" Bless, dear. How's school? "
Anong problema ni Patterson? Bakit ayaw niyang ipaalam kahit kanino na may nailigtas siya? Mas lalong di ako makapaniwala na sinabi niya yun. Ano kaya ang dahilan niya? Pero okay na rin, at least, hindi na niya ko kukulitin na umalis ng LSU. Salamat naman.
" Dear, are you okay? " sabi ni mommy.
" Of course, mom! " Sabi ko. At di ko namalayang kumakain pala kami. Aish! Bakit ko ba kasi iniisip yun?!
" I said, how's school? " ulit ni Mommy.
" Okay naman po. " Sabi ko kay mommy.
" Really? " Sabat ni kuya Dash. Mind reader din kaya siya?
" Oo naman kuya noh! Ang astig nga ng school na yun eh! Hindi niyo man lang sakin kinukwento! Napakalaki pa, as in! Nagtaka nga ako kung paano nagkaroon ng mga bundok dun! Tapos, ang aastig din ng mga schoolmates ko! May mga powers sila! Tapos, yung mga Park! Ang cool! " Sabi ko ng hindi nila mahalata na 'worst' ang pinagdaanan ko run. Pero ang totoo, 'School is Hell'. Pero sa dami ng iniisip ko, hindi naman nila nababasa yung iniisip ko. Siguro hindi sila Hero Unbeatable.
" Saang class ka napunta? " - kuya Lash.
" Wala pa. " Sabi ko, pero ang totoo sa 'Zero Class' ako napunta.
" Pinayagan ka namin na doon mag-aral para malaman mo ang kapangyarihan mo, hindi ang ipahiya ang pangalan natin. " Sabi ni Dad. Sinasabi ko na nga ba. Lagot na. Alam na niya kaya?
" Yes, Dad. I already know that. " Sabi ko na lang.
" Honey naman, wag mo naman takutin anak natin. " Sabi ni Mommy kay Dad. Thanks, Mom!
" I just warn her. " si Dad talaga.
Lalo tuloy akong mahihirapan nito. Paano kung malaman nila na ang anak nila ay isang 'Zero' lang? Buti nga na-Zero pa, akala ko tuloy iichapwera na nila ko.
After naming magdinner, umakyat na ko ng kwarto ko.
" Dogpoopie, not now. " kanina pa kasi niya hinihila ang panjama ko. Nakakailang punit na. Nagaayang maglaro kaso wala ako sa mood. Nagtampo tuloy ang loko. Tumakbo tuloy sa labas. Sure akong papunta kay kuya Lash yun. Ayaw niya kay kuya Dash eh. HE HATES DOG.
Nilabas ko na lang mga gamit at books ko. Syempre, hindi lang Hero or zero subjects namin, syempre, nandito pa si English, Science, Chemistry and ang Villain na si MATH. Hay jusme. Di ko pa kilala Prof namin. Bukas kaya? Ano na naman kaya ang mangyayare?
* * *
Nandito ako ngayon sa waiting shed, of course sa aming cool na cool na school bus. Nasan na kaya si Harold?
" Hey, waiting for me? "
" AY, BUTIKI KA! HAROLD?! " nakakagulat naman kasi! Bigla ba namang sumulpot?
" Sorry kung nagulat kita. "
" Nah. It's okay. "
Nagkwentuhan lang kami ni Harold hanggang sa dumating na ang aming School Bus. Syempre, dahil second time ko nang sumakay sa bus na ito, hindi pa rin ako sanay. Nahihilo, nasusuka, natatakot. Buti na lang, katabi ko si Harold, hinahawakan niya lang ang kamay ko, nawawala na ang pagkapanic ko. Si Candy kasi nasa tabi ng isang guy rin na kanina pa sila nagtatawanan. Bahala nga siya. Masyado talagang sociable.
Pagbaba namin ng bus, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa University nato.
" Ms. Knight! Here's my card. Tawagan niyo ko kung may maitutulong man ako sa inyo. Hehe. " Sabi ni manong Gleebert- the School Bus Driver. Kinuha ko naman ang yung card, in case of emergency.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]
RandomIf fairytales are real, then she is a kind of princess no prince or king could ever handle. She was not made for ballgowns and parties, but for battlefields and saddles. WEAK. That's the only word describe to herself. Silver Bless Knight believes t...
![Snow White and the Seven Elements [ ON-GOING ]](https://img.wattpad.com/cover/39345078-64-k439583.jpg)