3

523 26 1
                                    


"Zion ikaw na bahala diyan ah" sabi ni mama kay zion habang nilalagay ni zion yung mga bags ni mama sa likod ng taxi

"Ma i hate you" sabi ko sa kaniya at inirapan niya lang ako, pano kasi nga diba ginawa pang taga bantay ko si zion, eh kaya ko naman sarili ko

"Ewan ko sayo Zian, feeling matapang ka" natatawang sabi sakin ni mama, may inabot naman si mama kay zion kaya nilahad ko ang kamay ko sa harap niya

"Wala, naibigay ko na sayo nung nakaraan. Girl tignan tignan mo tong dalawa minsan sa bahay ah, baka mamaya nagpapatayan na tong dalawa" natatawang sabi ni mama sa mama ni zion, napangisi naman ang mama ni zion

"Sus patayan nga ba? Mamaya magulat ka pag uwi mo, mag shota na yang dalawa" natatawang sabi ng mama ni zion at inirapan ko na lang sila at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Agad naman akong humiga sa sofa at binuksan ang tv.

Maya maya pa ay pumasok na din si Zion at umupo siya sa kabilang sofa, napansin ko naman na nakatingin siya sa akin, pero di ko siya pinansin at nag focus lang sa pinapanuod ko. Nang medyo nag tagal na, napansin ko na kanina pa din naka tingin sa akin si zion, kaya agad ko siyang tinignan ng masama at ang mokong hindi man lang umiwas ng tingin o kaya tinago na nakatingin siya sa akin.

"Ano bang problema mo? Gandang ganda ka na ba sa akin?" Iritang sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya kaya agad kong binato sa kaniya yung isang unan sa likod ko, at sinalo naman niya ito

"Inaantay lang kita umiyak" sabi niya habang nakangiti, inirapan ko naman siya at umayos ng upo

"Ba't ako iiyak? Hello, nasa ibang lugar lang sila, di sila patay" mataray na sabi ko sa kaniya at tumingin siya sa akin na parang di siya naniniwala

"Never pa kitang nakikitang umiyak, kahit simula pa nung bata tayo, ilang beses naman na kita nasaktan ng sobra" sabi niya sa akin at pinag taasan ko naman siya ng kilay at nag cross arms ako

"So goal mo na mapa iyak ako?" Sabi ko sa kaniya at ang mokong tumango tango lang

"Hindi ko sasabihin na never mo ko makikita umiyak, pero wag mo nang intayin dumating yung panahon na masaktan mo ko to the point na umiyak ako" seryosong sabi ko sa kaniya at napahinga naman siya ng malalim at inayos ang pag upo niya, agad naman akong tumayo at pumunta na sa kwarto ko para mahiga sa kama. Tumitig lang ako sa kisame dahil sa sobrang bored ko, hindi kaya ng panunuod ng tv at pag gamit ng cellphone, tanggalin yung pagka bored ko. Bumukas naman ang pinto at pumasok si zion, agad naman siyang dumeretso dito sa kama at humiga sa tabi ko.

"Oh ba't andito ka? Alis" sabi ko sa pinaka malamyang way, wala na kasi akong energy  makipag away pero nasanay na ako na lagi kaming nag babangayan kaya yan agad ang initial response ko sa presence niya

"Baka kung anong gawin mo eh, di mo naman kailangan mag panggap na hindi ka malungkot" sabi ni zion sa akin at agad naman akong umupo at humarap sa kaniya

"Ano bang problema mo? Bakit ba parang gustong gusto mo kong makita na mahina?" Inis na sabi ko sa kaniya at nilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa ilalim ng ulo niya at ginawa itong unan, tumingin naman siya sa akin at umiling iling

"Sino bang nag sabi na kahinaan pag nalungkot or umiyak?" Tanong niya sa akin at nag tataka na talaga ako sa mga pinag sasabi nito

"Ano bang meron sayo? Dahil ba ito dun sa babaeng kasama mo kanina?" Takang tanong ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin na parang wala siyang idea sa mga pinag sasabi ko

"Hello, you're suddenly changing, you've never talked to me like this, we never talked with these energy and vibe" sabi ko sa kaniya, at nakatingin pa din siya sa akin na parang di niya alam yung sinasabi ko

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon