25

227 10 0
                                    

"Oy si Sai nag aalburoto, need ka namin" hingal na sabi sa akin ng manager ni zion, napa hinga naman ako ng malalim at sumunod na lang sa manager niya

"Ayaw niya bigla lumabas ng trailer niya, hindi namin alam kung anong nangyare. Nagulat na lang kami padabog siyang pumasok ng trailer tapos nilock niya lahat ng pinto, asa kaniya pa susi, kaya wala kaming magawa" sabi ng manager niya na stress na stress na, ano na naman kayang trip neto, baka di nakatulog ng maayos kaya nag aalburoto, tsaka ang aga niya ata nagising, alala ko pa noon may isang jowa siya na nakipag break siya dahil ginising siya ng maaga, pero syempre nung panahong magkasama kami, mas malakas topak ko pag umaga, kaya wala siyang choice kung di magpigil

"Sige ako na bahala, lumayo na lang kayo baka mag sigawan kami, wag kayong magpa lapit ng kahit sino sa trailer" sabi ko sa kanila at iniwanan sila sa tent para ako na lang mag isa ang pumunta sa trailer

"Oy buksan mo toh" katok ko sa trailer, at maya maya pa ay nakita kong sinilip niya ako sa bintana, isasarado na sana niya ng iharang ko ang kamay ko at inakyat ko yung bintana niya at dun ako lumusot para makapasok, kita ko naman na gulat na gulat siya sa ginawa ko

"Hindi mo ko manager talaga para magka obligasyon ako sayo, na iistorbo tuloy pag kain ko kanina. Ano na naman bang ikinatotopak mo?" Sabi ko sa kaniya at di niya ko pinansin at humiga lang siya

"Oh kainin mo muna yan, tapos matulog ka kahit saglit" sabi ko sa kaniya at binato sa kaniya ang snack bar ko, kinain naman niya ito

"Hello, baka matagalan ako dito kay Sai, paki sabi na lang sa staffs na mag early lunch na sila, after nun kakaladkarin ko na palabas tong isang toh, basta walang lalapit dito sa trailer, wag din kayong maingay if madadaan kayo dito" sabi ko sa phone ng tawagan ko sila.

"Matulog ka na, gigisingin na lang kita later, kasi matutulog din ako" sabi ko sa kaniya at binaba ang sandalan ng upuan ko, para makahiga din ako, nag alarm naman ako para hindi kami maover sa pag tulog. Pumikit na lang ako at pinabayaan siyang matulog...

"Oy aba gising na" nagulat ako ng may dumudutdot sa mukha ko, kaya napa bangon agad ako, tinignan ko naman siya agad at pinag masdan, umayos ako ng upo at humarap sa kaniya

"Lapit mo mukha mo sakin" sabi ko sa kaniya at aangal na sana siya ng hilahin ko siya palapit sa akin, at sinampal sampal ang mukha niya, well mahihinang sampal lang parang tapik tapik lang, napa sarap din siguro tulog niya kaya medyo kita sa mukha niya na puffy siya

"Dapat kasi nag alburoto ka na bago ka malagyan ng make up eh, para at least wala na puffiness mo pag nilalagyan ka na" sabi ko sa kaniya at inayos ng konti ang make up niya

"Atsaka kausapin mo manager mo, hindi yung pinababayaan niyo isa't isa na mag desisyon, alam mo namang late na uwi mo galing shooting, tapos tatanggap ka pa ng mga pang umaga o tanghali na schedule" sabi ko sa kaniya habang inaayos ko naman ang buhok niya

"Ikaw na lang kaya manager ko? Kausapin ko si boss" sabi niya sa akin at hindi ko napigilan kamay ko na batukan siya ng mahina

"Ay sorry, kala ko close tayo. Pero ano ka, ako pa kaladkarin mo sa mga gawain mo, enough na sa akin 8 hours lang working time ko, hindi ko naman kailangan ng extra pera, ayaw tanggapin ni papa pera ko kasi enough na daw yung meron sila, si mama naman minsan lang nanghihingi pag gustong bumili ng kung ano na ayaw niya malaman ni papa. Anyways, tara labas na tayo, para makapag simula na kayo" sabi ko at nakikinig lang naman siya habang inaayusan ko siya, bigla naman siyang tumayo kaya medyo close kami ngayon physically, parehas kasi kaming nakatayo nakaharap pa kami sa isa't isa, actually dibdib niya na kaharap ko kasi ang tangkad niya, ang laki pa ng katawan niya compare sa akin. Nakita ko naman na medyo gusot ang damit niya kaya inayos ko ito at pinagpagan ang jacket niya

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon