo" sabi ko sa kaniya at sinuot naman niya agad ito, hinila ko naman siya palapit sa make up table, ayaw kasi matanggal nung iba kaya kinuha ko yung blower at agad itong tinapat sa damit niya

"Oy leather toh, baka masira" sabi niya at agad na umiwas sa blower inirapan ko naman siya at hinila siya pabalik sa pwesto niya

"Wag kang OA, hindi naman malakas toh, atsaka faux leather yan, assuming ka" sabi ko sa kaniya at napakamot naman siya sa batok niya

"Naka ilang jowa ka na?" Tanong ko sa kaniya at pinatay ko na ang blower at umupo sa upuan niya, siya naman ay umupo sa isang malaking speaker

"Di ko na mabilang, pero hindi na ako nag jowa simula nung iniwan mo ko" sabi niya at napa irap naman ako sa kaniya, asang totoo yang sinasabi niyan

"Oo nga, ayaw maniwala" sabi niya pa sa akin kaya inirapan ko lang siya, nilapit naman niya ang pwesto niya sa akin at ngayon ay magka harap na kami

"Atsaka virgin pa ako" bulong niya sa akin na nakapag patawa sa akin ng malakas pero pinigilan ko din ang tawa ko

"Gago! sinong niloloko mo?" Natatawang banggit ko sa kaniya at napakamot naman siya sa batok niya

"Okay maybe, hindi na, pero 1 time lang yun" sabi niya sa akin at inirapan ko naman siya habang natatawa pa rin

"Alam mo? Wala akong pake sa sex life mo. Pero balita ko, nung high school... Lahat ng naging jowa mo, dinala mo daw sa locker room ng theater club kaya naging member ka dun para may copy ka ng susi at para madala mo dun mga babae mo pag walang nagamit ng theater" sabi ko sa kaniya, syempre chismosa ko nung highschool, wala man akong ibang kaibigan bukod kay Jan, pero naririnig ko pa din naman mga usap usapan sa school, malakas kaya pandinig ko

"Oy hindi totoo yun" pag tanggi niya, pero syempre wala akong pake kung totoo yun o hindi, personal life naman yun, nakakatawa lang na kumalat yung ganung balita lalo na sa mga babae

"Eh bakit? Ikaw? Naka ilang jowa ka na bukod kay simon?" Tanong niya at napa isip naman ako, at napa bilang din ako sa daliri ko

"Ewan ko eh, pero hindi kasi ako nag jojowa, puro one night stand lang or landian lang, walang relationship" sabi ko sa kaniya at kita ko naman sa mukha niya na medyo nainis siya sa sinasabi ko, syempre di naman totoo yan noh, ewan ko na lang sa mga college student na kaya pag sabayin ang studies at pakikipag landian at party, nung college ko halos isubsub ko na sarili ko sa pag aaral, tangina pa ng mga minor subject ko na feeling major sa pag papagawa ng mga kung ano ano, atsaka after na after ko mag college natanggap agad ako sa company ko dun, kaya zero time for landi

"So... May experience ka na? Like expert level ka na?" Nakangisi niyang sabi at inirapan ko na siya bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko

"Eh dito sa pinas... May naka fling ka na ba? Sana wala, para at least, masabi ko na ako first Filipino mo" sabi niya at hinampas ko naman siya dahil hindi na siya natigil sa pag tatanong ng kung ano ano

"Ewan ko sayo" sabi ko na lang sa kaniya at tatayo na sana ako ng bigla niya ako hilahin pabalik sa pagkaka upo, tinignan ko naman siya ng masama at muntik ko na siyang masampal

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon