9

372 16 0
                                    


"Oy Z, wala ka pang kanta, baka gusto mong ako na lang pumili" sabi sa akin ni zion pagka pasok na pagka pasok niya ng pinto ng bahay, galing kasi siya sa kanila kasi kinuha niya yung mga sinampay niya sa bahay nila, tumingin naman ako sa kaniya at biglang nahulog ang mga underwear niya

"Brief mo nalaglag" sabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa baba, pag tingin niya sa baba ay nalaglag lahat damit na dala dala, pano kasi hindi muna tiniklop bago dalhin dito, as in straight from sinampay pinag patong patong niya lang lahat

"Pag tapos mo mag tupi tsaka kita sagutin" sabi ko sa kaniya habang pinapanuod siyang mag pulot ng mga damit niya, at nag thumbs up lang siya sa akin.

Actually hindi ko alam kung anong kakantahin namin, kasi never ko pa siyang narinig kumanta, kaya di ko alam kung anong bagay na kanta samin, actually kahit anong kanta naman okay lang kasi pwede ko naman i-adjust sa style ko yung kakantahin namin, kaso nga never ko pa siya narinig kumanta, so stuck ako. Nakita ko naman na unti unti na siyang malapit matapos sa pag tutupi ng damit niya, andito kasi siya sa harap ko, sa carpet siya naka upo at nag tutupi habang naka hilata ako sa sofa...

"Zion, kantahan mo ko" sabi ko sa kaniya, humarap naman siya sa akin at ngumiti, tinupi niya muna ang last na damit niya bago tumingin uli sa akin

"Request ka kanta" sabi niya sa akin, napa isip naman ako, wala kasi ako masyado alam na kanta ng lalake, hindi ako nakikinig ng kanta pag lalake singer

"Falling in love, cody fry" sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin at tumango tango, umayos naman siya ng upo pero nakaharap pa din sa akin, at hinawakan niya ang kamay ko

"You and I, a feeling warmer than sun in July~" kanta niya habang naka tingin sa akin at hawak ang kamay ko, hindi ko alam kung bakit pero may something sa boses niya at sa mata niya yung parang nag mamagnet sa akin palapit sa kaniya

"Since the day that you came in my life, Knew that I was falling in love~" pagpapa tuloy niya sa kanta, hindi naman niya tinanggal ang pagkaka tingin sa akin, kung ano anong scenario ang pumapasok sa isip ko dahil sa sitwasyon namin ngayon, pero isa lang ang masasabi ko, ang ganda ng boses niya, hindi siya ganun kalalim, pero sobrang kalmado ng boses niya at ang lamig pakinggan, pero dahil sa pag kanta niya alam ko na kung ano anong mga genre ng kanta ang pwede at bagay sa kaniya

"Love's an open door, Anna and Hanz, Frozen 1" sabi ko sa kaniya, at napa isip naman siya pero maya maya din ay tumango tango siya sa akin

"Kabisaduhin mo lahat ng lines ah, kasi buong piece yung need i-perform" sabi ko sa kaniya at ngumiti siya sa akin at napa tango tango

"Pano kung mag yosi ako? Parang ang cool tignan sa akin nun siguro, tapos ang pogi ko pa" sabi niya out of the blue, wow forda randomness ang person ah, pero sinamaan ko naman siya ng tingin

"Wag na wag ka nang magpakita sa akin pag ginawa mo yun, matatampal talaga kita pag nagpakita ka sa akin na may hawak na yosi" sabi ko sa kaniya at nag hehe lang siya sa akin

"So kelan mo aaminin na nasaktan ka talaga?" Sabi niya bigla sa akin na ikinahinga ko ng malalim, hindi ko ine-expect ng bigla niya akong tatanungin ng ganyan

"Hindi pa ba enough yung pag iyak ko nung araw na yun?" Sabi ko sa kaniya habang nag pipigil ng kung ano anong emosyon na gustong kumawala

"Alam kong naka gaan yun, pero sa nakikita ko sayo hindi pa enough yun" sabi niya sa akin bigla naman siyang tumayo at pinatay ang mga ilaw, at bumalik siya sa harap ko, walang kahit anong ilaw ang bukas sa buong baba, tanging liwanag lang ng buwan na pumapasok sa bintana ng bahay ang liwanag na makikita sa bahay

"Sabihin mo na, pinatay ko na ang ilaw para maka iyak ka ng hindi ko nakikita, alam ko namang ayaw mong umiyak sa harap ng iba" sabi niya at biglang hinawakan ang kamay ko, at dun biglang tumulo na ang mga luha ko

"Hindi ko siya gusto, hindi ako nagka feelings sa kaniya, pero nag expect ako... Akala ko may nagkaka gusto talaga sa akin, akala ko at least one time mararamdaman ko na may nagka gusto at nag mahal sa akin... I know how unattractive I really am, i know that, but what do other people have that I don't? Why do they get people that loves them for real, and I don't? There are people younger than me na may mga romantic partner, tapos ako eto, wala. Do you know how fucked up that feeling is, I'm just like everyone else, and yet I don't experience the same things you guys do, like ganun ba ako ka-kulang para mapag kaitan ng romantic partner? Ano bang meron kayo, na wala ako? Anong kulang sa akin? Why don't i get to experience the same things as you guys do?" Mahabang sabi ko habang naiyak, bigla namang humiga sa tabi ko si zion at niyakap ako habang hinihimas ang likod ko

"There are times for certain things, you know that, sooner or later you'll have someone who will look at you and say "you're exactly the crazy I need in my life", and you'll feel fulfilled by them" sabi niya sa akin habang yakap yakap ako at hinihimas ang likod ko, hindi naman ako nakapag pigil pa dahil tuloy tuloy lang ang iyak ko....

"Alam mo parang may something sa inyo ni zion this past few weeks" sabi bigla ni jan, napa ngiti naman ako sa kaniya kasi alam ko yung binabanggit niya

"Yeah, medyo um-okay ako sa kaniya eh" sabi ko sa kaniya, kasi di ba nga nung una parang may mga times lang na soft spoken sa akin si zion at sobrang rare lang nang pagiging sweet niya sa akin, pero ngayon napapadalas na, parang nagiging friends na kami, instead of enemies, although ganun siya sa akin minsan hindi pa rin nawawala yung pang gago niya sa akin, kasi routine niya na ata yun

"At wala kaming choice kasi naging partner ko siya sa theater club" sabi ko sa kaniya, na kwento ko din kasi sa kaniya yung heart to heart talk namin ni zion nung nakaraan

"Bakit hindi na lang si zion yung magustuhan mo?" Bigla niyang tanong... Napahinga naman ako ng malalim, actually ilang beses nang pumasok sa isip ko yan, kaso lagi kong tinatabunan ng ibang bagay, kasi ayoko isipin, ayoko din ma isip, kasi I know na hindi malabo na magka gusto ako kay zion, lalo na ngayon sa mga sweet na hanash niya ngayon sa akin, and I know it's just gonna be a painful path for me. I know masyado kong nag o-overthink eh wala pa nga nangyayare. The moment na I-acknowledge ko yang thought na yan, kung ano ano na next na papasok sa isip ko, it's just gonna be a mess inside me.

"Jan ikaw na lang magustuhan ko kesa kay zion" sabi ko sa kaniya at bigla akong nakaramdam ng malakas na pag batok sa akin, Napa angat naman ang tingin ko at nakita si zion, agad ko naman siyang sinikmuraan at napa upo siya

"Ayaw na ayaw mo sa akin ah" medyo inis niyang sabi, inirapan ko naman siya

"Bakit papatulan mo ba ako pag nagka gusto ko sayo?" Iritang sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng bigla niyang hinila at inikot ang upuan ko paharap sa kaniya at lumapit siya sa akin

"Pano kung oo? Tayo na agad, ano?" Sabi niya sa akin, ang lapit niya sa akin sobra, napansin ko naman na naintriga ang iba naming kaklase, tumingin naman ako kay zion ng mata sa mata, ngumisi naman ako sa kaniya at dahan dahang nilagay ang kamay ko sa balikat niya, nilapit ko naman sa kwelyo niya ang isang kamay ko at hinila siya para mas mapalapit pa ang mukha niya sa akin, nakita ko naman na medyo nagulat siya sa ginawa ko pero ngumisi din siya sa akin

"Tuloy mo" sabi ko sa kaniya, habang magka lapit pa rin ang mukha namin, pa nagmamatapang lang ako pero grabe na yung tibok ng puso ko dahil halos nag didikit na yung ilong namin sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin, at ramdam ko yung hininga niya, parehas lang naman kami ng toothpaste so di na ako mag co-comment sa amoy ng hininga niya.

"Sure ka?" Nakangisi niyang sabi at nakita ko naman na mas nilalapit niya pa ang mukha niya sa akin, kaya napa pikit ako saglit pero agad ko din siyang tinulak palayo sa akin, at tinawanan niya ako

"Duwag" natatawang sabi niya at tumayo naman ako at kinuha ko yung libro namin sa english na makapal at agad na hinampas hampas yun sa kaniya, at hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa kaniya kaya napa lean ako sa kaniya, dahil nakatayo nga ako at Naka upo siya

"Babe, wag ka nang mahiya" sabi niya and for some reason, nainis na ako ng totoo, I feel like I'm being played, again... Tinignan ko siya ng seryoso at binitawan niya naman ako at umayos ng upo...

My Neighbor EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon